Chapter 19

406 7 0
                                    

Rosé POV

Jisoo!! Sambit ko sa babaeng nakatayo sa puntod ng dati kong kasintahan. Nakatalikod lang sya, dali dali akong lumapit sa kanya. Nagulat ako ng makitang pugto ang mata nya dahil sa kakaiyak.

Ikaw?! Tanong ko sa kanya. Tumingin sya sakin at nagtama ang mga mata namin. Kita ko sa mga mata nya ang lungkot at pangungulila. Naramdaman kong kumirot ang puso ko dahil sa nakikita kong kalagayan nya. May parang kung ano ang humila sakin at bigla ko syang niyakap. Gumanti naman sya ng mas mahigpit na yakap at isinubsub nya sa balikat ko ang mukha nya. Naramdaman ko nalang na nababasa na ito at nagsisimula na ding magtaas baba ang balikat nya. Hinaplos ko naman ang likod nya para pagaanin ang nararamdaman nya.

Namiss kita. Bakit ngayon ka lang Chaeyoung? Sambit nya na kinagulat ko.

Ha? Takang tanong ko. Nagulat ako ng sabihin nya ang Korean name ko. Hindi pa naman kami gaanong magkakilala. Maya maya pa'y naramdaman ko namang  Kumalas na sya sa pagkakayakap, ngumiti sya ngunit nakikita ko parin sa mga mata nya ang lungkot.

Sorry. Maikling sambit nya habang pinapahid ang luhang nasa kayang pisnge. Tumingin sya sa puntod at nagsalita.

Andito na sya. Aalis na ako para makapag usap kayo. Sambit nya at akmang hahakbang na ng pigilan ko sya.

Sandali! Paanong--- hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng putulin nya ito.

Hindi na mahalaga yun, mag iingat ka. At lumakad na sya papalayo. Tinawag ko pa sya pero hindi na sya lumingon. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa sumakay na sya sa kotse nya at mawala sa aking paningin. Nagugulohan ako.

Anong nangyayari? Bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko ng makita ko syang umiiyak. Sino ka ba talaga Jisoo Kim. Sabi ko sa isip ko.

Nakaramdam ako ng pagkahilo dahilan para mapahawak ako sa ulo ko. May pumasok sa isip ko na pangyayari na di ko matandaan na nangyari. Napaupo ako sa sakit ng ulo.

Anong pangalan mo? ~~
Balik ka ha.~~~
Kapag nagkita tayo ulit, tapos malaki na ako papakasalan na kita.~~~

Maya maya pa'y may narinig akong malakas na tunog. Unti unting nandidilim ang paningin ko, hanggang sa ang huli ko nalang naramdaman ay may sumalo sakin at nawalan na ako ng malay.

Nagising ako sa puting kwarto. Bumaling ang tingin ko sa tabi ng kama ko. Nakita ko si Lisa na nakaupo dun, hawak nya ang kamay ko at nakangiti sya sakin.

Hi. Kumusta na pakiramdam mo? Sambit nya habang hinahaplos ang ulo ko.

Anong nangyari? Tanong ko sa kanya, hinalikan muna nya ang kamay ko at nagsalita.

Sumunod kasi ako sayo nung dumating ako sa bahay na wala ka. Sabi ni mommy may dadalawin ka daw sa himlayan. Kaya sumunod ako sayo. Nadatnan kong hawak mo ang ulo mo kaya agad akong tumakbo papalapit sayo. Hanggang sa nawalan ka ng malay. Kaya dinala kita dito. Pagkekwento ni Lisa.

Lisa. Tawag ko sa pangalan nya. Nakatingin lang sya sakin habang hinihintay ang susunod kong sasabihin.

Paglabas ko dito sa bahay mo na muna ako ihatid. Sambit ko, bigla namang syang nalungkot sa sinabi ko.

May problema ba tayo baby? Malungkot nyang tanong. Ngumiti naman ako at hinawakan sya sa mukha.

Walang problema, gusto ko lang makasama sina mommy bago tayo ikasal. Sambit ko, unti unti naman syang ngumiti.

Sige. Ayusin ko lang bill natin dito tapos hatid na kita sa inyo. I love you. Pagkasabi nya nun ay tumayo na sya at mabilis akong hinalikan sa labi.

Wait lang ha. Balikan kita mamaya. Sabi ni Lisa, aalis na sana sya ng tawagin ko sya.

Lisa!! Tawag ko sa pangalan nya. Napatigil naman sya

Bakit baby? Tanong nya.

I love you too. Sambit ko, napangiti naman sya at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Nang makalabas na si Lisa ay na aalala ko ang nangyari kanina.

Ano ba talagang nangyari sakin na hindi ko alam? Bakit ng makita ko si Jisoo bigla nalang akong may naalala na di ko naman talaga matandaang nangyari sakin sa nakaraan. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga tong nangyayari sakin. Hindi ako matatahimik hanggat hindi nagiging malinaw sakin ang lahat.

Lisa POV

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko pagkalabas ko ng room ni Rosé. Na aalala ko parin yung nakita ko kanina.

Flashback

Galing ako sa company para ireview ang proposal ng Kim's Corporation. Katulad ng utos ni dad. Unang project kong hahawakan yun at kapag naging maayos ay ibibigay na sakin ni dad ang pangangalaga ng kompanya. Kaya sinisigurado kong maayos ang lahat. Maaga akong natapos sa office kaya naisip kong bumalik agad ng bahay para ayaing kumain sa labas si Rosé. Pagdating ko, hindi ko naabutan si Rosé sabi ni mommy may dadalawin lang na kaibigan sa himlayan kaya dali dali akong sumunod sa kanya. Nagpahatid nalang ako sa driver namin dahil may dala namang sasakyan si Rosé. Mabilis kaming nakarating doon. Malayo palang ako ay nakita ko na ang dalawang taong magkayakap. Kaya agad akong nagtago sa puno para hindi nila ako mapansin.

Maya maya pa'y naghiwalay na sila sa pagkakayakap. Pinagmasdan ko lang sila mula sa punong pinagkukublihan ko, nagulat ako ng humarap na sya sa direksyon ko at naglakad na papalayo kay Rosé.

Jisoo. Pabulong kong sambit. Anong ginagawa nya dito? Bakit parang umiiyak sya? Tanong ko sa isip ko. Hinintay ko lang syang makaalis bago ako bumaling kay sa fiancé ko. Nagulat ako ng makita ko syang hawak ang ulo nya. Hindi na ako nagdalawang isip at tumakbo na ako palapit sa kanya. Nakaupo na sya at patuloy parin sa pag inda ng sakit ng ulo. Agad ko syang sinalo ng makita kong matutumba na sya sa pagkakaupo.

Dinala ko agad sya sa hospital at dun ko natuklasan na epekto pala yun ng pagkakaaksidente nya.

Na alala ko yung batang palagi nyang napapanaghinipan di kaya konektado yun sa nakaraan nya? Tanong ko sa isip ko. Napagdesisyonan kong wag munang sabihin kay Rosé ang nalalaman ko.

End of flashback

Kailangan ko munang malaman kung ano talaga nangyari sa kanya. Sino ang batang yun sa panaghinip nya? Si Jisoo bakit nandun sya kanina at bakit sya umiiyak?

Inihatid ko si Rosé sa bahay nila dahil yun ang kagustohan nya. Ibinilin ko nalang sa mommy nya na kapag kailangan ako ay agad nila akong tawagan. Hindi na ako nagpaalam kay Rosé na aalis na ako dahil agad na syang nagkulong sa kwarto nya. Hindi na ako nag isip na puntahan pa sya dahil baka gusto na nyang magpahinga.

Lumabas na ako ng bahay nila at nagtungo sa kotse ko. Bago ako sumakay ay nilingon ko muna ang bintana ng kwarto ni Rosé.

Sana hayaan mo kong tulongan ka. Sana hayaan mong samahan kitang alamin ang nakaraan mo. Sambit ko at sumakay na ako sa kotse. Bago ko binuhay ang makina ng kotse ko ay kinuha ko ang phone ko. Hinanap ko ang pangalan ni Bambam at agad na tinawagan. Ilang ring palang ay sinagot na nya.

Hello Lisa. Bungad nya.

Bambam paki imbestigahan ang pagkatao ni Ms. Jisoo Kim at pati na rin si Rosé. Walang may dapat makaalam nito. Sambit ko. Hindi ko na hinintay ang sagot nya, pinatay ko na ang phone ko. Tumingin muli ako sa bintana ng kwarto ni Rosé.

Jisoo Kim, sino ka ba talaga sa buhay nya.

First love, Last loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon