Chapter 28

417 8 0
                                    

Rosé POV

Bakit kaya antagal nilang pumasok. Naiinip kong tanong sa sarili ko. Maya maya pa'y bumukas na ang pinto. Napangiti naman ako ng pagkatamis tamis ng makita ko kung sino ang iniluwa nito.

Bakit antagal nyo? Teka nasan si Lisa? Tanong ko kay Jisoo ng isara nya ang pinto. Umupo sya sa tabi ng bed ko bago nagsalita.

Umalis na sila ni Jennie, may emergency daw kasi. Sagot ni Jisoo. Napasimangut naman ako ng marinig ko yun.

Ano naman kaya yun? Saka bakit sila magkasama ni Jennie? Tanong ko sa isip ko. Nabalik ako sa wisyo ng magsalita si Jisoo.

Anong klaseng mukha yan? Nakasimangot ka ba dahil umalis na si Lisa o dahil magkasama sila ni Jennie? Seryosong tanong ni Jisoo. Napatingin naman ako sa kanya at napangiti.

Nagseselos ka ba? Pang asar kong tanong sa kanya. Namula ang mukha nya at tumungo na parang nahihiya. Hinawakan ko ang mukha nya at inangat ko ito. Binigyan ko sya ng isang ngiti bago ako muling nagsalita.

Jisoo! Mahal kita, alam ko mahirap paniwalaan pero nung una kitang makita may iba na akong naramdaman para sayo. At nung malaman ko ang lahat doon ko lang naintindihan kung ano yung nararamdaman ko. Tama nga sila, hindi nakakalimut ang puso. Sambit ko at binigyan ko sya ng mabilis na halik sa labi. Napatulala naman sya sa ginawa kong yun. Kaya binigyan ko muli sya ng mabilis na halik.

I love you. Pabulong kong sambit at pinaglapat ko ang noo naming dalawa. Ngumiti naman sya sakin pabalik.

I love you too Chaeng. Hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan si Lisa dahil binigyan nya tayo ng pagkakataong maging masaya. Antagal kong hinintay ang araw na to. Akala ko katapusan na talaga ng love story nating dalawa. Sambit ni Jisoo, sasagot na sana ako ngunit bigla nya akong hinalikan. Kapwa hinahabol ang hininga namin ng matapos ang halik na yun.

Park Chaeyoung pakasal na tayo. Ayaw ko ng mawala ka pa sa tabi ko. Natatakot na ako na baka kapag hindi ka pa sakin natali mawala ka na naman at sa pagkakataong yun wala ng Lisang magpaparaya para lang sating dalawa. Seryosong sambit ni Jisoo.

Hindi na ako mawawala Jisoo. Hinding hindi na kita iiwan. Sa ngayon kailangan muna nating kausapin ang parents ko at ipaliwanag sa kanila ang nangyari. Sabi ko kay Jisoo. Napatingin sya sakin at kita ang takot sa mga mata nya. Hinawakan ko muna ang kamay nya bago ako nagsalita muli.

Wag kang mag alala, alam kong matatanggap at maiintindihan nila tayo. Sambit ko at binigyan sya ng ngiti upang maibsan ang takot nya. Alanganin naman syang ngumiti.

Andito na ako Jisoo para tuparin ang pangako natin sa isa't isa. Yung pangako kong babalikan kita nagawa ko na. Kaya ikaw naman ngayon. Tuparin mo ang pangako mo. Pang aasar ko sa kanya. Natawa nalang sya.

Hindi na ako makapaghintay na mangyari yun. Hindi na ako makapaghintay na ngiti mo ang unang makikita ko sa bawat pagmulat ng mata ko sa umaga. Sambit ni Jisoo, hindi ko maikakaila na kinikilig sa mga sinasabi nya.

Naputol ang pag uusap namin ni Jisoo ng may kumatok sa pinto. Kaya tumayo si Jisoo para buksan ang pinto.

Oh doc. Kayo po pala, pasok po kayo. Narinig kong sambit ni Jisoo sa taong nasa pinto.

Jisoo POV

Oh doc. Kayo po pala, pasok po kayo. Sambit ko. Pumasok naman ang doctor at lumapit sya kay Rosé. Nakasunod naman ako sa kanya.

Kumusta ka na Ms. Park? Tanong ng doctor kay Chaeng.

Ayos na po pakiramdam ko. Ano po bang nangyari sakin? Tanong ni Chaeng, nanatili lang akong nakikinig sa kanila.

Na over fatigue ka. Pero sa tingin ko naman ay madali kang nakabawi. Pero kahit na ayos ka na dapat ingatan mo parin ang sarili mo at wag kang magkapagod. At pwede ka na ding lumabas. Nakangiting sambit ng doctor at umalis na ito.

Inayos ko na ang bill ni Chaeng. Napagpasyahan namin ni Chaeng na maghotel nalang muna dahil masyadong malayo kung uuwi pa kami. Kailangan na din nyang magpahinga. Kumuha kami ng isang kwarto para saming dalawa, pagkapasok namin dun ay agad akong nagpaalam na maliligo muna ako bago matulog.

Pagkalabas ko ng banyo nakita kong natutulog na si Chaeng nilapitan ko sya, tumabi ako sa kanya at inayos ko ang kumot nya. Pinagmamasdan ko ang mukha nya at napangiti ako.

Hindi ako makapaniwala na darating ang araw na mangyayari pa ito. Lalo na ng malaman kong ikakasal ka na kay Lisa. Akala ko mapupunta lang sa wala ang paghihintay ko sayo ng ilang taon. Mahal na mahal kita Chaeng. Sambit ko pagkatapos hinalikan ko sya sa noo.

Napakabuti ni Lisa, napakatapang nya para bitawan ang taong mahal nya. Ngayon na iintindihan ko na kung bakit minahal sya ni Jennie. Sana dumating din ang araw na mahanap na din nya ang taong nakatadhana para sa kanya. Naniniwala ako na lahat ng kabutihan nya ay masusuklian din balang araw.

Thank you Lisa..

4:00am

Nagising ako ng maramdaman kong may humahaplos sa mukha ko. Pagmulat ng mata ko, bumungad sakin ang nakangiting si Rosé.

Good morning. Sambit nya at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi.

Good morning, ang aga mo namang magising. Sambit ko pagkatapos ng halik nya.

Nagising kasi ako, tapos hindi na ako makatulog. Saka mas gusto kong titigan ang mukha mo. Sabi ni Rosé, alam kong namumula na naman ako kaya isiniksik ko ang mukha ko sa leeg nya.

Ang cute mo naman kapag kinikilig. Pang aasar nya sakin, napangiti naman ako at niyakap ko sya ng mahigpit. Gusto ko ang pakiramdam na ganito. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Sana hindi na matapos, sana palagi nalang kaming ganito. Natigil ang pag iisip ko ng muli syang magsalita.

Babe kailangan ko palang pumunta sa bahay nina Lisa. Kailangan kong kunin ang mga gamit ko sa kanila. Pero bago yun kakausapin muna namin ang mga magulang namin. Sambit ni Rosé, bahagya naman akong lumayo sa kanya at tiningnan ko ang mukha nya.

Gusto mo ba samahan na kita? Tanong ko sa kanya.

Wag na muna, kaya ko naman na mag isa. Sambit nya. At niyakap ako muli, hindi na ako nagsalita baka makulitan pa sya sakin.

Sana maging maayos na ang lahat. Siguro nga dapat hayaan ko muna silang mag usap ng maayos ni Lisa. Kailangan din nilang magpaalam sa isa't isa. Sabi ko sa isip ko.

Hindi na kami nakatulog ni Rosé hanggang sa mag umaga. Ang dami nyang kwento tungkol sa mga nangyari sa nakaraan nya. May masaya at malungkot. Sinabi na din nya sakin ang ginawa ni Jimin. Aaminin ko nagalit ako pero wala na akong dahilan para hindi ko sya mapatawad. Kasama ko na si ang babaeng minahal ko ng mahabang panahon. At wala na akong mahihiling pa kundi makasama nalang sya sa habang buhay.

Napag usapan na din namin na kapag na ayos na namin ang lahat ng gusot sa relasyon namin. Magsasama na kami at magpapakasal.

Inihatid muna nya ako sa condo dahil wala akong dalang kotse. Tatawagan nalang daw nya ako para balitaan kung anong nangyari. Pumayag na ako sa gusto nya dahil andun naman si Lisa. May tiwala ako sa kanya na hindi nya pababayaan si Chaeng.

First love, Last loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon