Chapter 13

455 8 0
                                    

Jisoo POV

Ms. Kim sigurado ba kayong okay lang na mag isa kayo dito? Tanong sakin ng driver ko. Nagpahatid ako sa kanya dahil masyadong malayo ang lugar na to kapag ako lang ang nagdrive mag isa, kailangan ko ng kasal-itan.

Oo. Tatawagan nalang kita kapag susundoin mo na ako. Maghanap ka muna ng matutuloyan sa bayan. At saka kapag tumawag sayo sina mommy o kahit na sino sabihin mo bawal akong maistorbo. Bilin ko sa kanya. Nag bow naman sya bago umalis.

Nasan ka na ba? Bakit ba ang tagal mong dumating. Nasambit ko habang nakatingin sa malayo. Umupo ako sa upuan na nasa ilalim ng malaking puno. Ilang taon na akong pabalik balik dito.

Nagpagawa ako dito ng rest house para doon tumuloy sa twing gusto kong lumayo sa totoong mundo.

Nakatanaw lang ako sa mga bundok na matatanaw mula dito sa kinatatayuan ko. Makikita mo din ang tabi ng dagat kahit malayo na ito. Kapag gabi na makikita mo ang mga ilaw na nagmumula sa kabayanan. Ilang oras pa akong nanatiling nakaupo habang may nakalagay na headphone sa tenga ko. Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang sariwang hangin na dumadampi sa aking balat.

Nang nakaramdam na ako lamig ay napagpasyahan ko ng pumunta sa rest house. Nakaramdam na din naman ako ng gutom kaya tumayo na ako at naglakad.

Jennie POV

Gabi na akong nakauwi galing trabaho. Tinapos ko pa ang trabahong naiwan ni Jisoo dahil kinakailangan na yun. Pahiga kong binagsak ang katawan ko sa sofa na nandito sa sala. Sandali akong pumikit para irelax ang aking mga mata. Ramdam na ramdam ko ang pagod. Habang nagmumuni, biglang pumasok sa isip ko si Lisa.

Siguro kung nandito si Lisa madali lang mawawala ang pagod ko. Miss na miss ko na sya. Sabi ko sa isip ko. Maya maya'y tumunog ang phone ko, kinuha ko naman ito at agad na sinagot.

Hello Jennie. sabi ng nasa kabilang linya.

Bakit? Tamad kong sambit.

Alam mo na ba na bumalik na sya? Napamulat naman ako ng marinig ko yun. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Irene. Alam ko kung sino ang tinutukoy nya. Umayos ako ng upo at saka nagsalita muli.

Kailan? Tanong ko.

Kanina lang. Pumunta si Suel sa Airport para sunduin sila. Sagot ni Irene.

Sila? May kasama sya? Bigla akong nakaramdam ng kaba.

Oo si Rosé. At wag kang mabibigla, kanila lang ay inalok na ni Lisa ng kasal si Rosé. Nagproposed sya sa airport pagkakaba nila sa eroplano. Buksan mo ang TV ibinabalita na ngayon. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Irene.  Nanginginig ang kamay kong kinuha ang remote at binuksan ang TV na nasa harap ko. Saktong pagbukas nito ay bumungad ang isang babae na nakaluhod sa harap ng isang babae.

Lisa. Sambit ko sa pangalan nya.

Hello Jennie andyan ka pa ba? Sambit ng nasa kabilang linya. Hindi na ako makapagsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa TV. Nabitawan ko ang phone ko, kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata ng tumayo si Lisa at yakapin ang babaeng pakakasalan nya. Hudyat na tinanggap nito ang alok ni Lisa. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Sakit, galit at panghihinayang. Kita ko ang saya sa mukha nilang dalawa.

Paano na ako Lisa? Paano na tayo? Bakit ngayon pa? Bakit kung kelan handa na ako. Paano pa kita ipaglalaban kung ikakasal ka na sa iba. Umiiyak kong sambit.

Mga ilang sandali pa ay kinuha ko ang susi ng kotse ko. Mabilis akong nagmaneho papunta sa pinakamalapit na bar.

Bigyan mo ko ng hard drinks. Gusto ko yung makakalimot ako. Sabi ko sa bartender. Inabutan naman nya ako at agad kong ininom. Gusto kong magpakalasing hanggang sa wala na akong maramdaman na kahit ano.

Madali akong nakaramdam ng hilo. Naramdaman kong may lumapit sakin.. Malabo na ang tingin ko sa kanya dahil sa tama ng alak.

Gusto mo bang samahan kitang maglaro. Tanong ng taong lumapit sakin sabay ngisi. Hinawakan nya ako pero hindi ako pumayag.

Ano ba?! Hindi pa ako tapos dito. Gusto kong magcelebrate dahil ikakasal na ang taong mahal na mahal ko. Sigaw ko. Ngunit sa halip na umalis sya ay hinawakan nya ng mahigpit ang pulso ko at pilit na kinakaladkad. Nasasaktan ako sa ginagawa nya. Nanghihina man ako ay nagpupumilit parin akong kumawala sa pagkakahawak nya. Maya maya pa ay may tumulak sa kanya dahilan para mabitawan nya ako. Ilang ulit na sinapak ng taong tumulong sakin ang lalaking kumaladkad sakin.

Naramdaman ko nalang na may bumuhat sakin. Pilit kong inaninag ang mukha nito ngunit unti unti ng dumidilim ang paligid.

Lisa? Huling sambit ko bago ako mawalan ng ulirat.

Someone POV

Sana sa muling pagbalik ko dito ay kasama na kita. I miss you Park Chaeyoung.

First love, Last loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon