Chapter 5

565 12 0
                                    

Irene POV

Nang makita ko si Lisa nag aalala ako para kay Jennie at syempre pati narin kay Lisa, alam ko ang nakaraan nilang dalawa. Syempre dahil best friend ako ni Jennie at kaibigan naman ni Lisa si Suelgi na Girlfriend ko. Ang alam ko kunti lang kaming nakakaalam na mag ex sila. Dahil takot si Jennie na ipaalam yun sa iba, baka malaman ng magulang nya at hindi nila matanggap ang relasyon nila ni Lisa. 5 years silang hindi nagkita. Naghiwalay sila ng hindi manlang nagkausap ng maayos. Sana lang maging ok na ang lahat sa pagitan nilang dalawa.

Maaga kaming lumabas, wala naman kasing klase ngayon. Aayain sana namin sina Lisa na gumala muna bago umuwi kaya lang naunahan kami ni Rosé. Nagpapasama sya kay Lisa na magmall. Kaya nung magpaalam si Jennie na uuna na samin ay sinundan namin sya ni Suelgi. Aayain pa sana kami ni Lisa na sumama sa kanila. Pero tumanggi na ako, alam ko na mas kailangan ako ng Best friend ko. Nakita ko kung paano nya tingnan si Lisa. Alam ko na nagugulohan sya ngayon.

Jennie! Sigaw ko sa kanya. Medyo malayo layo na din kasi sya. Lumingon naman sya at hinintay kaming makalapit.

Jennie baka gusto mong magmall or sa bahay nalang. Tanong ko sa kanya. Gusto ko din kasi syang makausap.

Ahmm. Bar nalang tayo para maiba naman. Mga 5pm uuwi muna ako tapos kita nalang tayo doon. Sagot nya.

Ok. Hintayin ka namin dun ha.. sagot ko tapos umalis na kami ni Suelgi.

Jennie POV

Hindi ko akalain na magiging magkaklase kami ni Lisa. Tapos ito palang babaeng nakilala namin kanina ay kakilala din nya. Ang sweet sweet pa nila. Nagyakapan na nga tapos may pahawak pa ng kamay. Ang sakit sa mata. Pangiti ngiti pa sakin tong Manoban na to. Akala ko ba may girlfriend sya e bakit nakikipaglandian pa sya sa iba. Napaisip naman ako bigla. Bakit ba naiinis ako, ano bang pakialam ko kung makipag landian sya sa iba. Hindi naman ako yung girlfriend nya. Hindi naman siguro ako nagseselos kasi meron naman akong Kai. Ano ba kasi tong nararamdaman ko? Nagugulohan na ako. Kausapin ko kaya si Lisa.

Mabilis lumipas ang oras at maaga din kaming pinauwi. Excited na akong makausap si Lisa. Lalapitan ko na sana sya ng lumapit sa kanya si Rosé, nakatingin lang ako sa kanila.

Lisa may gagawin ka ba ngayon? Pwede mo ba akong samahang magmall? Tapos dun na din tayo kumain ng lunch. Libre ko! Bilang pasasalamat nalang din dun sa pagtulong mo sakin. Sabi nya kay Lisa. Anong tulong naman kaya ang ginawa sa kanya ni Lisa at saka bakit parang komportableng komportable na sila sa isa't isa.

Nagulat ako ng bumaling sakin si Lisa kaya umiwas na ako ng tingin. Nagpaalam na agad ako kina Irene na uuna na ako. Nagmamadali akong lumabas ng room. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nya.

Medyo nakakalayo na ako sa room ng tawagin ako ni Irene. Kaya naman lumingon ako at hinintay ko silang makalapit. Baka kasi may nakalimutang sabihin.

Jennie baka gusto mong magmall or sa bahay nalang. Tanong nya sakin. Napaisip naman ako.. wala naman sigurong problema kung magbar nalang kami.

Ahmmm.. Bar nalang tayo para maiba naman. Mga 5pm uuwi muna ako tapos kita nalang tayo doon. Sagot ko

Ok. Hintayin ka namin dun ha.. pagkasabi nya nun ay umalis na sila ni Suelgi.

Habang naglalakad ako sa hallway ay tinawagan ko si Kai. Pero hindi nya sinasagot kaya naman itenext ko nalang sya.

To: Babe
Babe maaga kami pinauwi. Nasan ka?

Habang hinahanap ko ang kotse ni Kai ay nahagip ng mata ko ang dalawang babaeng naglalakad papunta sa parking area. Nakatanaw lang ako sa kanila. Pinagbuksan ni Lisa ng pinto si Rosé at ngumiti sya bago ito isara. Siguro kung naging matapang lang ako para saming dalawa, sana ako ang kasama nya ngayon. Nasabi ko nalang sa isip ko. Naputol ang pag iisip ko ng tumunog ang phone ko. Nagreply na si Kai.

From: Babe
Sorry babe may ginagawa ako kaya hindi ko nasagot tawag mo. Hindi ko alam kung anong oras kami matatapos dito. Kung hindi mo na ako mahihintay, magtaxi ka nalang muna. Sorry talaga. Ingat ka ha.

Pagkabasa ko noon ay padabog akong naglakad palabas ng gate mag aabang nalang ako dito kesa maghintay sa kanya. Kung sinabi nya agad sana nakasabay na ako kina Irene.. inis kong sambit.

Fast Forward~~~~~~

4:30 na at kakatapos ko lang mag ayos. 5pm ang usapan namin ni Irene kaya dapat medyo maaga akong umalis baka matraffic pa ako.

Saktong 5pm ng makarating ako sa Bar. Pagbaba ko ng kotse ay napansin ko ang pamilyar na kotse sa di kalayuan kung saan ako nagpark.

Kay Kai ba yun? Tanong ko sa sarili ko. Baka naman katulad lang.. kaya di ko na ito pinansin at naglakad na ako papasok sa Bar. Nakita ko naman agad si Irene kaya naglakad na ako papunta sa kinaruruonan nila. Pero bago pa ako makalapit ay natigilan ako. Nakita ko si Kai na may kahalikang babae sa medyo madilim na sulok ng Bar. Kaya agad akong lumapit sa malandi kong boyfriend.

Ito pala yung importante mong ginagawa. Sabi ko, napatigil naman sya at tumingin sakin. Nanlaki ang mata nya ng mapagtanto nyang ako ang nagsalita, mabilis syang lumayo sa babaeng kahalikan nya.

Babe magpapaliwag ako. Sabay lapit nya sakin. Akmang hahawakan nya ako ng bigla ko syang sinampal. Dahilan para matigilan sya.

Wag mo kong hawakan. Sabi ko. At lumabas na ako ng Bar. Hinabol naman nya ako.

Babe please hayaan mo kong magpaliwanag. Sabi nya. Kaya humarap ako sa kanya.

Tama na yung nakita ko. Akala mo ba hindi ko alam? Ilang beses ko ng nakikitang may lipstick ka sa Polo mo satwing nagkikita tayo minsan nga may hickey ka pa. Napakatanga mo naman Kai, gagawa ka na nga lang ng kalokohan hindi pa malinis. Sarcastic kong sambit.

Ngayon! Anong klaseng paliwanag ang sasabihin mo sakin? Dagdag ko pa.

Alam mo kung bakit ako naghanap ng iba. Kasi napakaboring ng relasyon natin. Ang tagal na natin pero hanggang yakap at halik lang ang nakukuha ko sayo. May pangangailangan din ako Jennie. Sabi nya.

Ah.. yun ba? Sex lang ba ang mahalaga sayo? Hindi ka na ba talaga makapaghintay? Kaya naman pala. Alam mo buti nalang talaga hindi ko ibinigay sayo ang sarili ko. Hindi ko makapaniwalang sambit.

Hindi yun ganun Jennie.. sagot nya.

Tama na Kai, ayaw ko na. Sawang sawa na akong intindihin ka. Pagod na akong maghintay sayo palagi. Pagod na akong pakinggan lahat ng sorry mo. Pinahid ko ang luha sa aking pisnge at tumingin muli sa kanya..

Kai pakawalan mo na ako. Hayaan mo ng sarili ko naman ang intindihin ko. Pagmamakaawa ko sa kanya. Tumalikod na ako at pumasok sa kotse narinig ko pang tinawag nya ako pero di na ako nagdalawang isip na lingunin pa sya. Nagmaneho na ako papuntang condo. Pagkarating ko doon ay dumaretso ako sa kama. Niyakap ko ang aking mga tuhod at umiyak lang ako ng umiyak..

Sinayang ko ang panahon ko sa taong manloloko. Binigyan ko ng pagkakataong makapasok sa buhay ko ang taong akala ko magagawang magbago, pero hindi pala. Sambit ko sa sarili ko.

Mga ilang oras pa ay natapos na akong umiyak. Naubos na ata ang luha ko kaya kusa na itong tumigil. Kinuha ko ang phone ko, nakita ko namang may misscall at meron ding message. Binuksan ko muna ang mga message.

From: Irene
Jennie, nasan ka? Bat bigla ka nalang nawala. Nagpakita ka lang talaga pero di ka naman lumapit samin. May problema ba? Text mo ako kapag nabasa mo to.

To: Irene
Ok lang ako, medyo sumama lang pakiramdam ko kaya umuwi nalang ako.

Naalala ko naman yung number ni Lisa. Tinawagan ko ito, mga ilang ring lang at sinagot na nya.

Hello. Sino to? Hello. Hindi ako sumagot, pinatay ko na agad dahil nagsisimula na naman akong umiyak.

Lisa. Sana nandito ka nalang sa tabi ko. Sana may lakas na ako ng loob para itama ang lahat. Nagkamali ako, sana pala pinaglaban din kita. Sambit ko habang patuloy lang na umiiyak.

Bakit parang doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon?

First love, Last loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon