Chapter 44

493 9 1
                                    

Jennie POV

Love tingin mo ba matatanggap tayo ng mga magulang ko? Tanong ko kay Lisa habang nasa byahe kami papunta sa bahay. Hinawakan nya ang kamay ko, sandali syang sumulyap sakin at ngumiti pagkatapos muling binalik ang kanyang mata sa kalsada.

Matanggap man nila tayo o hindi wala parin namang magbabago diba? Magkasama parin tayong lalaban at ipapakita sa lahat na walang pinipiling kasarian ang pag ibig. Mahinahong sambit nya, bahagya nyang pinisil ang kamay ko at muling bumaling sakin at ngumiti. Napangiti din ako sa kanya matapos nyang sabihin yun. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Thank you lord dahil binigay mo sakin ang taong to. Sabi ko sa isip ko habang pinagmamasdan si Lisa na seryosong nakatingin sa daan.

Tahimik lang naming binaybay ang daan patungo sa bahay at di nagtagal ay nakarating din kami.

Andito na tayo! Nakangiting sambit ni Lisa, pinatay nya ang makina ng kotse at agad na bumaba upang pagbuksan ako ng pinto.

Thank you love. Sambit ko at alangang ngumiti ako sa kanya. Hahakbang na sana ako upang magdoorbell ng hawakan nya ako sa kamay upang pigilan. Tumingin ako sa kanya ng tila nagtatanong.

Nandito lang ako mahal ha. Wag kang mag alala ipaglalaban kita kung sakali mang hindi maging maganda ang kalabasan nito. Sambit nya, binigyan nya ako ng isang matamis na ngiti at ngumiti naman ako sa kanya pabalik. Pinindot ko na ang doorbell at mga ilang sandali pa'y may nagbukas ng gate.

Sina dad? Tanong ko sa kasambahay namin habang naglalakad papasok.

Nasa loob po. Nakangiting sambit nya. Magkahawak ang kamay namin ni Lisa habang naglalakad hanggang sa makapasok na kami sa loob ng bahay. Nadatnan naming nasa living room si dad at nanunuod ng TV, binitawan ko ang kamay ni Lisa at nakangiting lumapit sa aking ama.

Dad! Nakangiti kong bati sa kanya. Napabaling naman sya sakin, napatayo sya ng makita nya ako at niyakap nya ako ng makalapit ako sa kanya pagkatapos agad na din syang kumalas sa pagkakayakap sakin.

Bakit ngayon ka lang dumalaw dito? Saka dapat nagsabi kang uuwi ka ng nakapaghanda kami. Nakangiting sambit nya.

Hindi na kailangang paghandaan dad. Ahmm may kasama po pala ako. Tuminging ako kay Lisa na nakatayo sa likod ko, sumenyas akong lumapit sya at agad naman syang naglakad papalapit samin.

Dad si Lisa, kilala mo na naman sya diba? Nakangiting tanong ko, tumango naman sya at bahagyang lumapit kay Lisa.

Ang taga pagmana ng mga Manoban. Nakangiting sambit ni dad kay Lisa pagkatapos inilahad nya ang kanyang kamay at agad naman yung inabot ni Lisa.

Good evening po sir. Sambit ni Lisa.

Ano nga palang sadya nyo dito at magkasama kayo? Tungkol ba yan sa negosyo? Seryosong sambit nya. Nagpalipat lipat ang tingin nya saming dalawa na tila nagtatanong. Sandali ding naramdaman ko ang unti unting na bubuong tensyon sa pagitan naming tatlo ng may magsalita sa hagdan dahilan para mapabaling kaming lahat doon.

Jennie anak! Kanina ka pa ba dumating? Tanong ni mommy habang naglalakad papalapit sakin. Agad nya akong niyakap ngunit agad ding kumalas, bumaling sya kay Lisa saka nagsalita.

Sino naman itong magandang binibini na kasama mo anak? Nakangiting sambit ng aking ina.

Natatakot man akong ipakilala sya ngunit ito naman talaga ang pinunta namin dito ni Lisa. Huminga muna ako ng malalim at tumingin sa mga magulang ko na naghihintay ng sasabihin ko. Hinawakan ko ang kamay ni Lisa at tumingin sa mga mata ng aking mga magulang saka nagsalita.

Mom, dad! Si Lisa girlfriend ko po. Seryosong sambit ko, unti unting nawala ang ngiti sa labi ng aking ina at napatingin naman ako sa aking ama. Wala akong mabasang kahit anong emosyon sa mukha nya. Ilang sigundo ding namayani ang katahimikan ng magsalita si Lisa.

First love, Last loveWhere stories live. Discover now