Chapter 36

449 11 2
                                    

Lisa POV

Anong sabi? Magkasama daw ba sila? Tanong ni Irene kay Jisoo na ngayo'y katatapos lang makausap si Rosé.

Kanina pa kami nag aalala dahil ilang oras na ang nakalilipas mula ng sundan ni Chaeng si Jennie. Kaya nakahinga kami ng maluwag ng malaman naming magkasama sila.

Kalahating oras pa ang hinintay namin hanggang sa marinig naming may nagbukas ng pinto. Napatingin kami lahat sa taong nagbukas nito. Isang babaeng nakangiti ang iniluwa nito at agad na nawala ang ngiti nya ng mapansin nyang masama ang tingin naming lahat sa kanya.

Anong tingin yan? Inis nyang sambit habang naglalakad papunta sa table na andito sa kwarto at ibinaba ang dala nyang pagkain.

Si Jennie? Akala ko magkasama kayo? Nag aalalang tanong ni Irene.

Andito ako! Napabaling ang tingin ko sa direksyon ng babaeng nakangiting nakatayo sa pinto. Agad syang nilapitan ni Irene at niyakap.

Akala ko kung napaano ka na! Pinag alala mo ako! Umiiyak na sambit ni Irene. Tumawa naman ito at nagsalita.

Nagbili lang kami ng pwede nating kainin dito kasi sabi ni Chaeng hindi pa daw kayo kumakain. Namiss mo ba ako agad? Pang aasar ni Jennie kay Irene. Napasimangot naman ito, naglakad na si Jennie papalapit sakin.

Kumusta ka na? Nakangiting sambit nya, nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Nararamdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahilan para magbago ang ekspresyon ng mukha nya.

May masakit ba sayo? Gusto mo tawagin ko ang doctor? Nag aalalang sambit nya, hahakbang na sana sya upang tawagin ang doctor ng kusang gumalaw ang kamay ko at hinawakan ko ang kamay nya upang pigilan sya.

Okay lang ako. Nauutal kong sambit, napangiti naman sya dahilan para mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Lisa laway mo! Agaw pansin ni Suelgi, pinahid ko naman ang gilid ng bibig ko dahilan para magtawanan sila.

Bwesit ka Suel! Pasalamat ka at masakit pa tong sugat ko! Inis kong sambit at binato ko sya ng unan na nasa tabi ko. Mas lalong lumakas ang tawanan sa loob ng kwarto ngunit si Jennie ay nanatili lang seryoso ang mukha . Napatigil sa pagtawa ang lahat ng magsalita sya.

Tama na yan! Wag nyo ng asarin si Lisa, alam ko namang maganda ako kaya kahit sino matutulala talaga. Sambit nya sabay kindat sakin at lumakad sya papunta sa table at kumuha ng pagkaing dala nila ni Chaeng. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya na tila magnet na ayaw matanggal sa pagkakatitig sa kanya.

Baka matunaw. Rinig kong sambit ni Suelgi, sinamaan ko sya ng tingin at nag peace sign naman sya. Ngumisi pa ang loko, bwesit talaga.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na sina Chaeng, Jisoo, Suelgi at Irene. Wala pa silang tulog kaya pinauwi ko na sila para makapagpahinga. Nagpaiwan si Jennie para samahan ako. Ayaw nyang umuwi, kaya wala na din akong nagawa kundi pumayag nalang sa gusto nya.

Bago umalis sina Rosé ay may binulong sya sakin na naging dahilan upang mas lalong mailang ako kay Jennie.

"Wag dito sa Hospital ha, pigilan mo muna sarili mo. Alam kong hot talaga sya pero may tamang panahon dyan." Sambit ni Rosé at tumawa ng mahina, agad na syang patakbong lumabas bago pa ako makapagsalita.

Si Jennie na ang nagsarado ng pinto pagkatapos umupo na sya sa upuang katabi ng bed ko.

Matulog ka na para makapagpahinga ka. Nakangiting sambit ni Jennie.

Ikaw saan ka matutulog? Pagod ka rin naman diba? Tanong ko sa kanya.

Hindi na ako matutulog, babantayan nalang kita habang natutulog o kaya'y doon nalang ako sa sofa matutulog kapag nakaramdam ako ng antok. Sagot nya. Tumingin naman ako sa sofa at binalik ko muli ang tingin ko sa kanya. Umusog ako ng kunti at nagsalita.

Dito ka nalang sa tabi ko, kasya naman tayo dito saka sasakit ang katawan mo dun. Sambit ko

Pero baka--- pinutol ko na ang sinasabi nya, inilagay ko ang daliri ko sa labi nya upang tumahimik sya.

Ops! Wala ng pero pero, halika na dito sa tabi ko. Sige ka papauwiin kita. Pananakot ko sa kanya, kaya naman wala na syang nagawa kundi tumabi nalang sakin. Nakatagilid lang sya at nakatalikod sakin.

Tahimik lang akong nakikiramdam sa kanya. Ilang minuto din akong nakatingin sa ceiling ngunit hindi ako dalawin ng antok. Ibinaling ko ang tingin kay Jennie.

Jennie tulog ka na ba? Tawag ko sa kanya. Ngunit wala akong nakuhang sagot, napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ko ang likod nya, nakapusod ang buhok nya. Napalumod ako ng laway ng mapunta ang mata ko sa leeg nya. Parang akong na magnet, dahan dahan  akong lumapit sa kanya at hinalikan ko ang ulo nya.

Thank you. Sambit ko, pagkatapos umayos na ako ng higa at pumikit para matulog.

Nagising ako ng may marinig akong kumakatok sa pinto at dahan dahang binuksan ito. Napatingin ako kay Jennie na mahimbing paring natutulog kaya minustrahan ko ang nurse na wag maingay. Walang ingay syang lumapit samin at tiningnan ang sugat ko.

Ang ganda naman po ng girlfriend nyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang ganda naman po ng girlfriend nyo. Sambit ng nurse. Napatingin naman ako sa kanya, bahagya naman syang napatawa.

May mga kaibigan din po akong katulad nyo. Kaya normal nalang po sakin na nakakakita ng ganyang klaseng relasyon. Dagdag pa nya, ngumiti naman ako sa kanya.

E hindi ko naman po sya girlfriend. Alangang sagot ko.

Ay sayang naman, bagay na bagay pa naman kayo. Sambit nya, hindi na ako nagsalita hanggang sa matapos na sya sa ginagawa nya, pinainom na din nya ako ng gamot at nagpaalam na para umalis. Pagkasarado ng nurse ng pinto ay bumaling ako kay Jennie na nakaharap na sakin ngayon.

Napansin kong nilalamig sya kaya inayos ko ang kumot ko. Bahagya akong umusog sa tabi nya upang magkasya kami sa kumot. Dahil sa subrang lapit nya sakin ay nararamdaman ko ang init ng hininga na tumatama sa leeg ko.

May kakaiba akong naramdaman sa tyan ko kasabay noon ay mas lalong pagbilis ng tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko.

Bakit ba ako kinakabahan? Tanong ko sa isip ko. Naramdaman kong gumalaw si Jennie papalapit sakin at pinatong nya ang kamay nya  sa tyan ko. Mabuti nalang at hindi tinamaan ang sugat ko. Nakayakap na sya sakin ngayon at mas lalo kong naramdaman ang hininga nya dahil isiniksik nya ang mukha nya sa leeg ko.

Shit! Hindi ako mamamatay sa saksak, mamamatay ako dahil dito sa nararamdaman kong kaba.

First love, Last loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon