Chapter 4

620 9 0
                                    

Rosé POV

Lisa.. mahinang bigkas ko sa pangalan ng babaeng nakatayo sa may pintuan.. Kaya mabilis akong tumayo at lumapit sa kanya.

Lisa Manoban! Tawag ko sa kanya. Mukhang nagulat sya ng tumingin sya sa direksyon ko. Nakalapit na ako sa kanya at niyakap ko sya. Ewan ko ba parang subrang komportable ko na agad sa kanya. Nung kumalas na kami sa pagkakayakap ay inaya ko na syang maupo. Kaya hinawakan ko sya sa kamay para iguide sya papunta sa upuan ko at umupo sya sa tabi ko. Ngunit bago sya umupo ay ngumiti muna sya kay Jennie, Irene at Suelgi. Napansin ko lang na titig na titig si Jennie kay Lisa at tumitingin naman si Irene at Suelgi kay Lisa at Jennie na tila nakikiramdam..

Ang weird. Nasabi ko nalang sa sarili ko.

Lisa POV

Nakaupo ako ngayon sa upuan sa likod ni Irene kaya malaya kong napagmamasdan ang babaeng nasa tabi nya. Nagulat ako ng makita ko sya kanina.

Flashback

Good morning!! Masayang bati ko sa mga kaklase ko. Pero natigilan ako ng may tumawag sa pangalan ko.

Lisa Manoban! Tawag sakin ng isang pamilyar na boses. Kaya napadako ang tingin ko sa direksyon ng tumatawag. Si Rosé, ang babaeng nakilala ko kahapon. Kaya medyo nagulat ako. Pero nakabawi din agad, dahil ngumiti sya sakin. Habang naglalakad sya ay napatingin ako sa likod nya. Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang dalawang malapusang mata na matamang nakatingin sakin. Nagtama ang mga mata namin, ngunit nakaramdam ako ng di normal sa puso ko. Ibinalik ko ang tingin ko kay Rosé na ngayon ay nakalapit na sakin at niyakap nya ako. Muli akong napatingin sa babaeng nakaupo malapit sa bintana, bahagya akong ngumiti sa kanya ngunit sya nama'y wala akong kahit anong emosyon na makita sa mukha nya.

Siguro ay nagulat lang din sya na makita ako dito. Nasabi ko nalang sa sarili ko.

Kumalas na si Rosé sa pagkakayakap at inaya na nya akong umupo. Naglalakad kami habang hawak nya ang kamay ko. Nadaanan namin sina Suelgi, katabi nya ata yung kinekwento nya saking girlfriend nya. Irene ata pangalan nun at katabi naman nito ang babaeng mahal ko, Si Jennie kaya naman ngumiti ako bilang pagbati.

End of flashback

Kung alam mo lang. Hinanap kita at walang araw na di ka nawala sa panalangin ko. Araw araw kong hinihiling na sana dumating ang araw na to. Pero mukhang huli na ako. May iba ka ng mahal. Nakaramdam naman ako ng kunting kirot sa puso ko. Inalis ko ang tingin ko kay Jennie at bahagyang tumungo.

Bakit ka pa nagpakita kung hindi ka rin naman pala para sakin. Bakit ka pa bumalik? Pinahid ko ang luhang kumawala mula sa mata ko. Nagbuntong hininga ako at umayos ng upo.

Ok ka lang? Tanong sakin ni Rosé, napansin ata nya ang kilos ko.

Ayos lang.. sagot ko sa kanya at binigyan ko sya ng alanganing ngiti.. Magsasalita pa sana sya ng dumating na ang professor namin.

Nagpakilala lang kami sa mga kaklase namin kasi may bago daw. Wala din kaming naging klase dahil unang araw palang naman ng pasok kaya maaga kaming pinauwi.

Half day lang ang klase namin araw araw kaya naman nagustohan ko dito sa school na to. Dahil 4 days na nga lang ang pasok half day pa. May oras pa kami para gumala. 2nd year palang naman kasi kami kaya hindi pa ganun kadami ang gawain.

Lalabas na sana ako ng room, nang kinausap ako ni Rosé.

Lisa may gagawin ka ba ngayon? Pwede mo ba akong samahang magmall? Tapos dun na din tayo kumain ng lunch. Libre ko! Bilang pasasalamat nalang din dun sa pagtulong mo sakin. Sabi nya.

Napatingin naman ako kay Jennie na nakatingin samin. Pero ng mapansin nyang nakatingin ako sa kanya ay ibinaba nya ang kanyang tingin. Nagpaalam na sya kina Irene at Suelgi na uuna na daw sya kasi sinundo sya ni Kai. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya hanggang sa makalabas sya.

Lisa! Tawag sakin ni Rosé kaya napabalik ako sa reyalidad.

Ano nga yun? Tanong ko.

Sabi ko kung sasamahan mo ko? Sagot nya.

Ah tara na. Nasabi ko nalang. Bumaling naman ako kina Suelgi at Irene.

Tinanong ko sila kung gusto nilang sumama pero tumanggi sila dahil may lakad din daw sila. Kaya naman kaming dalawa nalang ni Rosé ang pumunta ng Mall.

Mabilis tumakbo ang oras ng di namin namamalayan. Kung ano ano lang ginawa namin sa mall. Kumain, nagpunta sa arcade at nagsine.. Hindi naman nakakaboring kasama si Rosé. Nakakatuwa pa nga e, habang kasama ko sya ay sandali kong nakalimutan si Jennie. Sinabayan ko nalang din ang mga trip nya kasi kailangan din nyang maglibang at ganun din naman ako.

Pauwi na kami, hinatid ko sya sa bahay nila dahil medyo late na din. Hindi na sya nagpasundo sa driver nya kasi ako naman daw kasama nya. Safe daw sya sakin e. Kaya hindi na din ako nagreklamo. Ito din naman yung pinangako ko sa sarili ko nung gabing makita ko syang umiiyak. Nakatingin lang ako sa kalsada ng magsalita sya.

Lisa, may gagawin ka sa Friday? Wala naman tayong klase nun diba? Naisip ko kasi na pumuntang Mindoro . 3 days lang naman sana, wala lang akong makakasama kaya naisip kung ikaw nalang.. Nakangiti nyang sabi habang hinihintay akong sumagot.

Friday? Parang wala naman akong gagawin nun. Matagal na din akong di nakakapunta dun e. Sakto may Hotel and resort kami dun. Dun nalang tayo magstay.. sagot ko.

Kailangan ko lang din sigurong lumanghap ng sariwang hangin. Gusto ko ding magrelax masyado ng marami ang nangyari nitong mga nakaraang araw.. Sabi ko sa isip ko.

Nakarating na kami sa bahay nila Rosé. Bumaba ako at pinagbuksan sya ng pinto.

Mahal na reyna andito na po tayo. Pagkasabi ko nun ay tumungo ako, dahilan para matawa sya. Napalo nya tuloy ang braso ko at parehas kaming natawa.

Ahmm. Lisa salamat sa araw na to. Subrang saya ko na nakasama kita. Sabi nya.

Ano ka ba ok lang yun. Masaya din naman akong nakasama kita at higit sa lahat masaya ako na nakikita yang mga ngiti mo. Sabay pisil sa pisngi nya. Dahilan para mamula sya.

Ano ba yan, wag ka ngang ganyan. Mamaya at mahulog ako sayo tapos hindi mo ako masalo. Natatawa nyang sambit.

Naku, parang nung isang gabi lang lasing na lasing ka dahil sa ex mo tapos ngayon nag iisip ka na ng ganyan.. Biro ko sa kanya. Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya.. Na alarma naman ako kaya hinila ko sya at niyakap..

Sorry. Nasabi ko nalang habang nakayakap sya sakin. Naramdaman ko namang bumuntong hininga sya at kumalas sa pagkakayakap sakin..

Ok lang..sabi nya at pilit na ngumiti. Mahina ko namang tinapik ang balikat nya..

Sige na. Pumasok ka na sa loob. Kita nalang ulit tayo sa school bukas. Wag mo ng kaisipin kung ano man yang pinagdadaan mo ngayon. Sabi ko. Nagpaalam na ako, tiningnan ko muna sya sa side mirror at nang makita kong wala na sya sa labas ay agad ko ng binilisan ang pagmamaneho para makapagpahinga na din ako..

Nakarating na ako sa condo at nag ready na ako sa pagtulog. Bago ako humiga ay tiningnan ko muna ang phone ko kung may nagmessage sakin. Napangiti naman ako ng makita kong nagtext si Rosé.

From: unknown number
Hi Lisa, si Rosé to save mo nalang number ko. Gusto ko lang ulit magpasalamat sa araw na to.

Pagkatapos kong basahin ang message nya ay nireplyan ko na sya at sinave ko ang number nya.

To: Rosie chicks🤗
Oo, nakauwi na ako. Patulog na din ikaw ba?

From: Rosie chicks🤗
Patulog na din. Sige na pahinga ka na. Good night Lisa.

To: Rosie chicks🤗
Good night 😴💤

Ibaba ko na sana ang phone ko ng biglang may tumawag.. Unknown number kaya sinagot ko naman ito.

Hello. Sino to? Hello. ngunit walang nagsasalita sa kabilang linya. At maya maya pa ay pinatay nya ang call. Baka wrong call lang yun. Nasabi ko nalang. Binitawan ko na ang phone ko at natulog.

First love, Last loveWhere stories live. Discover now