Chapter 14

445 7 0
                                    

Suelgi POV

Nagising ako para magbanyo. Pagbalik ko napansin kong umilaw ang phone ni Irene. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang nagtext. Nakita ko lang na nagregister ang pangalan ni Jennie. Tinapik ko si Irene para gisingin. Baka kasi importante yung message. Hindi naman kasi nagtetext si Jennie ng dis oras ng gabi.

Babe nagtext si Jennie. Baka importante. Pipikit pikit pa syang kinuha ang phone nya. Bigla syang napabalikwas matapos nyang mabasa ang message.

Babe anong sabi? Tanong ko pero sa halip na sumagot ay dali dali syang kumuha ng jacket. Nakatingin lang ako sa kanya ng may pagtataka. Nagising naman ang diwa ko ng itapon nya sakin ang susi ng kotse at iniabot ang jacket ko.

Tara na babe, ihatid mo ako sa condo ni Jennie. sambit nya. Tumayo naman ako para sumunod sa kanya na nagmamadaling lumabas. Tahimik lang kami hanggang makarating sa parking area.

Nasa byahe na kami pero hindi parin sya nagsasalita. Binasag ko ang katahimikan habang nakatingin sa kalsada.

Ano bang nangyari? Bakit tayo nagmamadali? Tanong ko sa kanya. Nakatingin lang sya sa kalsada na parang malalim ang iniisip. Hinawakan ko naman ang kamay nya para kunin ang atensyon. Napabalikwas naman sya at tumingin sakin. Bakas sa mga mata nya ang pag aalala. Nang wala akong makuhang sagot mula sa kanya ay ibinalik ko na ang mata ko sa kalsada at mabilis na nagmaneho papunta sa condo ni Jennie.

Agad kaming pumasok sa unit ni Jennie dahil alam ni Irene ang password madali kaming nakapasok. Naabutan namin si Jennie na mahimbing na natutulog. Bakas sa mukha nya ang kalungkotan.

Ano kayang nangyari? Alam na kaya nya? Tanong ko sa isip ko. Nakaramdam naman ako ng awa ng bigla syang magsalita.

Mahal na mahal kita Lisa. Sambit nya, nakita kong may tumulong luha sa pisnge nya. Agad namang pinahid yun ni Irene na nasa tabi nya.

Labas muna ako babe. Tawag ko ng atensyon kay Irene.

Hindi ko na maatim ang nakikita ko. Nasasaktan ako dahil nakikita ko si Irene na nasasaktan para sa best friend nya at nahihirapan din akong tingnan si Jennie na nasa ganung sitwasyon.

Nagmahal lang naman sila ni Lisa. Bakit kailangan pang maging ganito kahirap ang kailangan nilang pagdaanan. Sabi ko sa isip ko.

Lumabas na ako sa kwarto ni Jennie, nagtungo ako sa sala. Hindi ko na alam na nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil narinig kong tumutunog ang phone ko. Nakapikit kong sinagot yun.

Good morning. Sabi ko.

Naistorbo ba kita? Tanong ng nasa kabilang linya. Nakilala ko naman agad ang boses nya.

Ano bang kailangan mo Lisa? Inis kong tanong sa kanya.

Sorry na. Kagabi pa kasi ako kinukulit nitong future wife ko. Gusto daw nyang makipagkita kina Irene. Saka gusto na din nyang magparty naman daw tayo. Parang welcome party samin. Tatawa tawa nyang sambit.

Sya sige na. Ano pang kailangan mo? Tanong ko pa sa kanya. Alam ko kasing hindi lang yun ang dahilan nya.

Magpapasama din sana kami na mamili. Baka kasi may gusto pa kayong kainin. Hindi ko kasi alam ang gusto nina Irene. Saka pala yung kotse mo nalang gamitin natin. Hindi pa kasi ako nakakapag asikaso ng lisensya ko. Seryoso nyang sambit.

Okay sige. Magpapaalam lang ako kay Irene. Puntahan ko kayo ng mga 2pm. May aasikasohin pa kasi ako. Nag okay naman sya at ibinaba na ang tawag.

Tiningnan ko ang oras, 11:00am na. Kailangan ko ng magmadali. Bumangon na ako para silipin si Irene at Jennie na ngayo'y magkatabi sa kama. Mahimbing silang natutulog kaya hindi na ako nag abalang gisingin pa si Irene.

Bumalik ako ng condo namin ni Irene at kinuha sya ng ilang damit pamalit. Inayos ko muna ang sarili ko bago bumalik sa condo ni Jennie. Bumili na din ako ng gamot para kay Jennie. Pagbalik ko'y naabutan ko si Irene na naghahanda na ng pagkain. Dahan dahan naman akong lumapit at niyakap sya mula sa likod.

Hi babe, Kumusta na si Jennie tanong ko sa kanya. Napaiktad naman sya dahil sa pagkagulat, humarap sya sakin at ngumiti.

Tulog parin. Teka galing ka na ba sa condo? Tanong nya.

Oo kumuha ako ng ilang damit mo. Alam ko namang hindi ka makakauwi ngayon. Sagot ko sa kanya. Niyakap naman nya ako at binigyan ng mabilis na halik sa labi.

Thank you babe. Thank you sa pag aalaga sakin at pati na din kay Jennie. Pasasalamat nya sakin. Niyakap ko naman sya at saka nagsalita.

Mahal kita babe. Kaya lahat ng mahalaga sayo ay mahalaga na din sakin. Sambit ko. Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya. Inabot ko sa kanya ang damit nyang pamalit at gamot na binili ko.

Alis muna ako babe ha, tinawagan ako ni Lisa. Magpapasama daw sila ni Rosé. Nagpapadrive. Sambit ko, agad naman syang pumayag.

Hinatid nya ako hanggang pinto para sya na din magsara ng pinto.

Mag ingat ka. Bilin nya at hinalikan ko muna sya bago ako tuloyang umalis.

Yari ako nito mamaya kay Irene. Bwesit ka Lisa! Hay, kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa sermon ni Irene. Sambit ko habang naglalakad papuntang parking area.

First love, Last loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon