Chapter 43.5

431 8 1
                                    

Jennie POV

Katulad ng sinabi ni Kai, sinundan ko ang bukas na ilaw sa hallway. Habang lumalayo ako sa kanya ay sya namang palakas ng palakas ang tibok ng puso ko.

Sandali akong napatigil ng lumapit sakin sina Suelgi at Irene, nakangiti sila habang inaabot sakin ang hawak nilang kulay Yellow na Daisy pagkatapos umalis na din sila agad. Nagsimula muli akong maglakad, hanggang sa matanaw ko na ang kubo kung saan doon nagpaalam sakin si Lisa bago sya umalis papuntang Thailand. May isang taong nakatayo doon, may hawak syang gitara at alam kong yun ang taong kanina ko pa hinahanap.

Lisa! Nanginginig ang boses kong sambit. Naiiyak ako sa sayang nararamdaman ko ngayon. Bahagya akong napatigil at pinagmasdan ko lang sya, hindi ko masyadong makita ang mukha nya dahil medyo may kadiliman ang palagid. Ngunit sigurado akong nakangiti sya sakin. Muli akong humakbang papalapit sa kanya ngunit sandali akong napatigil ng lumapit sakin si Chaeng at si Jisoo. Kita sa mukha nila ang saya. Inabot nila sakin ang kulay yellow na Daisy.

Goodluck Jenduek. Sambit ni Jisoo sabay kindat sakin, bumaling naman ako kay Chaeng. Niyakap nya muna ako at agad din namang kumalas saka sya nagsalita.

Ingatan mo sya Jennie. Nakangiting sambit nya. Binigyan ko sya ng isang ngiti at tumango bilang tugon. Bumaling sya kay Lisa, at ngumiti pagkatapos umalis na sila ni Jisoo. Nagsimula na muli akong maglakad papalapit kay Lisa. Ilang dipa nalang ang pagitan namin ng magsalita sya.

Ops dyan ka lang! Nakangiting sambit nya habang ang kamay nya'y nakataas senyales na tumigil ako at pagkatapos sinimulan na nyang kalabitin ang string ng gitara. Ilang sandali pa'y nagsimula na din syang kumanta.

Ang dami nilang sinasabi
Malapit na nga akong mabingi
Sa mga napupuna nila
Ah-ah-ah, nakakasawa din pala
Sabi-sabi nila na 'di tayo magtatagal
Kesyo ganito, kesyo ganyan
Sa una lang daw tayo masaya

Ah-ha, ha-ha
Ah, wala tayong magagawa
Ah-ha, tawanan nalang natin

Habang pinakikinggan ko ang mensahe ng kanta ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, unti unti ng pumatak ang mga luha mula sa aking mata.

Kahit na anong sabihin ng iba
Pangako ko sa 'yo na walang mag-iiba
Wala, walang mag-didikta
Sa nadarama
Kahit na anong sabihin ng iba
Mahal kita, ooh
Mahal kita, ooh

Naglakad na sya papalapit sakin at bahagyang tumigil sa pagtipa ng gitara. Pinahid nya ang luha ko pagkatapos ngumiti sya at saka nya pinapatuloy ang pagkanta. Nakatitig lang ako sa kanya, walang makakapantay sa sayang nararamdaman ko sa mga oras na to. Parang ayaw ko ng matapos ang oras na to.

Kahit na anong sabihin ng iba
Pangako ko sa 'yo na walang mag-iiba
Wala, walang mag-didikta
Sa nadarama
Kahit na anong sabihin ng iba

Tumingin sya sa mga mata ko at saka pinagpatuloy ang pagkanta habang nakangiti.

Mahal kita, ooh
Mahal kita, ooh

Pagkatapos nyang kumanta ay lumapit si Chaeng, kinuha nya ang gitara at inabot kay Lisa ang Pink na Daisy.

Thank you Chaeng. Sabi ni Lisa kay Chaeng, ngumiti naman ito at naglakad na palayo samin. Ibinaling naman ni Lisa ang atensyon nya sakin at inabot ang hawak nyang bulalak.

Para sayo. Nakangiti nyang sambit, inabot ko naman yun at niyakap ko sya.

Grabe ka namang gumawa ng gimik. Tinakot mo pa talaga ako. Umiiyak kong sambit, narinig ko namang tumawa sya ng mahina at kumalas sa pagkakayakap sakin.

Sinaktan ka ba nila? Tanong nya, umiling naman ako bilang sagot sa tanong nya. Ngumiti sya at muli akong niyakap.

Pwede ko na bang angkinin ang puso mo Jennie Kim? Sambit nya sa pagitan ng yakap namin. Napangiti naman ako ng marinig ko yun, mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.

Kung alam mo lang Lisa, ang tagal kong hinintay na itanong mo sakin yan. Sabi ko sa isip ko.

Sayo lang naman talaga tong puso ko Lisa. Simula noon, ngayon at sa darating pang mga taon. Sambit ko, naramdaman ko namang hinalikan nya ang ulo ko. Kumalas na sya sa pagkakayakap, seryoso syang tumingin sa mga mata ko.

I love you. Sambit nya, pagkatapos hinawakan nya ang mukha ko. Napangiti ako ng marinig ko yun.

I love you too love. Sambit ko, bahagya syang napangiti, bumaba ang tingin nya sa labi ko at unti unting lumapit ang mukha nya sa mukha ko. Sabay kaming napapikit ng maglapat ang aming mga labi.

Naramdaman kong may luhang dumaloy sa aking pisnge mula sa aking mata.

3 years ago umiiyak ako sa mismong lugar na to dahil iniwan nya ako. Pero sa pagkakataong ito, umiiyak ako dahil sa subrang kasiyahan.

Ilang sandali pa'y naglayo na ang labi namin. Nang makita ni Lisa ang luha sa pisnge ko ay nabakas ko sa mukha nya ang pag aalala. Ngunit bago pa sya magsalita ay nagsalita na muli ako.

Salamat Lisa, salamat sa pagmamahal na binigay mo sakin. Salamat dahil binalikan mo ako. Sambit ko habang patuloy lang ako sa pagluha. Ngumiti naman sya at pinahid ang luha sa pisnge ko saka nagsalita.

Shhh. Tahan na. Pagkasabi nya nun ay niyakap nya ako at muling nagsalita.

Kahit anong mangyari, babalik at babalik parin ako sayo. Simula ngayon, magkasama na tayong lalaban sa mapanghusgang mundo. Wag mo na ulit bibitawan ang kamay ko okay? Samahan mo kong gumawa ng panibagong magagandang ala ala. Mahal kita Jennie. Sambit nya habang hinahaplos haplos ang buhok ko. Tumango tango naman ako bilang pagsang ayon at mas hinigpitan ko pa ang yakap ko.

Ito na ba yung kapalit ng ilang taon kong pagdurusa na wala sya sa tabi ko? Hiling ko lang na sana hindi na muli syang mawala dahil hindi ko na alam kung kakayanin ko pa.

First love, Last loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon