Chapter 43

413 7 1
                                    

Jennie POV

Isang buwan na din ang nakalilipas mula ng mangyari yung sa condo. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung anong balak ni Lisa. Hindi ko alam kung ano ba talagang meron saming dalawa. Sweet sya sakin, palagi nyang pinaparamdam na special ako at masasabi kong wala na akong mahihiling pa sa mga ginagawa nya para sakin. Pero may isang bagay lang na hindi ko maintindihan, sabi nya mahal nya ako pero bakit sa twing tatanungin ko sya tungkol sa relasyon namin palagi nalang syang umiiwas. Hindi ko itatanggi na minsan hindi ko maiwasang pagdudahan ang mga pinapakita nya sakin. Naiisip ko na baka ginagawa lang nya yun dahil alam nyang masasaktan ako. Baka na aawa lang sya sakin noon. Baka napipilitan lang pala syang ligawan ako o baka naman dahil lang may nangyari na samin kaya sya nanatili sa tabi ko.

Ang daming tanong sa isip ko na gusto kong masagot sa mga oras na to. Ngunit hindi ko alam kung paano ko malalaman ang kasagutan.

Habang tinanong ko ang sarili ko ay muli kong na alala ang minsang buksan ko ang usapan tungkol sa relasyon namin ni Lisa.

Flashback

Inaya ako ni Lisa na kumain sa labas at pagkatapos maglakad lakad sa park. Habang nakaupo ay pinagmamasdan nya ang magagandang ilaw sa paligid at ako, palihim ko syang pinagmamasdan.

Hanggang ngayon hindi parin malinaw ang estado ang relasyon namin. Gusto ko ng kumpirmahin mula sa kanya kong ano ba talaga ako sa kanya.

Siguro ito na ang tamang oras para itanong ko sa kanya. Sabi ko sa isip ko.

Lisa! Tawag ko sa pangalan nya, ibinaling nya ang atensyon nya sya sakin at tiningnan ako na parang nagtatanong.

Ano ba tayo? Daretsong tanong ko sa kanya, bahagya naman syang ngumiti at saka tumayo sa pagkakaupo. Inabot nya ang kamay ko at saka nagsalita.

Lumalalim na ang gabi, tara na! Sambit nya,

Heto na naman tayo iniiba na naman nya ang usapan. Sabi ko sa isip. Napabuntong hininga nalang ako at nauna ng maglakad papunta sa kotse nya.

Tahimik lang sya at tila malalim ang iniisip hanggang sa maihatid nya ako sa condo.

Goodnight Nini. Sambit nya at hinalikan ako sa noo. Ngumiti nalang ako bilang tugon.

End of flashback

Mula ng mangyari yun hindi ko na muli binalak na tanungin sya. Hindi dahil sa natatakot akong makulitan sya sakin at layuan nya ako. Kundi dahil ayaw ko namang isipin nya na hindi na ako makapaghintay kahit na yun pa ang totoo. Bumuntong hininga ako at napasandal sa swivel chair. Tumingin ako sa picture namin ni Lisa na nasa ibabaw ng table ko.

Ano ba talagang balak mo satin? Tanong ko sa isip ko. Ilang sandali din akong nakatingin sa picture naming dalawa ng may kumatok sa pinto, bumukas yun at sumilip si Irene.

Jen, hindi ka pa ba uuwi? Ikaw nalang nandito kapag umuwi na ako. Tara na, sabay na tayong lumabas. Pag aaya nya, tumingin naman ako sa phone ko upang tingnan kung nagmessage na si Lisa ngunit wala akong nakita.

Baka hindi na ako masundo nun kasi ganitong oras naman nandito na sya. Sabi ko sa isip ko. Tumayo na ako, inayos ko ang gamit ko at inaya na si Irene.

Tara na! Sambit ko at magkasabay kaming naglakad papuntang parking area. Habang naglalakad kami ay nagkekwentohan kami ni Irene ng maisip nyang itanong ang tungkol samin ni Lisa.

Kumusta na kayo ni Lisa? Kayo na ba? Tanong ni Irene, bumuntong hininga naman ako at saka nagsalita.

Hindi pa! Maikling sambit ko.

First love, Last loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon