Chapter 41

477 9 1
                                    

Jennie POV

Naalimpungatan ako ng marinig kong tumutunog ang phone ko. Kinapa ko ito at nakapikit kong sinagot yun. Pagkalagay ko palang sa tenga ko ay nailayo ko agad yun dahil sa lakas ng boses ng nasa kabilang linya.

Jenduek wala ng problema sa relasyon namin ni Chaeng. Matutuloy ang kasal!! Halatang halata sa boses nya ang saya. Napangiti naman ako, iminulat ko ang mata ko at saka nagsalita.

Mabuti naman. Anong naging reaksyon nina tito? Tanong ko sa kanya

Okay lang sa kanila kaya magcelebrate tayo! Magbeach tayo, ako ng bahala sa lahat. Sambit nya.

Aba! Nasan na kaya ang kuripot kung pinsan? Pang aasar ko sa kanya. Napatawa naman sya sa sinabi ko.

Minsan lang to Jenduek kaya sumama ka ha. Sige na baba ko na to, matutulog na kami ni Chaeng. Basta maghanda ka lang, sabihan kita. Bye . Pagkasabi nya nun ay hindi na nya hinintay ang pagsagot ko agad na nya yung pinatay. Napatingin ako sa screen ng phone ko, nakita kong maraming message at meron ding miss call.

10:00pm na pala, nakatulog pala ako. Sambit ko, napangiti ako ng makita ko ang pangalan ng nagmessage sakin.

8:00 pm
From: Lisapoo
Hi Nini ko nandito na ako, kakarating ko lang sa bahay. Ligo lang ako ha, tapos usap tayo 😘

8:30
Nini may ginagawa ka ba? Tumatawag po ako😔

8:32
Miss na kita, miss ko na boses mo 😔

8:35
Hintayin ko reply mo hindi ako matutulog.

8:37
Nini ko😣

8:50
Nakatulog ka na siguro nu?

9:30
Hindi ako makatulog, puntahan kita dyan sa condo mo. Kain tayong ice cream.😁

Pagkatapos kong basahin ang mga message ni Lisa, tatawagan ko na sana sya ng lumabas ang pangalan nya sa phone ko, agad ko yung sinagot.

Hello. Nakangiti kong sambit.

Nini nandito ako sa labas ng condo mo. Masiglang sambit nya, napabangon naman ako at tarantang tiningnan ang sarili sa salamin.

Bakit ba ang bilis naman ata nyang makarating. Sambit ko habang sinisipat sipat ang mukha ko sa salamin.

Nini nandyan ka ba sa loob? Sambit ni Lisa, mula sa phone. Hindi na ako sumagot at agad na akong tumakbo sa pinto upang pagbuksan sya. Nakangiti kong binuksan ang pinto at nakangiting Lisa ang bumungad sakin na tila mapupunit na ang labi sa subrang laki ng kanyang ngiti.

Hi Jennie. Nakangiting sambit nya, kumindat muna sya sabay taas ng dala nyang ice cream.

Cute. Sabi ko sa sarili ko, pagkatapos nakaramdam ako ng kakaiba sa tyan ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maitatanggi na kinikilig talaga ako.

Pasok ka. Pag aanyaya ko kay Lisa, agad naman syang pumasok, inilapag nya ang dala nyang ice cream at umupo sa sofa. Pagsara ko ng pinto ay naglakad na ako papunta sa kanya.

Halika dito kainin na natin to. Binili ko yung favorite mo. Nakangiti nyang sambit, inabot nya ang kamay ko at walang imik imik na hinila nya ako papalapit sa kanya. Kumuha sya ng ice cream at inabot sakin.

Eto oh. Sambit nya, ngumiti naman ako at inabot ko ang hawak nya.

Tahimik lang akong kumakain ng mapansin kong nakangiting nakatitig sakin si Lisa.

Anong titig yan? Siguro kung ako tong ice cream baka natunaw na ko. Biro ko sa kanya, mahina naman syang tumawa sa sinabi ko at saka nagsalita.

Ang cute mo kasing kumain para kang bata. Ang kalat kalat. Sambit nya at tinanggal nya ang ice cream na nasa tabi ng labi ko gamit ang kanyang hinlalaki at nanlaki ang mga mata ko ng isubo nya yun.

First love, Last loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon