Chapter 21

422 8 0
                                    

Rosé POV

Isang linggo na akong nagkukulong sa kwarto ko. At sa isang linggong yun araw araw akong pinupuntahan ni Lisa ngunit hindi ko sya hinaharap. Hindi ko alam kung bakit parang kahit sya ay ayaw kong makita. Gusto ko lang mapag isa. Nagugulohan na ako sa mga na aalala ko. Pero hindi naman tamang gawin ko ito kay Lisa. Karapatan naman nyang malaman kung ano talagang nangyayari.

Kailangan ko syang makausap. Sambit ko, kaya kinuha ko ang phone ko. Nasa table ito malapit sa kama ko ng matabig ko ang librong nakapatung dito at nalaglag ito. Kinapa ko ito sa sahig para kunin ngunit hindi ko ito makapa kaya bumaba ako ng kama at sinilip ang ilalim ng kama ko.

Kaya naman pala. Sambit ko ng makita kong nasa ilalim ito. Kukunin ko na sana ito ng mapansin ko ang isang box. Sa halip na kunin ang libro, ang kinuha ko ay yung box na nakita ko.

Chaeyoung. Basa ko sa nakasulat dito. Sakin pala to? Bakit ngayon ko lang to nakita. Tanong ko sa sarili ko .

Sinimulan ko ng buksan, una kong nakita ang isang picture frame na nakataob. Kinuha ko ito para tingnan yun. Nagulat ako ng makita ko ang dalawang batang madalas nakikita ko sa panaghinip ko. Napahawak ako sa ulo ng maramdaman kong sumasakit na naman ito. Muli, may nakita na naman akong pangyayari at sigurado akong parte yun ng nakaraan ko.

Flashback

Huy bata wag kang umakyat dyan baka ka mahulog. Tawag ko sa isang batang babae na nakaakyat sa puno.

Kapag ba nahulog ako sasaluhin mo ako? Tanong nya sakin.

Tingin mo kaya kita? Ang taba mo kaya. Baka mabali ang mga buto ko sayo. Pang aasar ko.

Ah ganun. Humanda ka sakin pagbaba ko. Sambit nya at dali daling bumaba

Tumakbo naman ako ng makita ko syang pababa na. Ngunit mabilis nya akong nahabol. Nang maabutan nya ako ay agad nya akong kiniliti.. puro tawa lang ang maririnig sa paligid. Natigil ang pag aasaran namin ng may sumigaw na batang lalaki.

Jisoo! Tawag nya habang naglalakad palapit sa amin.

Sino yang kasama mo? Tanong pa nya. Ngumiti naman si Jisoo sa kanya at inakbayan nya ito.

Hindi ko nga din kilala e. Ngayon ko lang sya nakita. Sambit ni Jisoo at bumaling sa akin.

Ano nga bang pangalan mo? Tanong nya sakin.

Park Chaeyoung! sagot ko. Ngumiti naman sya ng pagkalaki laki.

Ako si Jisoo at ito naman si Jimin. Pakilala nya sa batang lalaki. Ngayon kilala na natin ang isa't isa. Kaya magkakaibigan na tayo. Dagdag pa nya.

Simula ng araw na yun palagi na kaming pumupunta doon para maglaro. Habang tumatagal mas napapalapit ang loob namin ni Jisoo sa isa't isa. Hindi namin alam kung anong tawag sa nararamdaman namin. Basta ang alam ko sa bawat araw na nakakasama ko sya, pakiramdam ko ayaw ko ng mawala sya sa tabi ko.

Mabilis lumipas ang mga araw. Hanggang sa kailangan ko ng magpaalam sa kanya. Tapos na ang bakasyon at kailangan na naming bumalik sa Korea.

Bago kami umalis ay nakipagkita muna ako kay Jisoo para magpaalam sa kanya. Subrang lungkot ng nararamdaman ko nun. Ayaw kong umalis pero hindi pwede.

Babalik ka ha. Hihintayin kita dito. Sambit ni Jisoo. Sabay may kinuha sya sa bulsa nya.

Kunin mo to. Sambit nya at inabot sakin ang isang Bracelet na may letter J. Kinuha ko naman ito.

Ingatan mo yan, subrang halaga nyan sakin pero dahil mahalaga ka din sakin ibibigay ko na sayo yan. At kapag nagkita tayo ulit, tapos malaki na ako papakasalan na kita. Pagpapatuloy nya.

First love, Last loveOnde histórias criam vida. Descubra agora