Chapter 38

442 7 2
                                    

Lisa POV

Jong-in Kim. Nakangiting sambit ni Kai, at nilahad nya ang kamay nya.

Flashback

Nasa garden kami ni Bambam at naglalaro ng lumapit samin si Dad. May kasama syang lalaki na kasing edaran nya at isang batang lalaki.

Lisa anak, isali nyo naman itong si Jong sa paglalaro. May pag uusapan lang kami ni Mr. Kim. Sambit ni dad samin, nakangiting lumapit si Bambam kay Jong at inakbayan ito.

Ako si Bambam tapos sya si Lisa. Pagpapakilala ni Bambam at itinuro ako. Ngumiti naman si Jong sakin.

Hello, ako si Jong-in pero tawagin nyo nalang akong Jong. Sambit nya. Napabaling kami kay Mr. Kim ng magsalita ito.

Jong dito ka muna ha. Sambit nya at tumango nalang si Jong bilang tugon.

Halika na, laro na tayo. Pag aaya ni Bambam sa kanya.

Magkakaibigan ang mga magulang namin nina Bambam at Jong kaya madalas kapag pumupunta sila sa bahay ay kasama si Jong.  Hanggang sa naging tuluyan na kaming naging magkakaibigan. Halos araw araw nagpapahatid si Jong sa bahay upang makapaglaro kami. Magkalapit bahay lang kami ni Bambam kaya araw araw din syang pumupunta samin.

Sa iisang school din kami nag aaral kaya mas naging matatag ang pagkakaibigan namin. Hindi man namin kaklase si Jong dahil mas nauna sya saming nag aral ay hindi parin yun naging hadlang upang makasama namin sya tuwing walang klase. Parang nakatatandang kapatid ang turing namin sa kanya ni Bambam. Dahil pinuprotekhan nya kami laban sa mga bully sa school. Habang tumatagal mas nagiging matatag at masaya ang pagkakaibigan naming tatlo. Akala namin wala ng katapusan ang lahat.

Hanggang sa isang araw pumunta si Jong-in sa bahay ng malungkot.

Lisa, Bambam! Tawag nya samin ni Bambam, nakangiti kaming sinalubong sya at napansin naming malungkot sya kaya tinanung ko sya.

Bakit malungkot ka? Tanong ko sa kanya, tumungo naman sya at nagsalita.

Aalis na kami, sa ibang bansa na kami maninirahan. Nangingilig ang boses nyang sambit. Agad naman kaming lumapit sa kanya at niyakap sya.

Kailan ka babalik? Umiiyak kong tanong sa kanya. Mas lalo syang umiyak ng marinig nya yun.

Hindi ko alam! Sambit nya at kumalas sa pagkakayakap samin ni Bambam. Tumingin sya kay Bambam at muling nagsalita.

Ikaw ng bahala kay Lisa, prinsesa natin yan kaya alagaan at ingatan mo sya. Kapag nalaman kong pinababayaan mo tong bunso ko, uuwi ako dito at yari ka sakin. Bilin nya kay Bambam, tumango naman ito sa kanya bilang pagpayag. Bumaling na si Jong sakin at ngumiti at pinunasan ang luha ko.

Napakaiyakin naman talaga ng bunso ko, wag ka ng umiyak. Wag mong kakalimutan si Kuya ha. Matagalan man tayong tatlong hindi magkita hinding hindi ko kayo makakalimutan. Sambit nya, habang palipat lipat ang tingin saming dalawa ni Bambam. Napalingon kami kay Mr. Kim ng tawagin nya si Jong.

Jong tara na, baka maiwan pa tayo ng eroplano. Sambit nya.

Wait lang dad. Pagkasabi nya nun ay bumaling sya samin at muli nya kaming niyakap.

Babalik ako kaya wag nyo akong kakalimutan. Sambit nya pagkatapos kumalas na sya sa pagkakayakap samin. Ngumiti sya at ginulo ang buhok ko at tumakbo na papunta kay Mr. Kim. Sandali syang tumigil at kumuway.

Bye Lisa, Bambam. Sambit nya at tuluyan na silang pumasok sa kotse at umalis. Umiiyak kaming nakatanaw sa kotseng sinasakyan nila hanggang sa mawala ito sa paningin namin.

Naramdaman ko nalang na niyakap ako ni mommy upang tumahan sa pag iyak.

Babalik naman sya mommy diba? Umiiyak kong tanong sa aking ina.

Nangako sya sa inyo diba? Alam kong tutuparin yung ni Jong. Sambit ni mommy at tinapik tapik nya ang likod ko upang pagaanin ang aking pakiramdam.

End of flashback

Jong! Nangingilig ang boses kong sambit, tumingin ako kay Bambam at binigyan nya ako ng isang ngiti at tumango sya. Bumaling ako kay Kai.

Jong! Ulit ko sa pangalan nya, bahagya syang lumapit sakin at ginulo ang buhok ko.

Ako nga bunso. Nakangiti nyang sambit, agad ko syang niyakap at parang bata akong umiyak sa dibdib nya. Hinalikan naman nya ang ulo ko saka nagsalita.

Sorry Lisa, sorry sa nagawa ko sayo. Ayaw kitang masaktan at mapahamak pero ako mismo gumawa sayo noon. Sorry bunso ko. Pangako babawi ako sayo. Umiiyak na sambit ni Kai.

Hindi ka pa man nakakahinge ng tawad ay napatawad na kita. Sambit ko. Maya maya'y narinig kong nagsalita si Bambam.

Sali naman ako dyan. Sambit nya pagkatapos naramdaman ko nalang na yumakap na din sya samin. Ilang sandali pa ay kumalas ako sa pagkakayakap sa kanila.

Ano ba! Hindi na ako makahinga. Sabi ko habang tinutulak sila palayo sakin. Tumawa naman sila dahil sa ginawa kong yun. Napabaling ako sa bulaklak na nakapatong sa lamesa at tinuro iyon.

Ikaw ba nagbigay nun Jong? Tanong ko kay Kai. Tumango naman sya at kumamot sa ulo nya.

Hindi ko kasi alam kung paano ko ibibigay sayo e. Nagustohan mo ba? Nakangiting tanong nya sakin.

Oo naman, salamat. Sambit ko.

Ahmm teka! May inaasahan ka bang iba na magbibigay nyan sayo? E alam ko naman na binibini din ang gusto mo. Sambit ni Kai sabay sulyap kay Jennie na ngayo'y matamang nakatingin samin, pagkatapos tumawa sya ng nakakaloko. Nakitawa na din sina Bambam sa sinabi ni Kai maliban kay Jennie na ngayo'y namumula dahil sa inasal ni Kai. Napamasahe nalang ako sa ulo at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

Nadagdagan na naman ang sakit ng ulo ko. Sabi ko sa isip ko.

First love, Last loveWhere stories live. Discover now