Chapter 22

411 11 0
                                    

Suelgi POV

Anong sabi? Tanong ni Lisa pagkatapos kong makausap si Rosé.

Papunta na. Sagot ko habang inilalagay ko sa bulsa ang phone ko.

Lisa bakit kailangan pa nating magsinungaling sa kanya? Pwede namang papuntahin nalang natin sya dito? Sigurado namang---- hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita sya.

Hindi naman kasi sya pupunta kung sasabihin kong gusto ko lang syang makita at makasama. Sambit ni Lisa. Napatingin naman ako sa kanya, kita ko sa mata nya ang lungkot.

May problema ba kayo? Anong nangyari? Pag uusisa ko. Tumungo naman sya saka nagsalita muli.

Diba kapag mahal mo ang isang tao lahat gagawin mo para sa kanya. Kahit sariling kaligayahan mo pa ang kapalit nito? Tanong nya.

Ano bang sinasabi mo Lisa? Hindi kita maintindihan? Ano bang nangyayari? Nag aalalang tanong ko sa kanya. Hindi sya sumagot sa halip ay tumingin sya sakin, pinahid nya ang luha sa mga mata nya at ngumiti.

Wala. Umalis ka na baka dumating na ang future wife ko. Makaistorbo ka pa samin. Pang aasar nya sakin. Ngunit kahit nakangiti sya ay kita parin sa mga mata nya ang lungkot. Ano ba kasing nangyayari? Tanong ko sa isip ko.

Hindi ko na pinilit pang alamin ang nangyayari. Pailing iling nalang akong naglakad papunta sa kotse ko. Bubuksan ko na sana ang kotse ko ng tinawag ako ni lisa.

Suel, salamat sa pag aayos ng venue the best ka talaga. Nakangiting sabi nya. Tumango ako at ngumiti pabalik. Agad na akong pumasok sa sasakyan ko at nagdrive na palayo kay Lisa.

Lisa sana hindi ka magtago ng nararamdaman mo. Andito lang kami para sayo. Sambit ko habang nakatingin sa side mirror ng kotse ko kung saan kita ko si Lisang na nakatayo at naghihintay kay Rosé.

Lisa POV

Darating ka ba talaga? Tanong ko sa sarili ko. Andito lang ako sa dilim nakaupo sa entrance ng resto na nirentahan ko. Matyaga ko syang hinihintay. Nakatungo lang ako ng may marinig akong tumigil na sasakyan at bumaba na ang driver nito. Tumayo na ako ng makita ko ang taong yun.

Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay. Pagkatapos kong sabihin yun ay suminyas ako sa waiter na nakaabang sa hudyat ko. Bumukas lahat ng ilaw at nakita ko ang babaeng mahal ko na nakatayo. Kita sa mukha nya ang pagkagulat. Nakangiti lang ako sa kanya habang pinagmamasdan ko sya mula sa kinatatayuan ko. Nang mapagtanto nya kung sino ang nasa harapan nya ay agad syang tumakbo at niyakap ako ng mahigpit.

Namiss ko ang yakap na yun. Pakiramdam ko napakatagal na panahon na ng huli ko syang nayakap.

I miss you baby! Sambit ko habang nanatili kaming magkayakap.

Sorry. Maikling sambit nya. Ramdam kong mas humigpit pa ang yakap nya at nagsimulang magtaas baba ng balikat nya. Kumalas ako sa pagkakayakap, tiningnan ko ang mukha nya at pinahid ang luhang nasa pisnge nya. Nasasaktan ako sa nakikita ko.

Shhh.. tahan na, ayaw kong nakikitang umiiyak ka. Masaya ako kasi dumating ka. Sorry kung napag alala kita. Yun lang kasi naisip kong paraan para hindi mo ako dedmahin. Sambit ko, sinamaan naman nya ako tingin at pinagpapalo sa dibdib.

Alam mo ba kung gaano ako nag alala sayo ha! Umiiyak na sambit nya habang patuloy nya akong pinapalo. Niyakap ko nalang sya para tumigil, nang maramdaman kong kumalma na sya ay kumalas na ako sa pagkakayakap at hinawakan ko ang kamay nya.

Tara date tayo. Pagkasabi ko nun ay hinila ko sya sa garden ng resto na nirentahan ko. May mga maliliit na ilaw at petals ng red rose na nakapalibot sa table namin. Hinila ko ang isang upuan para dun sya umupo, at umupo naman ako sa harap nya.

Paano mo to ginawa? Manghang tanong nya.

Nagpatulong ako kay Suelgi. Antagal na kasi nating hindi nakakapagdate kaya gusto ko memorable. Sabi ko at kinindatan ko sya. Namula naman sya at bahagyang napatawa.

Manoban ayan ka na naman. Natatawang sambit nya.

Masaya kaming kumakain habang nag uusap ng kung ano anong bagay. Matapos naming kumain ay kumaway ako sa waiter hudyat upang iplay ang isang kanta.

Terrified by Katharine McPhee ft. Zachary Levi

Tumayo ako sa upuan at inilahad ko sa kanya ang kamay ko.

Baby pwede ba kitang isayaw? Tanong ko, tumango sya, at hinawakan nya ang kamay ko.

Inilagay ko ang dalawang kamay nya sa balikat ko at inilagay ko naman ang kamay ko sa bewang nya. Nagsimula na kaming sumabay sa saliw ng tugtug, nakatigtig lang ako sa mga mata nya. Hindi nagtagal ay lumapit na ang katawan nya sakin. Magkayakap na kami habang sumasayaw.

I love you Roseanne Park. Bulong ko sa kanya.

I love you too Lisa. Sagot nya at mas naramdaman kong mas humigpit pa ang yakap nya sakin.

Sana nga, sana nga ako parin. Malungkot kong sambit sa isip ko.

Maya maya pa'y kumalas ako sa pagkakayakap, hinawakan ko ang mukha nya. Ngumiti muna ako habang nakatitig sa mga mata nya. Ibinaba ko ang tingin sa labi nya at dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha nya. Buong pagmamahal ko syang hinalikan. Ilang segundong magkalapat ang labi namin ng bahagya akong lumayo sa kanya. Nakapikit parin sya, hinaplos ko ang mukha nya at hinalikan ko ang noo nya. Napapikit ako, tila ninanamnam ko ang bawat sandali. Gusto kong sulitin ang bawat sandaling andito pa sya sa piling ko. Habang iniisip ko ang mga posibilidad na mangyari ay hindi ko namalayan na may luhang pumatak sa mata ko.

Natapos na ang kanta at bahagya akong lumayo sa kanya. Minulat nya ang mga mata nya at muling nagtama ang mga mata namin.

Mahal na mahal kita Roseanne Park. Kung ano man yang gumugulo sa isip mo sana'y wag mong takasan. Kahit ano mang maging desisyon mo ay igagalang ko. Kahit ang kapalit pa ay sarili kong kaligayahan.

First love, Last loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon