Chapter 3

633 12 0
                                    

Jennie POV

Hay.. Good morning world! Sambit ko habang iniinat ko ang kamay ko. Ngayon ang unang araw ng klase at panibagong mukha na naman ang masisilayan ko. Lumipat ako ng school at dito ko na ipagpapatuloy ang pag aaral ko sa Pilipinas. 2nd year college na ako. 5 years din akong nasa New Zealand pero naisip kong bumalik dito kasi pakiramdam ko may naiwan ako dito. Bigla kong naalala yung nangyari kahapon.

Flashback~~~

Nakatayo ako malapit sa isang convenience store.. Hinihintay ko si Kai kasi sabi nya susundoin daw nya ako para sabay na kaming magdinner.

Maya maya ay may tumigil na sasakyan sa tapat ko, bumababa si Kai. Ngumiti lang ako sa kanya, lumapit sya sakin at agad naman nya ako niyakap syempre niyakap ko din sya pabalik. Bigla nya akong hinalikan at ngumiti sya sakin..

Sorry babe na late ako. Medyo traffic e, ano tara na? Sabi nya

Ano pa bang magagawa ko? Kesa magalit ako iintindihin ko nalang kasi palagi ka namang nalelate wala ng bago. Sabay irap ko . At sa di sinasadya ay napadako ang mata ko sa isang babaeng nakatayo malapit sa pwesto namin ni Kai. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. 5 taon na ng huli ko syang makita. Pero bakit ganito nararamdaman ko.

Lisa. Sambit ko na medyo may kalakasan, saktong maririnig din nya. Ngunit bigla itong tumalikod.

Lisa ikaw na ba yan? Pag ulit kong tawag sa kanya. Mga ilang sandali ay humarap naman sya sakin.

Oh! Hi, ikaw pala yan Jennie. Sabi nya

Nakangiti ako habang naglalakad papalapit sa kinaruruonan nya.

Kumusta ka na? Tagal nating hindi nagkita. Ang laki na ng pinagbago mo. Tanong ko sa kanya

Ito ganun pa din. Mahshskanvsha. Mahinang sabi nya sa huling salitang kanyang binitawan. Kaya naman hindi ko naintindihan yun.

Nakangiti lang ako sa kanya ng maalala ko na kasama ko pala si Kai. Lumapit sya sa amin. Nakatingin lang sya samin ni Lisa. Kaya ipinakilala ko sya.

Ah..Lisa ito nga pala si Kai, Boyfriend ko. At Kai sya si Lisa highschool friend ko. Sabi ko.

Oh hi Lisa. Sabi ni Kai kay Lisa, Sabay lahad ng kamay nya. Tumingin muna si Lisa sa kamay ni Kai at tiningnan ito sa mukha.

Inabot nya naman ang kamay ni Kai at bahagyang ngumiti. Naisip ko na yayain syang kumain para kunting kwentuhan na din. Aaminin ko may saya akong nararamdaman sa mga oras na to.

Ah Lisa nagdinner ka na ba? Sabay ka na samin may malapit naman sigurong restaurant dito. Para makapagkwentohan naman muna tayo kahit kunting oras. Tagal nating di nagkita e. Binigyan ko sya ng isang napakagandang ngiti para di nya ako matanggihan.

Ahmm.. Jennie, kasi may lakad ako ngayon.. magkikita kami ng Girlfriend ko. Oo tama Girlfriend ko may date kami. Pagtanggi nya. Bigla naman akong nalungkot sa di ko malamang dahilan. May girlfriend na pala sya.

Ganun ba? Next time na nga lang.. Sabi ko. Gusto ko sana magtampo kasi dedma nalang sa kanya yung ngiti ko pero wala naman akong karapatang gawin yun. Nagbago na talaga sya. Noon kapag nakikita nya ang ngiti ko, ang bilis ko lang makuha ang gusto ko. Hay naku Jennie! Ano ka ba naman 5 taon na ang nakakalipas syempre marami na ang magbabago.. sabi ko sa isip ko.

First love, Last loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon