Chapter 16

461 9 0
                                    

Jisoo POV

Jenduek! Tawag ko kay Jennie ng matanaw ko syang nakatayo sa pinto ng condo namin.
Sino ba ang mga yun? Tanong ko sa isip ko. Dali dali akong lumapit sa kanila.

Anong meron? Tanong ko, nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko kung sino ito.

Lisa. Walang malay kong sambit sa pangalan nya. Tumingin naman ito sakin at ngumiti.

Ahmm hello, nahihiyang bati nya sabay lahad ng kamay. Nakipagkamay naman ako sa kanya.

Jisoo Kim, pinsan ni Jennie. Pagpapakilala ko. Ibinaling ko ang tingin ko sa babaeng katabi nya. Habang pinagmamasdan ko sya ay may kakaiba akong naramdaman. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang ganda ng mga mata nya, matangos ang ilong, mapupulang labi na parang ang sarap halikan at bumagay sa kanya ang kulay blonde nyang buhok. Bumalik ako sa wisyo ng muling magsalita si Lisa.

Ah, Jisoo si Rosé fiancé ko. Pagpapakilala ni Lisa sa babaeng katabi nya. Napansin yata nya na nakatingin ako dito. Inilahad naman nya ang kamay nya at inabot ko yun. Ang lambot, ayaw ko pa sanang bitawan ngunit mabilis nya itong binawi.

Bakit parang nakakaramdam ako ng lungkot ng malaman kong ikakasal na sya. Hindi ko alam kung dahil lang ito sa awa ko kay Jennie o may iba pang dahilan.

Jen sino yan? Tawag ng babaeng nasa loob. Sabay silip sa pinto. Bahagya syang natigilan, halata sa mukha nya ang pagkagulat.

Lisa anong ginagawa nyo dito? Tapos tumingin sya kay Suelgi na nakayuko.

Suelgi sumunod ka sakin!. Maawtoridad nyang sambit agad namang sumunod ito sa kanya.

Pasok kayo. Pag anyaya ni Jennie, sabay bukas ng malaki sa pinto.

Ano ba yang mga dala nyo tulungan ko na kayo. Agad kong kinuha ang dala ni Rosé, naglakad na ako papasok kaya sumunod naman sila sakin. Huling pumasok si Jennie, at sinarado ang pinto.

Guys. Puntahan ko lang sina Irene. Pagpapaalam nya. Tumango naman si Rosé at si Lisa.

Upo muna kayo dyan. Magbibihis lang ako. Pagpapaalam ko, hindi ko na hinintay ang sagot nila at agad na akong sumunod kay Jennie.

Mukhang kailangan kong magdala ng tissue. Sambit ko, kaya bago ako pumasok sa kwarto ni Jennie ay kumuha muna ako.

Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Jennie ngunit wala akong narinig na sagot. Pinihit ko ang doorknob pero hindi ito nakalock. Dahan dahan kong binuksan ang pinto.

Jennie! Papasok na ako ha. Sabi ko, pagbukas ko ng pinto ay subrang dilim, wala akong makita kaya pinindot ko ng switch ng ilaw na nasa may pinto. Tumambad sa akin ang isang babaeng nakaupo sa sahig. Nakayakap sya sa tuhod nya, nakayuko lang sya at nakasandal sa bed. Nilock ko muna ang pinto bago lumakad papalapit sa kanya. Umupo ako sa tabi nya.

Oh! Sambit ko at inabot ko sa kanya ang tissue na dala ko. Tumunghay naman sya at tumingin sa hawak kong tissue kinuha nya ito at pinunasan ang kanyang luha.

Ok lang yan. Matatanggap mo din na hindi talaga sya ang para sayo. Oo sa una talaga masakit, pero habang dumadaan ang panahon unti unti ding mawawala ang sakit dyan. Tinuro ko ang tapat ng puso nya at nagpatuloy ako sa pag sasalita.

Buti ka pa nga, alam mo ng hindi na sya babalik sayo. Tapos ka ng maghintay sa kanya. Samantalang ako hanggang ngayon umaasa parin ako sa isang tao na wala namang kasiguradohan kung makikita ko pa. Tumigil ako sa pagsasalita at hinaplos ko ang likod nya upang maibsan ang bigat na kayang nararamdaman.

Jennie kaya mo yan. Darating din ang taong nakatadhana para sayo. Sa ngayon, hayaan mo munang maghilom ang sugat dyan sa puso mo para kung sakaling dumating na talaga yung para sayo. Handa ka na ulit magmahal. Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang yan ay tumayo na ako at inabot ko ang kamay ko sa kanya.

First love, Last loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon