Chapter 12

478 7 0
                                    

Jennie POV

Andito ako ngayon sa office. Ito na ang naging buhay ko mula ng makagraduate kami ni Irene.

Tatlong taon na din simula ng umalis si Lisa. Kasabay ng pag alis nya ay sya namang pagkawala ni Rosé. Bigla nalang syang nawala na parang bula. Walang makapagsabi kung nasaan at kung anong nangyari sa kanya.

Sa tatlong taon na nawala si Lisa, wala akong naging balita sa kanya. Lahat ng social media account nya ay araw araw kong tinitingnan. Pero walang bago, ang huling post nya ay 3 years ago pa. Hanggang ngayon umaasa parin akong babalik sya.  Naputol ang pag iisip ko ng may  kumatok sa pinto ng office ko.

Kumusta naman ang President ng Kim's Corporation? Sinagot ka na ba ng mga papel na kaharap mo araw araw? Kaya napa ikot ang mata ko sa tanong ng taong kakapasok lang sa office ko.

Alam mo Jisoo kung pupunta ka lang dito para asarin lang ako lumabas ka nalang. Marami pa akong ginagawa, nakikita mo naman siguro. Inis kong sambit at tumayo na ako para kaladkarin sya palabas.

Wait nga lang. Pagpigil nya.

Hoy Jenduek pinsan mo ko, kaya wag mo kong ipagtabuyan katulad ng ginagawa mo sa mga manliligaw mo. Hindi mo talaga ako mahal nu?  Sambit nya. Aba at umaarte pang nagtatampo. Nakunsensya naman ako kaya binitawan ko sya, inayos ko ang sarili ko at bumalik sa ginagawa ko.

Ano ba kasing ginagawa mo dito? Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa laptop ko.

Magpapaalam lang sana ako. Alam mo naman ang araw ngayon diba? Sambit nya. Tumigil muna ako sa pagtatype, tumingin ako sa kanya at bumuntong hininga..

Kailan ka ba titigil kakabalik sa lugar na yun? Ilang taon ka ng pabalik balik dun. Hindi ka pa ba napapagod? Tanong ko sa kanya.

Ikaw ba? Hindi ka parin ba napapagod maghintay kay Lisa? Balik nyang tanong sakin.

Hindi! Bakit naman ako mapapagod?. Sagot ko sa kanya.

Bakit nga ba? Tanong nya, at umarteng kala mo'y nag iisip.

Dahil mahal ko! sagot ko.

Ayan, Nasagot mo na ang tanong mo para sakin. Patawa tawa nyang sambit. Nang mapagtanto kong hindi ako mananalo sa kanya ay ibinalik ko na ulit ang mata ko sa laptop.

Sige na, umalis ka na. Kailangan ko ng magtrabaho. Ilang araw lang ha at andami pang trabaho dito.. Pagkasabi ko nun ay lumapit sya sakin at hinalikan ako sa pisnge. Tapos tumakbo na palabas. Magpoprotesta pa sana ako ng agad na nyang sinara ang pinto.

Napatawa nalang ako habang iniisip ang kalagayan naming magpinsan.

Ito ba ang nakatadhana para sa aming dalawa? Maghintay sa taong hindi namin alam kung babalik pa. Sandali akong sumandal sa aking upuan at pumikit. Naalala ko nung ilang beses akong hinabol ni Lisa. Pero wala akong ibang ginawa kundi itabuy sya.

Flashback

Nagpaalam ako kina mommy na maglalakad lakad lang ako sa malapit na park. Nang may mabangga akong babae. Dahilan para matumba sya. Dali dali ko naman syang itinayo. Ngunit nagulat ako ng makita ko ang mukha nya.. nagtama ang mga mata namin. Pugtong pugto ang mga mata at amoy alak.

Lisa.. mahinang sambit ko sa pangalan nya.
Jennie..sambit naman nya sa pangalan ko. Kitang kita sa mga mata nya ang kalungkotan. Yayakapin na sana nya ako ng bigla akong lumayo.

Lisa umuwi ka na. Sabi ko habang nakaiwas  ang tingin. Ngunit hindi sya sumunod sa halip ay humakbang sya palapit sa akin. Akmang hahawakan nya ang kamay ko ng iiwas ko ito. Napatingin sya sakin

First love, Last loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon