KABANATA 17

326 55 15
                                    

-DAY 2: LIGAW?-

Hindi pa sumisikat ang araw, ginising na kami ni Mama. Ito raw kasi ang pinakamagandang parte sa tuwing pumupunta sa isang beach.

"Nakamamangha talaga ang pagsikat ng araw"

Nasa araw ang atensyon naming tatlo. Hindi na namin nakasama sina Iza dahil mahimbing pa silang natutulog.

"Alam mo ba anak. Ang pagsikat ng araw ang nagsisilbing pag-asa ko sa buhay" makahulugang sambit ni Mama.

"Napakaganda nga!" dumating si Kuya, may dala siyang tatlong sterilize na gatas.

"Dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Ang makasama ang dalawang taong mahalaga sa akin na masaksihan ang pagsikat nang araw, iba pala talaga ang pakiramdam" emosyonal na si Mama.

Nagkatinginan kami ni Kuya na nagkaintindihan, niyakap namin si Mama.

"Mahal na mahal ko kayo, sana lagi tayong ganito. Kumpleto!"

"Kaya nga doon na kayo sa bahay ko titira" siguro ay hindi pa pumayag si mama tungkol doon.

"Sige" sa maikling sagot ni Mama. Nakita ko ang tuwa ni Kuya.

"Salamat, Mama! Naayos ko na ang lahat pati ang kwarto niyong dalawa, may MGA damit na rin doon. Tapos si Lori ihahatid-sundo ko sa MU" dire-diretso niyang sabi. Hindi naman siya excited. Konti lang.

"Kuya, hinay-hinay lang. Basta doon tayo titira sa bahay mo" bahagya akong tumawa.

"Magtatrabaho pa rin ako ha"

"Ma naman-"

Hindi ko na sila naintindihan, tumayo ako nang matanawan sina Alja at Iza.

Nakasuot na din sila nang bikini, parehas pa kaming tatlo ha. Terracotta One-Piece Ito.

"Ano 'to? Triplets?" natatawa kong tanong.

"Si Kuya mo ang tanungin mo. Binigay niya ito sa amin kagabi, isuot raw ngayon para matchy tayong tatlo" si Alja, tuwang-tuwa naman dahil doon.

"Ikaw nga noong bata pa tayo gusto mo palagi tayong pareho ng sinusuot" pagpapaalala ni Iza.

Wala akong natatandaan na ganoon, marahil ay nakalimutan ko na sa sobrang tagal na. Pilit kong iniisip ang sinabi niya, ngunit sumasakit lang ako ulo ko. Hanggang sa nahilo ako.

"Shit! Lori, ayos kalang ba!?" nakita kong nang nagpanic silang dalawa. Nawala ang isa sa kanila sa paningin ko.

"Anong nangyari?" narinig ko ang tinig nang isang lalaki na nag-aalala.

Si Vaughn. Binuhat ako nito nang tuluyan na akong natumba.

Nagising ako na katabi ang ulo ni Vaughn. Nakayuko kasi ito sa kama na hinihigaan ko ngayon. Nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan ang mukha niya.

"Gwapo ka pala talaga, suplado lang"

Nagulat ako nang gumalaw siya, mabilisan akong nag-iwas tingin sa kanya.

"You're awake"

"What happened to me?"I have no idea.

"Ang sabi sa akin nina Alja and Iza, nagkuwentuhan lang kayo pagkatapos nun ay bigla kang nahilo"

Hindi ko alam kung bakit ganoon.

"May sakit ka pa ba?" nakita ko ulit ang pag-aalala sa mukha niya.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now