Chapter 8

519 10 2
                                    

Rosé POV

Nagising ako ng makaramdam ako ng gutom. Kinuha ko ang phone ko para tingnan ang oras. 5:00pm na pala, ang haba din ng tulog ko. Nag open ako ng social media account ko ng mabasa ko sa GC ng klase namin ang nangyari kay Lisa. Dali dali akong nagbihis at patakbo akong bumaba. Hindi na ako nagpahatid sa driver ko.. Agad na akong sumakay sa kotse ko at pumunta sa Hospital kung saan dinala si Lisa..

Pagdating ko dun ay nakita ko si Suelgi, Kasama nya si Irene at si Jennie. Nakita ko na may bahid ng dugo sa uniform ni Jennie. Magtatanong na sana ako ng lumabas ang doctor mula sa OR.

Maayos na ngayon ang pasyente ililipat nalang sya sa room nya para mas makapagpahinga na.. Hindi naman matatagalan at magigising din agad sya.  Pagpapaliwanag ng Doctor.

Maraming salamat. Sambit ng isang lalaking may pagkakahawig kay Lisa.

Baka ito ang Daddy nya. Napatingin naman ako sa babaeng katabi ni Jennie .

Baka ito naman ang mommy ni Lisa sabi ko sa sarili ko.

Umalis na yung doctor kaya pinuntahan na namin si Lisa sa kwarto nya. Pinagmamasdan ko lang sya. May benda ang ulo at may oxygen din sya. Sana pala hinanap kita bago ako umuwi. Sana hindi nangyari sayo yan. Paninisi ko sa sarili ko.

Napatingin ako kay Jennie na yakap ni Irene. Nakatingin lang sya kay Lisa.

Ano ka ba talaga sa buhay nya. Tanong ko sa sarili ko.
Natigil ang pag iisip ko ng magsalita ang mama ni Lisa.

Suel, umuwi na kayo ako na bahala kay Lisa. May mga pasok pa kayo bukas. Iuwi nyo na din si Jennie para makapagpahinga na. Ipapahatid ko nalang kayo sa driver namin. Sabi nito . Tumango naman si Suelgi bilang pagpayag. Ayaw pa sana ni Jennie umalis pero kalaunan ay napapayag na din siya. Tumingin muna ako kay Lisa bago ko ibinaling ang tingin kina Suelgi na nag iintay sakin.

Suelgi una na kayo sakin. May dala naman akong kotse. Sabi ko sa kanila at bumaling ulit ako kay Lisa. Umalis na sila, sumabay na din sa paglabas ang daddy ni Lisa at may aasikasuhin daw.

10:00pm na pero hindi parin gumigising si Lisa. Nakatulog na ang mommy nya habang nakaupo sa tabi ng bed ni Lisa. Lumapit naman ako sa kanya at marahan kong tinapik ang balikat nya para gisingin.

Tita dun na po kayo sa sofa para makatulog po kayo ng maayos, ako na po muna ang magbabantay kay Lisa. Sabi ko habang nakangiti. Ngumiti naman to pabalik sakin.

Salamat ano nga ulit pangalan mo? Tanong nya sakin.

Rosé po. Sagot ko sa kanya. Tapos ngumiti naman ulit sya sakin at tumayo na ito. Humiga na sya sa sofa para ipagpatuloy ang pagtulog nya. Kaya ako naman ang umupo sa upuang katabi ng bed ni Lisa. Pinagmasdan ko lang sya.

Ngayon lang kita malayang mapagmamasdan. Napakaganda mo pala talaga. Napangiti ako sa isipan kong yun..

Salamat Lisa, dahil sayo unti unti na akong nakakalaya sa nakaraan ko. Hayaan mo hindi na ako aalis sa tabi mo. Ako naman ang magpapasaya sayo. Nakangiting sambit ko. Naramdaman ko namang gumalaw ang daliri nya. At ng tingnan ko sya, unti unti ng nagmulat ang mga mata nya.

Hi.. nakangiting bati ko. Ngumiti naman sya sakin.

Hi.. pabulong nyang sambit. At binigyan ako ng isang pilit na ngiti. Masama pa siguro pakiramdam nya.

Nawala lang ako sandali nabugbug ka na agad. Nagpakasuperhero ka na naman. Biro ko sa kanya. Mahina naman syang tumawa.

Mayamaya'y  nagising ang mommy nya at lumapit ito samin. Tinawag ko naman ang doctor para tingnan sya. Agad naman silang dumating.. Kailangan lang daw munang magstay ni Lisa dito ng ilang araw para magpagaling..

1:00am na ng makauwi ako sa bahay. Pumunta muna ako sa kusina para maghanap ng makakakain. Bigla kasi akong nagutom. Na alala kong hindi pa pala ako kumakain. Ininit ko lang ang pagkaing nakita ko sa ref.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto para mag pahinga. Naligo muna ako at nagpatuyo ng buhok. Nakatulog naman ako agad dahil na rin siguro sa pagod.

Lisa POV

Nagising ako sa kwartong hindi pamilyar sakin. Inilibot ko ang mata ko, hanggang sa napako ang tingin ko sa magandang babaeng nakaupo sa tabi ko.

Bakit habang tumatagal paganda sya ng paganda sa paningin ko. Nakatingin lang sya sakin habang nakangiti.

Hi.. nakangiting bati nya sakin.

Hi.. pabulong kong sagot sa kanya. Pinilit kong ngumiti sa kanya.

Nawala lang ako sandali nabugbug ka na agad. Nagpakasuperhero ka na naman. Pang aasar nya sakin. Natawa naman ako.

Nagising naman si mommy at lumapit ito samin. Sandaling lumabas si Rosé para ipaalam sa doctor na gising na ako. Kaagad namang dumating ang doctor at sinabing kailangan kong magstay dito ng ilang araw para magpagaling. 

Nagkwentohan lang kami nina Rose, at mommy. Magkasundong magkasundo na agad silang dalawa. Napapangiti ako habang pinagmamasdan silang nag uusap. Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Rosé.

Tita uuwi na po ako malapit na palang mag 1:00am. Sambit nya habang tinitingnan ang phone nya.

Babalik nalang po ako bukas pagkatapos ng klase para dalawin si Lisa. Dagdag pa nya, tumango naman si mommy at niyakap sya. Bumaling naman sakin si Rosé.

Lisa alis na ako. Pupuntahan nalang kita dito bukas. Pagpapaalam nya.

Magpahinga ka na para mas madali kang makalabas dito. Pagbibilin nya at hinalikan nya ako sa noo pagkatapos ay ngumiti.

Bye Lisa. At naglakad na sya palabas ng room ko. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan sya hanggang sa sinarado na nya ang pinto. Nagulat ako ng magsalita si mommy. Andito nga pala sya sa tabi ko.

Gusto mo ba sya? Tanong nya sakin habang nakangiting nakatingin sakin.

Kasi ako gusto ko sya para sayo. Dagdag pa nya.

Mom.. sambit ko habang nakatingin sa mata nya ng may pag aalinlangan. Hinawakan nya ang kamay ko.

Natatakot ka bang baka masaktan ka ulit? O baka naman si Jennie parin.Tanong nya sakin pero nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

Anak alam kong antagal mong hinintay na bumalik sya. Nandun ako nung mga panahong nahihirapan ka. At na kwento na din sakin ni Suelgi ang nangyari kung bakit andito ka ngayon. Dahil to sa boyfriend ni Jennie diba? Tumango naman ako.

Lisa anak, hindi ako tutul sa inyo ni Jennie pero sa nangyaring ito siguro naman sapat na to para kalimutan mo na sya. Natatakot kami ng daddy mo sa maaaring mangyari sa susunod kapag patuloy ka pang lumapit kay Jennie. Nag aalala nyang sambit.

Anong ibig nyong sabihin mom? Gusto nyong layuan ko na sya? Tanong ko sa kanya. Nagpakawala sya ng isang malalim ng buntong hininga at niyakap ako.

Alam ko anak na matagal mong hinintay na bumalik sya. Pero anak pakiusap, bitawan mo na sya. Buksan mo ulit ang puso mo para sa ibang tao naman. Hindi lang si Jennie ang pwedeng magmahal sayo. Maraming pwedeng humigit sa kanya. Buksan mo anak ang mga mata mo. 5 years na ang sinayang mo para lang sa kanya. Pagpapatuloy ni mommy. Hindi ko na napigilan ang pag iyak. Isinubsub ko ang mukha ko sa balikat nya. At dun ako umiyak ng umiyak.

Pangako mom and dad papalayain ko na ang sarili ko sa nakaraan naming dalawa. Ito na nga siguro ang tamang panahon para kalimutan ko na sya.. sabi ko sa isip ko.

Kumalas na ako sa pagkakayakap ko kay mommy. Kailangan ko na ding magpahinga.
Hinalikan nya muna ako sa noo bago ako natulog.

Kinabukasan, matapos naming mag usap ni mommy ay nagpalipat na ako ng hospital para hindi na din ako madalaw ni Jennie. Ang nakakaalam lang kung nasan ako ay si Rosé. Dahil yun ang hiling ko sa kanila. Habang nasa hospital ako ay inayos naman nila ang mga kailangan kong dalhin pagpunta ko ng Thailand. Dun ko na ipagpapatuloy ang pag aaral ko.

First love, Last loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon