Chapter 42.5

441 7 1
                                    

Lisa POV

Nini bilisan mo dyan baka lalong uminit ulo ni Irene. Sigaw ko kay Jennie kasi kanina pa sya nasa banyo.

Anong sasabihin ko kina Irene! Mag isip ka Lisa. Bakit ba kasi hindi ko nalock ang pinto bago ako matulog. Paninisi ko sa sarili ko habang naglalakad ako ng paruo't parito.

Tumigil ka nga sa kakaganyan mo? Hindi ka ba napapagod? Sambit ni Jennie na kakalabas lang sa banyo kaya napatigil ako at pinagmasdan ko lang sya habang naglalakad papunta sa harap ng salamin. Tinanggal nya ang tuwalya na nasa kanyang ulo at nagsimulang suklayin ang kanyang buhok.

Ang ganda naman ng magiging misis ko. Napalakas ang sambit ko noon kaya sandali syang napatigil at tiningnan ako sa salamin. Bahagya syang napangiti at muling ipinagpatuloy ang pag susuklay. Naputol ang pagnanasa ko sa babaeng nasa harap ko ng may kumatok sa pinto.

Ano kayong dalawa dyan?! May balak pa ba kayong lumabas!! Umayos kayo ha! Sambit ni Irene, halata sa boses nya na galit sya at talaga sigurong galit sya dahil parang wawasakin nya ang pinto sa subrang lakas ng katok. Muli, naramdaman ko na naman ang kaba na sandaling nawala ng makita ko ang magandang babae na kasama ko ngayon.

Tara na! Baka maging dragon pa si Irene sa subrang inis satin. Pag aaya sakin ni Jennie, tumayo na sya, naglakad palapit sakin at hinawakan ang kamay ko. Magkahawak kamay kaming nagtungo sa living room.

Nang makita ko ang mukha ni Irene ay mas nakaramdam ako ng takot. Para nya kaming lalamunin ng buhay dahil sa sama ng tingin nya samin ni Jennie.

Galit ba talaga sya? Tanong ko sa isip ko, ngayon ko lang to nakitang ganito kaya hindi ko alam kung anong kaya nyang gawin sakin.

Umupo kayo dyan! Seryosong sambit ni Irene habang nakahalukipkip. Agad naman kaming sumunod na parang bata at nakayuko akong umupo sa sofa.

Sandali akong nagpalinga linga sa paligid para hanapin si Suelgi, baka sakaling mapakalma nya ang girlfriend nya, bahagya akong napangiti ng lumabas sya galing sa kusina. Tiningnan ko sya, tingin na kailangan ko ng tulong ngunit mukhang wala syang planong tulongan ako.

Inum muna kayong tubig. Sambit ni Suelgi, inilagay nya ang baso na may lamang tubig sa center table at bumulong sakin.

Ihanda mo na ang isasagot mo, siguradohin mong maayos yang isasagot mo dahil hindi mo magugustohan kapag nagalit ang isang Irene Bae. Sambit nya sabay ngisi sakin. Tumingin muna sya kay Jennie at muling ngumisi.

Bwesit na Suelgi to! Sa halip na tulongan ako mas tinakot pa ako. Sabi ko sa isip ko.

Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan ng bawat isa sa amin. Magsasalita na sana si Irene ng may magsalita mula sa pintuan kaya naman nabaling lahat ang atensyon sa taong yun.

Jendukie!! Sigaw ni Jisoo habang nagtatanggal ng sapatos. Narinig ko namang napabulong si Jennie sakto lang na maririnig ko.

Hay, salamat! Sambit nya at bumuntong hininga.

Oh Irene, anong ginagawa nyo dito? Saka teka bakit ganyan mukha mo? Sambit ni Jisoo at bumaling naman sya samin ni Jennie na nakaupo sa sofa.

Oh Lisa, andito ka din? Ano bang meron? Nagugulohang tanong nya habang naglalakad palapit samin, sandali syang tumigil at ipinatong ang mga dala nya sa center table.

Babe bakit ang tagal mo naman? Agaw atensyong sambit ni Rosé na kakapasok lang, may mga dala din syang groceries. Napatigil sya ng mapansin nya ang mga tao sa paligid nya. Tahimik syang naglakad papunta samin at dahan dahan nyang ibinaba ang mga dala nya at takang umupo sa sofa.

Ano bang nangyayari dito? Tanong muli ni Jisoo, nagtikhim naman si Irene at saka nagsalita.

Lisa! Ipaliwanag mo nga kung anong ibig sabihin ng nakita namin kanina. Seryosong sambit nya, napatingin naman samin ang lahat na tila nag aantay ng isasagot.

Irene! Kasi--- sasagot na sana si Jennie ng putulin yun ni Irene.

Hindi ikaw ang kinakausap ko Jennie kaya tumahimik ka! Inis na sambit ni Irene, napatungo naman si Jennie na parang bata ng marinig nya yun.

Teka nga muna! Ano bang nakita nyo kanina? Sabat naman ni Jisoo na ngayo'y wala paring alam sa nangyayari. Bumaling sakin si Chaeng at pinandilatan ako ng mata, senyales na magpaliwanag ako, napalumod naman ako ng laway.

Para akong kriminal na nililitis sa mga oras na to. Pinagpapawisan ako ng malamig dahil sa mga tingin nila sakin. Napatungo ako at bumuntong hininga saka nagsalita.

Ano kasi.. may nangyari samin ni Jennie. Panimula ko, napaupo naman si Jisoo sa tabi ni Chaeng dahil sa narinig nya. Makikita sa mga mata nya ang pagkagulat. Mataman syang nakatingin sakin at naghihintay ng susunod kong sasabihin.

Ilang sandali ding tumahik ang paligid, bago ako muling magsalita ay hinawakan ko ang kamay ni Jennie. Napatunghay sya pagkatapos binigyan ko sya ng matamis na ngiti saka ko ipinagpatuloy ang sasabihin ko.

Mahal ko si Jennie, at sana wag nyong isipin na ginagamit ko sya para gawing panakip butas dahil sa nangyari samin ni Chaeng. Oo napakabilis ng mga pangyayari na kahit ako hindi ko din akalain ng mangyayari to ngayon. Ilang beses ko ding tinanggi sa sarili ko na si Jennie parin ang mahal ko, pero nung makausap ko si Chaeng doon ko narealize na sa nakalipas na ilang taon na hindi ko sya nakikita at nakakasama sya parin pala ang nag iisang nilalaman nitong puso ko. Habang sinasabi ko ang mga salitang yan ay nakatingin lang ako sa mata ni Jennie, at kita ko sa mga mata nya ang halo halong emosyon. Bumaling ako kina Irene at isa isa ko silang tiningnan sa mata.

Hayaan nyo sana akong mahalin si Jennie, at bawiin ang ilang taong ninakaw samin ng tadhana. Seryosong sambit ko. Bumuntong hininga si Irene at unti unting nagbago ang ekspresyon ng mukha nya.

Siguradohin mo lang Lisa na hindi ko na ulit makikitang umiiyak ang best friend ko dahil kapag nangyari yun ako mismo makakalaban mo. Seryosong sambit ni Irene habang dinuro duro ako.

Babe tama na yan. Pag awat sa kanya ni Suelgi.

Isa ka pa! Ayusin mo! Wag na wag mong kukunsintihin itong si Lisa! Sambit ni Irene habang dinuduro duro din si Suelgi. Napaatras naman ito saka nagsalita.

Oo na! Tama na yan. Saka malalaki na yang mga yan. Alam na nila ang tama at mali. Sambit ni Suelgi, tumahimik na si Irene matapos nyang marinig yun.

Bumaling naman ako kina Chaeng at Jisoo na magkayakap na parang kinikilig sa mga narinig nila at binigyan kami ng napakagandang ngiti.

Thank you. Pabulong kong sambit sa kanila, nag sign naman sila ng okay at saka tumayo si Jisoo.

Kumain na tayo! Tama na ang drama, buti nalang madami kaming biniling pagkain. Sambit nya, bumaling naman ako kay Jennie na masayang nakatingin sa mga kaibigan namin.

Ganda ng ngiti ah! Lalo akong mahuhulog sayo nyan. Pabirong sambit ko, napatawa naman sya at saka nagsalita.

Sasaluhin kita wag kang mag alala. Sambit nya sabay kindat sakin at tumayo na para makisali kina Jisoo. Pinagmamasdan ko lang sila habang masayang kumakain.

Napakaswerte ko dahil nakilala ko ang mga taong to. Simula't sapul sila na ang naging saksi sa pag iibigan namin ni Jennie. Sana lang walang kapalit na kalungkotan ang sayang nararanasan ko ngayon.

First love, Last loveWhere stories live. Discover now