Chapter 45 THE WEDDING

894 13 5
                                    

Jisoo POV

Okay na ba ang lahat? Malapit ng magsimula. Sambit ng coordinator. Ilang sandali pa'y nagsimula ng tumugtug ang instrumental at nagsimula ng umawit si Chaeyoung.

I choose you by- Ryann Darling

Ganda talaga ng boses. Sambit ko habang pinagmamasdan ko si Rosé habang umaawit. Sandali akong napabaling sa katabi ko, kanina pa to hindi mapakali.

Lisa, okay ka lang? Tanong ko kay Lisa. Tumango naman ito at huminga ng malalim. Mahina ko naman syang tinapik sa balikat.

Relax, sandali nalang magiging asawa mo na si Jennie. Nakangiti kong sambit, pilit naman nya akong binigyan ng ngiti.

Ayan na sya. Sambit ni lisa habang nakatingin kay Jennie na dahan dahang naglalakad papalapit samin.

Ang ganda talaga ng asawa ko. Dagdag pa ni Lisa habang nangingilid ang luha sa kanyang mata.

Ano kayang mangyayari sakin sa kasal namin ni Chaeng. Katulad din kaya ako ni Lisa? Tanong ko sa isip ko.

Lisa POV

Nakatayo lang ako at matyagang hinihintay ang babaeng pakakasalan ko. Habang pinagmamasdan ko sya na naglalakad papalapit sakin hindi ko maiwasang hindi maluha.

Ito na! Ito na ang araw na matagal naming hinintay. Sa wakas magiging asawa ko na ang babaeng mahal na mahal ko. Ang dami naming pinagdaanan, at hindi ko akalain na mangyayari pa ang araw na to.

Ang ganda talaga ng asawa ko. Sambit ko, nakangiti lang sakin si Jennie habang nakatingin sakin. Habang papalapit sya ng papalapit mas lumalakas ang tibok ng puso ko. Hanggang ngayon, nararamdaman ko parin ang kakaibang tibok ng puso ko kapag nasa paligid sya. Sya lang ang tanging nakikita ko sa mga oras na to. Tila napako ang aking mata sa babaeng nakasuot ng damit pangkasal hanggang sa di ko namamalayan nasa tapat ko na pala sila.

Ikaw ng bahala sa anak namin ha. Sambit ni Mr. Kim, tumango ako at niyakap ko silang mag asawa.

Congrats sa inyo! Ilang oras nalang magiging Mrs. Manoban ka na! Inuhan nyo pa talaga kami ni Chaeng, next year kami naman. Nakangiting sambit ni Jisoo, bahagya naman kaming tumawa sa sinabi nya pagkatapos nagpaalam na sya upang pumunta sa upuan nya. Pagkaalis ni Jisoo ay binaling ko ang tingin ko kay Jennie.

Hi misis ko. Sambit ko, sabay lahad ng aking kamay upang akayin sya papunta sa harap ng altar. Napangiti nalang sya sa ginawa ko.

Ang ganda mo naman mahal. I love you. Bulong ko sa kanya, habang hinihintay naming magsalita ang taong magkakasal samin.

I love you too. Mamaya mo na ako pakiligin mahal kapag tapos na ang kasal. Sambit nya. Napangiti naman ako ng malaki dahil di nya maitago ang kilig. Namumula na ang mukha nya na parang kamatis.

Mabilis na tumakbo ang oras, at oras na para magbigay kami ng wedding vows sa isa't isa.

Huminga muna ako ng malamin at humarap kay Jennie, hinawakan ko ang kamay nya saka nagsalita.

Mahal, wala na akong ibang hinihiling pa kundi ang ibahagi ang aking buhay sayo. Simula sa araw na to magkasama nating haharapin ang lahat ng hamon na darating sa buhay natin. Magkasama nating icecelebrate lahat ng mga mahahalagang araw sa buhay natin. Pangako ko sayo na araw araw parin kitang liligawan. Hahalikan kita araw araw, halik ng may pagmamahal at katapatan. Sayo lang ako at sakin ka lang hanggang sa katapusan ng buhay ko. Mahal kita! Yan ang naging simula at magiging katapusan nating dalawa. Hindi ko maipapangako na kaya kong manalo sa lahat ng hamong darating sa ating buhay ngunit maipapangako ko na sasamahan kita sa lahat ng kahit na anong laban.

First love, Last loveWhere stories live. Discover now