Chapter 40

456 6 1
                                    

Kai POV

Andito ako sa Bar na pagmamay ari ko upang tingnan ang kalagayan nito, may mini office ako dito. Dito muna ako nagtutungo pagkagaling ko sa kompanya bago ako umuwi sa condo. Habang busy ako sa pagtingin sa sales ay napatigil ako ng tumunog ang phone ko. May nagnotif kaya binuksan ko yun upang tingnan. Napangiti ako ng makita ko ang isang larawan. Nagpost si Jennie ng Pink na Daisy at nakatag yun kay Lisa.

Pink Daisy! gentleness, love, and romance. Magaling din naman palang magpakilig si Lisa, ngayon alam ko na kung bakit patay na patay sa kanya si Jennie. Nakangiti kong sambit habang pinagmamasdan ang picture.

Sana maging magandang simula na to para sa kanilang dalawa. Ako na siguro ang isa sa pinakamasayang tao kapag nangyari yun. Sambit ko habang inaalala kung bakit hinayaan ko si Jennie at hindi ko na sya pinaglaban pa.

Flashback

Nung mapagdesisyonan kong alamin ang pagkatao ni Lisa natuklasan ko na sya pala yung First love ni Jennie at isa pa sa kinabigla ko, si Lisa pala yung batang babae na tinuturing kong parang bunso kong kapatid.

Simula ng malaman ko yun palagi ko ng sinusundan si Lisa. Sinusigurado ko na ligtas syang nakakauwi araw araw.

Nung araw ding yun sinabi ko sa sarili ko na poprotektahan ko sya sa kahit na kanino katulad ng ginagawa ng nakatatandang kapatid sa kanyang bunsong kapatid. Gusto kong bumawi sa kanya, muntik na syang mamatay sa mga kamay ko. Kung may masamang nangyari sa kanya noon, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Minsan tuwing sinusundan ko si Lisa may pagkakataon na nakikita ko silang magkasama ni Jennie. Pinagmamasdan ko lang sila mula sa malayo, kung saan kuntento na akong makita ang ngiti ng dalawang babaeng mahalaga sa buhay ko. Nakikita ko ang kakaibang kislap ng mga mata ni Jennie sa tuwing magkasama sila ni Lisa, na kahit kelan hindi ko nakita yun sa twing ako ang kasama nya.

Ilang taon man silang nagkalayo pero hindi parin yun naging dahilan para mawala ang pagmamahal nila sa isa't isa. Nakikita ko sa kanila ang isang halimbawa ng tunay na pag ibig, kaya sino ba naman ako para hadlangan pa yun.

Mahal ko si Jennie, at oo pinangako ko noon sa sarili ko na babalikan ko sya kapag naayos ko na ang sarili ko. Pero ngayon hindi ko na pipilitin pa na bumalik sya, ang tanging mahalaga na lang sakin ngayon ay makitang masaya sya kahit sa piling ng iba.

Balang araw makakatagpo din ako ng babaeng magmamahal sakin hanggang dulo. At alam kong hindi si Jennie yun.

End of flashback

Extra lang pala ako sa isang napakagandang love story ng dalawang taong pinaglaruan at sinubok ng tadhana. Sambit ko, sumandal ako sa swivel chair at pumikit.

Alam ko na hindi ko pagsisihan ang naging desisyon ko dahil yun ang tama. Masaya na akong makita ko lang silang magkasama at masaya. At kung sakali mang may pumigil sa kanila, ako mismo ang gagawa ng paraan para maging maayos ang lahat. Kahit anong mangyari, andito lang ako para protektahan sila.

Rosé POV

Babe ready ka na ba? Tanong sakin ni Jisoo. Nandito kami sa bahay nila, ipapakilala na nya ako sa mga magulang nya. Pagkapasok palang namin ay may sumalubong na saming mga kasambahay at nagbow sila kay samin.

Nasan sina dad? Tanong nya sa may katandaang babae na nakangiting sumalubong samin. Yumakap ito kay Jisoo at tumingin sakin.

Ikaw na ba si Chaeyoung? Tanong nya sakin, nahihiya naman akong tumango.

First love, Last loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon