Chapter 33

423 9 0
                                    

Lisa POV

Ilang araw na ang nakalilipas mula ng mangyari yung kiss sa park. Hanggang ngayon, hindi parin mawala wala sa isip ko ang nangyari. Aaminin ko malaki ang naging epekto sakin ng halik na yun. Akala ko pagkatapos ng gabing yun lalayuan na ako ni Jennie, pero mukhang kabaliktaran ang nangyari. Palagi nya akong pinupuntahan sa office para sabay kaming kumain ng breakfast o di kaya'y lunch. Pagkatapos ng trabaho tumatawag sya para kumustahin ang maghapon ko. Masaya naman ako na ganun sya dahil kapag kausap ko sya hindi ko na masyadong naiisip si Rosé. Habang naiisip ko ang mga nangyari napapangiti ako at napapahawak sa labi ko.

Ilang araw na din kaming hindi nagkikita ni Rosé. Simula nung makipag usap kami kina dad hindi na sya nagparamdam sakin. Mas okay na din siguro yun para hindi na ako gaanong nalulungkot, buti nalang talaga palaging nandyan si Jennie para samahan ako.

Alam na din nina Suelgi ang nangyari samin ni Chaeng kaya nga nandito ako ngayon sa bar. Nag aya syang uminom, dadamayan daw nya ako syempre best friend ko yun e. Speaking of the devil andito na sya, kasama si Irene.

Oh wassup! Bati ko sa kanila ni Irene, niyakap ko sila at inaaya ng umupo. Andito kami sa VIP room dahil ayaw ko ng masyadong maingay.

Kanina ka pa? Tanong ni Suelgi, pagkaupo nya.

Hindi naman, ilang minuto palang akong nandito. Sagot ko habang tinitingnan ang relo ko. Napatingin sila ni Irene sa ilang bote ng beer na wala ng laman. Bumuntong hininga sya bago magsalita.

Hinay hinay lang ha. Mahaba pa ang gabi. Pagpapaalala ni Suelgi.

Ano ka ba naman Suel. Andito tayo para uminom hindi para tumambay lang. Natatawa kong sagot. Hindi na sya nagsalita at uminom na din ng alak.

Mga ilang sandali lang ay tumayo si Irene at may ibinulong kay Suelgi. Tumango naman ito pagkatapos nag excuse si Irene sakin.

Saan yun? Nagtatakang tanong ko kay Suelgi.

May susundoin lang sa labas. Maikling sagot nya pagkatapos uminom muli ng alak.

Sino? Akala ko ba tayo tayo lang? Tanong ko pa sa kanya. Sasagot na sana sya ng may magsalita.

Hi guys.

Jisoo POV

Hi guys. Bati ko kay Lisa at Suelgi, napalingun si Lisa at kita sa mukha nya ang pagkabigla. Tumingin sya kay Suelgi na tila nagtatanong.

Upo na kayo. Seryosong sambit ni Suelgi, kaya umupo na kami.

Katabi ko si Chaeng, at katabi ni Suelgi si Irene. Sinundan ng tingin ni Lisa si Chaeng, kita sa mga mata nya na may sakit parin syang nararamdaman. Sinadya talaga ni Suelgi na hindi sabihin kay Lisa na kasama kami dahil baka hindi si Lisa sumipot.

Anong ibig sabihin nito Suelgi? Tanong ni Lisa ng may pagkainis ang boses.

Lisa gusto ka nilang makausap. At gusto din kitang tulongan. Sagot ni Suelgi habang seryosong nakatingin kay Lisa. Hindi na si Lisa sumagot at ininom nya ng straight ang alak na nasa baso nya. Pagkatapos saka sya bumaling samin at nagsalita.

Okay! Anong gusto nyong sabihin sakin? Nakangiting sambit ni Lisa. Tumingin ako kay Chaeng bago ko ibinaling ang tingin kay Lisa at nagsalita.

Gusto naming magpasalamat sayo Lisa. Alam kong mahirap para sayo ang naging desisyon mo pero mas pinili mo paring palayain si Chaeng. Gusto na naming magpakasal ni Chaeng at sana makapunta ka sa araw na yun. Sambit ko, napatingin si Lisa sa kamay namin ni Chaeng na ngayo'y magkahawak. Hindi sya sumagot sa halip ay naglagay muli ng alak sa baso nya, pinunu nya ito at saka ininom muli.

Teka nga Lisa, dahan dahan sa pag inom masyado pang maaga baka malasing ka agad. Pag awat ni Suelgi, hindi ito pinansin ni Lisa at nilagyan muli ang baso nya ng alak. Akmang iinumin muli yun ni Lisa ng pigilan sya muli ni Suelgi. Ngunit sa halip na magpaawat ay tinabig nya ang kamay ni Suelgi, bumaling muli sya samin at ngumiti.

Masaya ka naman Roseanne diba? Sambit nya, bakas na sa boses nya na may tama na sya ng alak. Wala akong narinig na sagot mula kay Chaeng, tahimik lang sya na nakayuko. Nang walang nakuhang sagot si Lisa ay muli nyang ininom ang alak na nasa baso nya at tumayo.

Wait lang guys ha, punta lang akong banyo. Sambit ni Lisa, tumayo naman si Suelgi para tulongan si Lisa.

Samahan na kita. Sambit ni Suelgi, kinabig ni Lisa ang kamay ni Suelgi at nagsalita.

Kaya ko na! Maawtoridad nyang sambit, kaya wala ng nagawa si Suelgi. Tumingin muna si Lisa kay Chaeng at pasuray suray na naglakad palabas ng VIP room.

Okay ka lang babe? Tanong ko kay Chaeng, tumango naman sya bilang tugon.

Ilang minuto ng wala si Lisa kaya napagpasyahan na ni Suelgi na sundan sya. Ngunit bago pa man makalabas si Suelgi ay may sumalubong sa kanyang lalaki.

Mam yung kasama nyo po may nakaaway sa baba. Sambit ng lalaki, nang marinig yun ni Suelgi ay agad na syang tumakbo papunta doon. Napatayo naman si Chaeng at patakbong tumungo sa baba. Sumunod nalang din kami ni Irene.

Pagkarating namin dun ay nagkakagulo na. Bago pa kami makalapit ay natanaw namin si Lisa na bumagsak na nakahawak sa tyan nya. May mga dumating na mga lalaki na sa tingin ko'y bouncer yun nitong club. Inilayo nila ang lalaking sumaksak kay Lisa.

Lalapitan na sana namin si Lisa ng may lumapit sa kanya na lalaki at mabilis nyang binuhat ito.

Tabi! Sigaw nya sa mga taong madadaan nya. Napasunod nalang kami sa kanya hanggang sa isakay nya si Lisa sa kotse nya at mabilis na pinatakbo ito.

Tahimik lang kami habang sinusundan ang sasakyan ng lalaking tumulong kay Lisa. Hanggang sa tumigil na ito at agad nyang binuhat papasok ng emergency room si Lisa.

Nasan ang doctor dito? Sigaw nya pagkapasok doon. Agad namang may lumapit sa kanyang mga nurse. Inihiga na nya si Lisa sa bed, pagkatapos nagsalita muli ito.

Gawin nyo ang lahat maligtas lang sya. Seryosong sambit nya sabay hawak sa ulo. Napabaling ako kay Suelgi ng magsalita sya

Suelgi POV

Kai! Sambit ko sa pangalan ng lalaking nakatalikod sa amin. Napalingon naman sya ng marinig nya yun. Kita ko sa mga mata nya ang pag aalala at galit. Madaming bahid ng dugo ang kanyang damit. Lumapit ito sa amin at nagsalita.

Saka na tayo mag usap, kailangan ko ng bumalik sa bar para bigyan ng leksyon ang taong dahilan kung bakit nandyan si Lisa ngayon. At kung maaari wag nyong sabihin kay Lisa na ako ang nagdala sa kanya dito. Seryoso nyang sambit, tiningnan nya kami isa isa at naglakad na papalabas ng Hospital. Nakatingin lang ako hanggang sa mawala sya saming paningin.

Bakit? Nagugulohang tanong ko sa isip ko.

First love, Last loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon