Chapter 1

1.6K 17 0
                                    


Lisa POV

Naglalakad lakad ako dito sa park na malapit sa condo ko. Gusto ko munang makalanghap ng sariwang hangin.

Kumusta na kaya sya? May boyfriend na kaya sya? Namimiss ko pa din sya kahit 5 years na ang nakakalipas simula ng maghiwalay kami. Naaalala ko pa yung araw na nakipaghiwalay ako sa kanya.

Flashback~~~~

Lisa! Tawag ng kaibigan kong si Suelgi
Oh hi Suelgi. At lumapit ako sa kanya.

Kayo pa ba ni Jennie? Balita ko kasi may boyfriend syang kaklase nya.
Sino? Tanong ko.

Sya ata yung boyfriend ni Jennie. Sabay turo dun sa lalaking dumaan sa tapat namin.

Tiningnan ko naman yung lalaking tinuro nya. Imposible! Bulong ko sa sarili ko.

Ah. Suelgi alis na ako may klase na ata kami. Pagdadahilan ko, sabay lakad pabalik sa room. Pagpasok ko sinalubong ako ng dalawa kong kaklaseng babae..

Manoban saan ka galing? Galing dito sina Jennie kanina. Sabi nung kaklase ko.

Anong ginawa nila dito? Hinanap ba ako? Tanong ko sa kanila..

Tumambay lang. Sagot nya.

Ah.. may sinabi ba? Tanong ko ulit

Wala naman. Pero tinanong namin sya kung kayo. Ang sabi nya, napilitan lang naman daw syang sagutin ka kasi ayaw ka daw nyang saktan. Kaibigan lang naman daw talaga ang nararamdaman nya para sayo. Sabi nung isa kong kaklase.

Hindi na ako sumagot. Lalabas na sana ako ng room ng nakita ko si Jennie na nakatayo sa pinto ng room nila. Nagtama ang mata namin at ngumiti sya sakin. Ngunit sa halip na ngumiti ako, bumalik ako sa loob ng room namin at umupo sa upuan ko. Isinubsub ko ang mukha ko sa desk.. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko gulong gulo ang utak ko.

Kaya ba hindi nya ako kayang mahalin dahil may boyfriend sya. Baka tama si Suelgi. Kaibigan lang pala ang tingin nya sakin. Dapat sinabi nya yung totoo kesa pinagmukha nya akong tanga sa mga kasinungalingan nya. Huminga ako ng malalim at tumayo, lumabas ako ng room namin. Nakita ko naman yung kaibigan nya at tinawag ko ito. Lumapit ito sakin.

Oh lisa bakit? Tanong nya.

Pakisabi naman kay Jennie. Tumigil ako sa pagsasalita, tumingin ako sa likod nya at nakita ko si Jennie na nakatayo sa may pinto at nakatingin sakin.

Ayaw ko ng mga taong sinungaling at Break na kami. Pagpapatuloy ko sa sinasabi ko habang nakatingin lang ako sa mata nya. Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang yun. May ilang butil ng luha ang kumawala sa aking mata. Ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Bago umalis yung kaibigan nya tinanggal ko yung singsing ni Jennie na nasa daliri ko at inabot ito sa kaibigan nya.. Naglakad na sya papalapit kay Jennie. Alam kong sinabi na nya yung pinapasabi ko. Pagkatapos tumingin sakin si Jennie na may lungkot ang kanyang mga mata.

Mahal na mahal kita pero bakit nagawa mo akong saktan ng ganito. Ikaw ang babaeng una kong minahal at ang babaeng inaakala kong makakasama ko na habang buhay pero sasaktan mo lang pala ako. Siguro dahil parehas tayong babae kaya hindi mo ako magawang mahalin. Sana sinabi mo nalang na ayaw mo, hindi yung ganito. Gusto kong isumbat sa kanya ang mga salitang yan pero hindi ko magawa.

Sa halip, tumalikod na ako at humakbang papalayo..

Kung alam ko lang na ganito pala kasakit. Sana hindi ko nalang hinayaang tuluyang mahulog sayo. Sana simula pa lang pinigilan ko na tong nararamdaman ko. Ang tanga ko para maniwalang may babaeng pwedeng magmahal sakin ng totoo. Sana hindi nalang, sana hindi nalang kita minahal.

First love, Last loveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang