Chapter 31

421 9 0
                                    

Rosé POV

Umalis ako sa harap ng mga magulang namin ni Lisa dahil wala na akong mukhang ihaharap sa kanila. Pakiramdam ko naging makasarili ako dahil mas pinili ko yung sarili kong kaligayahan kahit na alam kong may mga tao akong masasaktan.

Umiiyak akong naglalakad papalapit sa kotse ko. Bubuksan ko na sana ng may tumawag sakin.

Roseanne! Sambit ng taong tumawag sakin, natigilan ako at humarap sa kanya.

Mommy. Nangingilig ang boses na sambit ko. Lumapit sya sakin at niyakap ako.

Okay lang anak. Nagpakatotoo ka lang. Sambit ng aking ina habang hinaplos ang likod ko upang tumahan sa pag iyak. Ilang minuto din akong umiiyak sa balikat ni mommy.

Umuwi na tayo! Mag uusap tayo pagdating sa bahay. May halong galit na sambit ng aking ama na ngayo'y naglalakad papalapit samin. Pinahid ko ang luha ko at kumalas sa pagkakayakap kay mommy. Sumakay na kami sa kotse at umuwi.

Pagkapasok namin sa bahay mas nakaramdam ako ng kaba. Umupo si dad sa sofa habang ako'y nakatayo lang sa harap nya. Seryoso syang nakatingin sakin.

Roseanne anong nangyayari? Sino tong Jisoo na sinasabi mong mahal mo? At ngayon ka pa talaga nagkaganyan kung kailan ikakasal ka na kay Lisa?! Mahinahon ngunit may halong galit ang boses ni dad. Hindi ako sumagot, nanatili lang akong nakatungo.

Alam mo ba yang ginagawa mo?! Si Lisa, lahat nya ginagawa para sayo tapos ito lang igaganti mo? Hinayaan kitang makipagrelasyon kay Lisa dahil nakita ko kung paano ka nya inalagaan nung nasa Thailand kayo. Mahal na mahal ka nya Roseanne!! Dagdag pa nya. Tumunghay ako, tiningnan ko si dad sa kanyang mga mata at nagsalita.

Alam ko po, pero mas mahal ko po si Jisoo. Sana po matanggap nyo na sya ang gusto kong pakasalan.  Sambit ko habang umiiyak. Napatayo naman sya at nagsalita.

Naririnig mo ba yang sinasabi mo?! Roseanne hindi kita pinalaki para maging makasarili?! Paano si Lisa?! Hindi mo manlang inisip ang mararamdaman nya. Napakabuti ng pamilya nya sayo tapos ito lang igaganti mo!! Mahiya ka naman!! Pasigaw na sambit ni dad, lumapit sa kanya si mommy at pinakalma ito.

Ayusin mo yang gulong ginawa mo?! Nakakahiya ka!! Sambit ni dad, at umalis sya pagkatapos nyang sabihin yun. Lalo akong naiyak pagkaalis nya, lumapit sakin si mommy at niyakap ako.

Mom sorry. Alam kong mali tong ginagawa ko pero gusto ko lang maging masaya.  Paghinge ko ng paumanhin. Alam kong nasasaktan din sya sa nangyari samin ni Lisa. Itinuring na din nyang parang tunay na anak si Lisa kaya alam kong nasasaktan sya para rito.

Magiging okay din ang lahat anak. Mabait na bata si Lisa, alam ko naiintindihan ka nya. Kaya wag ka ng mag isip ng kung ano. Sya, umakyat ka na sa kwarto mo at magpahinga ka na. Sambit ni mommy. Niyakap ko muna sya bago ako umakyat sa kwarto ko at humiga.

Alam kong ganito magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang hindi na ako magpapakasal kay Lisa. Malaki ang tiwala ng mga magulang ko kay Lisa at gustong gusto nila ito para sakin pero wala akong magagawa, si Jisoo ang mahal ko. Kung hindi ko lang sana unang nakilala si Jisoo, si Lisa ang pakakasalan ko. Oo mahal ko si Lisa, pero mas mahal ko si Jisoo.

Jisoo POV

Nanunuod ako ng TV ng maalala ko si Chaeng. Tiningnan ko ang phone ko kung nagmessage sya ngunit wala akong nakita. Napakasimangut ako.

Ano kayang nangyari kay Chaeng hindi parin sya tumatawag at nagtetext. Sabi nya babalitaan nya ako sa nangyari sa pakikipag usap nya sa mga magulang nila ni Lisa. Tapos si Jennie gabing gabi na wala parin. Nasan kaya yung babaeng yun? Sambit ko habang tinitingnan ang oras sa phone ko.

Maya maya pa'y narinig kong bumukas ang pinto. Nakangiting Jennie ang iniluwa nito. Tumingin ako sa relo upang tingnan ang oras.

11:00pm na! Nag overtime na naman ba itong si Jennie? Pero bakit subrang saya naman ata nya? Tanong ko sa isip ko.

Bakit ngayon ka lang Jennie? Nag overtime ka ba? Bakit ganyan ang ngiti mo? Anong nangyari? Magkakasunod kong tanong.

Wala. Maikling sagot nya, pagkatapos nilampasan nya ako at pumasok na sya sa kwarto nya. Naiwan akong nakamaang na nakatingin sa pinto ng kwarto nya. Napakamot nalang ako sa ulo ko.

Ano kayang nakain nun at mukhang napakasaya nya ngayon? Tanong ko sa sarili ko.

Matutulog na nga lang ako kesa mag isip ng kung ano ano. Sambit ko, pinatay ko na ang TV at pumasok na ako sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at kinuha ko ang phone ko.

Tawagan ko na nga lang si Chaeng. Sambit ko at hinanap ko na ang number nya upang tawagan. Nakailang ring lang at sinagot nya ito.

Hello. Bungad nya sakin. Halata sa boses nya na galing sya sa pagtulog.

Naistorbo ba kita sa pagtulog babe? Tanong ko sa kanya.

Hindi, okay lang. Sorry nakatulog ako, Hindi tuloy kita natawagan. Sambit nya.

Okay lang, kumusta nga pala pag uusap usap nyo. Tanong ko, bumuntong hininga muna sya bago nagsalita.

Hindi naging maganda ang naging resulta ng pakikipag usap namin ni Lisa sa mga magulang namin. Si dad, galit na galit sya sakin. Naiintindihan ko naman sya dahil parang anak na din nya si Lisa. Bakas sa boses nya ang lungkot.

Sorry ha, dahil sakin kaya nagalit pa sayo ang daddy mo. Pero wag tayong susuko ha.. Darating din ang araw at matatanggap din nila ang naging desisyon nyo ni Lisa. Pagpapagaan ng loob ko sa kanya.

Ilang oras pa kaming nag usap ni Rosé hanggang sa hindi namin namalayan na nakatulog na pala kami habang magkausap.

First love, Last loveWhere stories live. Discover now