Chapter 25

447 10 0
                                    

Lisa POV

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng maalala kong may meeting nga pala ako ngayon. Kinapa ko ang phone ko at tiningnan ang oras.

9:00am na! Napabangon ako ng makita ko yun agad akong tumayo ngunit napahawak ako sa ulo ko.

Shit! Sambit ko. Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi habang nakahawak ako sa ulo ko.

Flashback

Nang umalis na si Rosé parang nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo ako sa kinatatayuan ko. Doon ko iniiyak ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Nang kumalma ako ay umalis na ako sa resto. Napagpasyahan kong magtungo sa bar.

Nakakailang inom palang ako ng nakaramdam na ako ng tama ng alak. Nahihilo na ako ngunit pinagpatuloy ko parin ang pag inom. Hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala akong nakasubsub ang mukha sa lamesa.

Naalimpungatan ako ng may tumatapik sakin.

Mam magsasara na po kami. Kayo nalang po ang tao dito. Sambit ng lalaki, pilit kong inaaninag ang mukha nya ngunit hindi ko makita yun dahil nahihilo pa ako. Pagkatapos noon ay dumilim na muli ang paligid.

End of flashback

Ginulo gulo ko naman ang buhok ko at pilit na inaalala ang mga kasunod na nangyari.

Paano ako nakauwi? Tanong ko sa isip ko, ngunit ng wala akong makuhang sagot ay pinilit kong tumayo, dumaretso ako sa banyo at agad na naligo.

Nang matapos ako'y bumaba na ako. At nakita kong naglilinis ng living room ang aming kasambahay.

Manang si Daddy at si Mommy? Tanong ko

Umalis po sila kagabi, may business trip daw po. Hindi na sila nakapagpaalam dahil hindi daw po kayo matawagan. Tumango nalang ako bilang tugon sa sinabi nya. Palabas na sana ako ng bahay ng may maalala ako. Bumaling muli ako sa kanya bago nagsalita.

Manang kayo po ba nagbukas ng pinto sakin kagabi? Tanong ko, tumango naman sya.

Paano po ako nakauwi? May naghatid po ba sakin o may kasama po ba ako? Magkakasunod kong tanong.

May naghatid po sa inyo. Ay oo nga pala! Muntik ko ng makalimutan pinapasabi po pala nyang kunin nyo nalang daw po ang kotse nyo sa bar. Sagot nya.

Nagpakilala po ba? Tanong ko, umiling naman si Manang bago nagsalita.

Hindi na daw po mahalaga kung sino sya. Pagkasabi po nya nun ay agad nya syang umalis. Sagot nya. Napaisip naman ako kung sino ang taong yun. Gusto ko syang makilala, para makapagpasalamat manlang ako sa kanya

Nagpahatid nalang ako sa driver namin papunta sa bar para kunin ko ang kotse ko. Pagkarating ko dun nakasara pa ito. Naabutan ko lang doon ang guard ng bar. Tinanong ko sya kung nakita nya kung sino ang naghatid sakin. Pero hindi pala sya ang duty kagabi kaya hindi nya alam.

Kinuha ko na ang kotse ko at dumaretso sa company namin. Habang nasa byahe ako ay tinawagan ko si Bambam.

Bambam may ipapatrabaho ulit ako sayo. Hanapin mo yung taong tumulong saking makauwi ng ligtas kagabi. Malakas ang kutob kong kilala nya ako. Sambit ko

Anong balak mong gawin kapag nahanap natin sya? Tanong ni Bambam

Gusto ko lang syang makausap. Gusto ko ding magpasalamat sa kanya dahil ligtas akong nakauwi. Sambit ko habang nakatutuk lang ako sa pagmamaneho.

Yun lang ba talaga ang dahilan Lisa? Tanong ulit ni Bambam, natahimik naman ako at mga ilang sandali ay nagsalita muli.

Nagtataka lang ako bakit kailangan pa nyang hindi magpakilala. Nagugulohang sambit ko.

First love, Last loveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin