Chapter 2

767 9 0
                                    

Rosé POV

Nagising ako sa isang kwarto na di pamilyar sakin. Inikot ko ang mata ko at laking gulat ko ng mapagtanto ko na hindi talaga ito ang kwarto ko.. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit, pilit ko na inaalala ang mga nangyari.

Kaninong kwarto to? Tanong ko sa sarili ko. Tiningnan ko ang damit ko. Ito parin naman ang damit ko. Ngunit ng mapansin ko ang isang itim na Jacket sa kama. Kukunin ko na sana ito ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang isang matangkad na babaeng payat, mahaba ang buhok, meron din syang bangs, may magandang mga mata, matangos na ilong at kissable lips.

Napakagandang nilalang mahinang sambit ko. Natigil ang pag iisip ko ng magsalita sya.

Kumusta na pakiramdam mo? Panigurado masakit ang ulo mo dahil sa hangover. Sabi nya. Ibinaba nya ang dala nyang tray sa maliit na lamesa sa tabi ng kama may soup, tubig at gamot ito. Hindi ko manlang napansin na dala nya yun dahil sa pagkakatitig ko sa kanya..

Mag soup ka muna ng mainitan ang sikmura mo tapos inumin mo tong gamot. Magbibihis lang ako may pupuntahan kasi ako ngayon. Sabi nya

Tumango nalang ako bilang tugon. Umurong ata dila ko dahil sa kagandahan nya. Lumabas na ito ng kwarto at isasara na sana nya ang pinto ng bumaling sya sakin.

Ako nga pala si Lisa, Lalisa Manoban. Nakangiti nyang sambit.

Roseanne Park, pero Rosé nalang. Sagot ko

Ok, pagkatapos mo dyan baba ka na. Tas pagwala pa ko sa baba intayin mo nalang ako sa sala at hahatid na kita sa inyo bago ako pumunta sa pupuntahan ko. Pagsabi nya nun ay kumindat sya at tuluyan ng sinara ang pinto.

Cute. Nasabi ko nalang.

Nakainom na ako ng gamot kaya inayos ko yung kama at tumingin sa paligid bago ako lumabas ng kwarto. Baka kasi may maiwan ako. Nung mapagtanto ko na wala na. Lumabas na ako dala ang tray na dala ni lisa kanina. Madali ko namang nahanap ang kitchen nya at hinugasan ko na din yung ginamit ko. Nakakahiya naman kasi sa kanya. Pagkatapos ko, pumunta na ako sa sala.. Iginala ko ang aking mata .. Ang linis naman nya sa bahay. Sabi ko sa isip ko.

Maya maya pa ay bumaba na sya. Matamang pinagmamasdan ko syang pababa sa hagdan. Napakasimple lang ng suot nya pero subrang hot nya. Napailing naman ako para iwaksi ang nasa isipan ko.

Tara na. Sambit nya habang nakangiti sakin

Ahmm tara..  sagot ko . Tumayo na ako at naglakad palabas ng condo nya. Si Lisa naman ay nakasunod sakin at nilock nya ang pinto.

Fast forward~~~~

Wala atang syang balak magsalita. Simula kasi ng umalis kami sa condo nya at hanggang ngayong nasa kotse na kami ay tahimik parin sya . Kaya binasag ko ang katahimikan na namamagitan saming dalawa.

Paano ako napunta sa condo mo?
Saan nga pala kita ihahatid? Magkasabay na naming tanong.. Natawa naman sya at sumulyap sakin at ibinalik ang mata sa kalsada.

Sige ikaw muna. Sabi ko

Naglalakad kasi ako pauwi sa condo ng makita kita sa tabi ng kalsada. May hawak kang alak at mukhang lasing na lasing. Kaya nilapitan kita, ramdam ko kasing may mabigat kang pinagdadaan. Ihahatid sana kita sa inyo kagabi pero nakatulog ka na sa kalasingan kaya. Wala akong choice kundi dalhin ka sa condo ko. Pagkekwento nya pagkatapos sumulyap sya sakin at nagsalita.

Ngayon ako naman sagutin mo. Sabi nya

Ha? Maang kong tanong kaya naman natawa sya.

Ibig kong sabihin yung tanong ko naman sagutin mo. Saan ba lugar nyo? Pag ulit nya sa tanong nya kanina.

Ay sorry akala ko kung ano. Natatawa kong sambit. Sa xxxxxx.. sinabi ko sa kanya ang address ko.

Makalipas ang 20 minutes tumigil ang kotse nya sa labas ng gate ng aming bahay.

Mukhang andito na tayo. Sabi nya at bumaba ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto. Kaya bumaba na ako.

Napaka gentleman naman nya. Sabi ko sa isip ko. Papasok na sana ako ng maisip ko syang yayain sa loob.

Lisa pasok ka muna. Para maipakilala na din kita sa mga magulang ko. Sabi ko at napatingin naman sya sakin.

Siguro sa susunod nalang. May pupuntahan pa kasi ako e.. sagot nya at pumasok sa kotse nya. Akala ko paalis na sya pero ibinaba nya ang bintana ng kotse nya at may inabot sa aking papel.

Mukhang kailangan mo to. Tawagan or text mo nalang ako kapag kailangan mo ng kausap. Saka sa susunod wag ka ng mag iinom mag isa, baka sa ibang bahay ka na naman makitulog. Sabi nya sabay ngiti.

Salamat. Mag iingat ka. Sagot ko at ngumiti ako sa kanya pabalik. Tumango naman sya at pinaandar na ang kotse nya..

Pumasok na ako sa bahay at dumaretso sa kwarto para magpahinga.. Na alala ko yung papel na binigay ni Lisa at sinave ko ang number nya.

👤Lisa💕

First love, Last loveNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ