Chapter 11

540 10 0
                                    

3 YEARS LATER

Rosé POV

Babalik ka ha. Hihintayin kita dito. Sabi ng batang babae. Sabay may kinuha sya sa bulsa nya.

Kunin mo to. Sabi nito sa mas batang babae at inabot ang isang Bracelet na may letter J. Kinuha naman ito ng mas batang babae.

Ingatan mo yan subrang halaga nyan sakin, pero dahil mahalaga ka din sakin ibibigay ko na sayo yan. At kapag nagkita tayo ulit, tapos malaki na ako papakasalan na kita. Pagpapatuloy ng batang babae

Pwede ba yun? Diba parehas tayong babae? Paano mo ako pakakasalan? Nagugulohang tanong ng mas batang babae.

Basta pakakasalan kita. Hihintayin kita dito sa tagpuan natin. Nakangiting sambit ng batang babae.

Tumango nalang ang mas batang babae bilang tugon. At niyakap nya ito habang nakapikit at ng imulat nya ang mata nya ay wala na ang batang babaeng kanina'y yakap nya. Umiiyak na ang mas batang babae habang patuloy lang syang sumisigaw hanggang sa...

Baby. Baby gising! Tapik sakin ni Lisa. Napayakap nalang ako sa kanya ng magising ako.

Napanaghinipan mo na naman ba yung batang palagi mong napapanaghinipan? Tanong sakin ni Lisa, habang kami ay magkayakap. Tumango naman ako bilang tugon. Hinahaplos haplos lang nya ang likod ko upang gumaan ang pakiramdam ko, mga ilang sandali ay marahan nya akong nilayo sa kanya at pinunasan ang mga luha ko sa pisnge. Umiiyak na naman pala ako. Niyakap nya ulit ako at umayos na kami ng higa, pakiramdam ko safe ako kapag yakap ko sya.

Dalawang taon na kaming magkarelasyon ni Lisa. Alam na din ng mga magulang namin ang tungkol samin. Masayang masaya nga sila para samin.

Tapos na kaming mag aral ni Lisa at magkasama na kami sa isang condo. 3 years na kami dito sa Thailand, paminsan minsan ay dinadalaw kami dito ng mga magulang namin upang kumustahin.

Masaya naman kami sa relasyon namin. Wala na akong ibang mahihiling pa, simula ng sagutin ko sya araw araw parin nya akong nililigawan. Pakiramdam ko ako na ang pinaka maswerteng babae sa buong mundo.

Anong iniisip mo baby? Tanong sakin ni Lisa, nagulat ako ng bigla syang magsalita. Inangat ko naman ang ulo ko para makita ang mukha nya pero nakapikit sya. Napangiti naman ako at mas niyakap pa sya.

Naisip ko lang, antagal tagal na pala nating nandito. Wala ka bang balak bumalik sa Pilipinas? Tanong ko sa kanya. Umupo naman sya at isinandal ang ulo sa headboard ng bed namin. Kaya umupo naman ako para makaharap sa kanya.

Tungkol dyan, tumawag nga pala sakin si dad kahapon. Kailangan na daw nating bumalik muna doon, kailangan daw nila ng mag aasikaso ng company namin. Maayos naman daw kasi ang kalagayan ng company namin dito. Kaya mas kailangan ako dun. Sambit nya.

Handa ka na ba? Tanong ko ng may pag aalala. Hinawakan naman nya ang kamay ko at hinaplos ang mukha ko. Ngumiti sya bago magsalita.

Handa saan; na makita sya? Tanong nya sakin, hindi ako nagsalita nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Huminga muna sya bago magsalita ulit.

Handa ako sa kahit saan o sa kahit na ano basta ikaw ang kasama ko. Sambit nya at ginawaran ako ng mabilis na halik. Tumayo na sya at pumunta ng banyo at naligo. Tumayo na ako at naghanda ng pagkain para saming dalawa.

Habang nagluluto ako ay may naramdaman akong mga bisig na yumakap sa bewang ko. Pinatong nya ang baba nya sa balikat ko habang nakatingin sa niluluto ko.

Bango naman. Sambit nya kaya napangiti naman ako.

Ang bango kahit hindi pa naliligo dagdag pa nya, dahilan para mamula ako. Naramdaman ko namang kinintalan nya ang leeg ko ng maliliit na halik. Napatigil ako sa ginagawa ko at pinatay ang stove. Hinarap ko sya, nagtama ang mga mata namin bumaba ang tingin nya sa labi ko. Unti unting lumapit ang mukha nya sakin. Napapikit ako ng maramdaman ko ang labi nya sa labi ko. Halik ng may pagmamahal, bahagyang kumilos ang labi nya kaya sinabayan ko ito. Kapwa mauubusan kami ng hininga ng matapos ang halik na yun. Lumayo sya at ngumiti. Hinaplos nya ang mukha ko.

First love, Last loveWhere stories live. Discover now