Chapter 30

440 9 0
                                    

Lisa POV

Paglabas ni Jennie ng pinto, napahawak ako sa tapat ng puso ko. Kanina ko pa to nararamdaman ng makita ko sya.

Baka naman nagagandahan lang ako sa kanya. Pero bakit ang saya ko kapag kasama ko sya? Naputol ang pag iisip ko ng marinig kong tumunog ang phone ko. Tiningnan ko yun at nakita ko ang pangalan ni Rosé. Nagmessage sya.

From: Baby
Lisa 5:00pm, sa bahay nyo lang.

Matapos kong mabasa ang message nya ay unti unting napalitan ng lungkot ang sayang nararamdaman ko kanina. Nireplyan ko sya upang malaman nya na nabasa ko.

To: Baby
Okay.

Ipinatong ko ang phone ko sa table ng matapos ko syang replyan. Napasandal nalang ako sa upuan ko at pumikit.

Ito na talaga ang katapusan ng kwento naming dalawa. Sana lang maging masaya sya kay Jisoo.

5:00pm
Pagkarating ko sa bahay ay nadatnan ko ang mga magulang ko at magulang ni Rosé. Nakangiti silang lahat sakin, agad naman akong lumapit at yumakap bilang pagbati. Lumapit na ako kung saan nakaupo si Rosé, mukhang hindi sya mapakali.

Hi. Bati ko sa kanya, ngumiti muna ako bago tuloyang umupo. Hinawakan ko ang kamay nya na nakapatong sa hita nya. Napatingin naman sya sakin ng may pag aalinlangan. Ngumiti ako upang palakasin ang loob nya.

Nagsimula na kaming kumain ng magsalita si Mr. Park, ama ni Rosé

Kumusta kayo mga anak? Ano nga palang dahilan at naisip nyo kaming kausapin. May date na ba ang kasal? Sambit nya, napatingin naman ako sa kanya.

Huminga muna ako at nagsalita.

Hindi na po namin itutuloy ang kasal. Seryosong sambit ko. Napatigil sila sa pagkain at tumingin sakin. Bakas sa mga mukha nila ang pagkadismaya.

Anong sinasabi mo Lisa? Sambit ni dad ng may halong galit ang boses. Hinawakan naman sya ni mommy upang pakalmahin.

Roseanne ano to? Tanong ng mommy ni Rosé. Napatunghay naman si Rosé na kanina pa nakatungo, nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

Hinawakan ko muli ang kamay nya upang palakasin ang loob nya. Tumingin sya sakin at tumango ako para sabihing kaya mo yan. Ibinaling nya ang tingin nya sa mga magulang namin na ngayo'y matamang nakatingin saming dalawa habang hinihintay ang sagot.

May mahal po akong iba. Nangingilig ang boses nyang sambit. Nang marinig ko mula sa kanya yun may naramdaman akong kirot sa puso ko.

Masakit parin palang marinig mula sa kanya ang mga salitang yun. Kahit na tanggap ko na sa sarili ko na hindi na ako ang tinitibok ng puso nya.

Nakatingin lang ako sa kanya ng maramdaman kong may luhang pumatak mula sa mata ko. Pinahid ko ito, tumingin ako sa mga magulang namin at binigyan ko sila ng pilit na ngiti. Kita ko sa mata nila ang pagkabigla at awa para sakin.

Si Jisoo Kim ba Roseanne? Muling tanong ng mommy ni Rosé. Tumango naman sya bago magsalita.

Sorry po. Sabi ni Rosé, pinahid nya ang luha sa mata nya, tumayo at naglakad palayo samin. Hahabulin ko pa sana sya ngunit pinigilan ako ni Mommy.

Hayaan mo sya! Seryosong sambit ni mommy at tumingin ako sa kanya ng may pag aalala. Bumaling ang tingin ko sa parents ni Rosé na mukhang hindi parin makapaniwala sa nangyayari.

Tita si Rosé po. Tumayo naman sya at nagpaalam na susundan si Chaeng. Hindi nagtagal ay sumunod na din sa kanila si Mr. Park humingi muna sya ng paumanhin sa nangyari.

Tumayo na ako at nagtungo sa kwarto, tinatawag pa ako ng mga magulang ko ngunit hindi ko na sila nilingun pa. Pagpasok ko sa kwarto ko nakita ko ang mga gamit ni Rosé na nakaayos na. Inilock ko na ang pinto at umupo sa gilid ng kama habang nakatingin sa mga gamit nya

First love, Last loveWhere stories live. Discover now