Chapter 7.5

523 10 0
                                    

Kai POV

Andito ako ngayon sa Bar. Dito ako pumunta matapos ng klase namin kanina. Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na hiwalay na kami ni Jennie. Nagsisisi ako dahil niloko ko sya.  Alam kong maling gawing rason ang pansarili kong kaligayahan. Kailangan ko syang makausap. Kailangan naming mag usap.. Kaya tumayo na ako at nag iwan ng pera sa lamesa. Tiningnan ko ang oras, 12:30pm palang sigurado akong nasa school pa si Jennie..

Mabilis kong pinaandar ang kotse ko kaya nakarating agad ako sa school.

Hinanap ko si Jennie at nakita ko naman syang naglalakad kasama si Irene. Pinilit ko syang kausapin ako, kaya di nagtagal ay pumayag na din sya. Inaaya ko syang mag usap sa di kalayuan kay Irene.

Babe hayaan mo namang bumawi ako sayo. Hindi ko sinasadyang saktan ka. Masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko.. Panimula ko

Kai hindi mo kailangang bumawi sakin. Kung talagang mahal mo ko sana noon palang pinahalagahan mo na ang pagkakataong binigay ko sayo. Pero anong ginawa mo? Sinayang mo lang yun kaya please. Tigilan na natin to.. sagot nya sakin.

Nakaramdam naman ako ng sakit at panghihinayang sa bawat salitang yun..

Oo Jennie, tama ka dapat noon palang iningatan na kita. Pero gagawin ko ang lahat maging okay lang tayo ulit. Sabi ko sa sarili ko.

Nagugulohan na ako. Hindi ko na alam kung ano pang dapat kong sabihin sa kanya.  Medyo nahihilo din ako dahil sa alak na nainum ko.

Hindi mo na ba ako mahal? Tanging natanong ko nalang sa kanya at hinawakan ko sya sa balikat. Ngunit hindi sya sumagot.

Hindi mo na ba ako mahal Jennie? Pag ulit ko sa tanong ko. Nagsimula na akong makaramdam ng inis.

Baka talagang hindi naman talaga nya ako minahal sabi ng demonyo kong utak. Mas hinigpitan ko ang hawak sa balikat nya.

Hindi mo na ba ako mahal?!! Sigaw ko sa kanya dahil wala akong nakuhang sagot. Nandilim ang paningin ko at nasampal ko sya. Umiiyak sya habang hawak ang pisnge nya. Nakatingin lang ako sa kanya at tumingin din sya ng deretso sa mata ko.

Alam mo sa ginawa mo. Mas napatunayan kong hindi talaga kita dapat bigyan ng pagkakataon.. Napakalaking pagkakamali na hinayaan kitang pumasok sa buhay ko. Sambit ni Jennie.

Mas nakaramdam ako ng galit. Tuluyan na akong nilamon ng galit. Sasampalin ko na sana ulit sya ng biglang may tumulak sakin dahilan para matumba ako. Akmang tatayo na ako ng may makita akong kahoy malapit sakin, kinuha ko ito at inihampas sa taong tumulak sakin na ngayon ay nakayakap na kay Jennie.

Mas nakaramdam ako ng galit kaya ilang ulit ko syang pinalo, wala na akong pakialam kung saan tatama yun ang mahalaga mailabas ko ang galit ko.  Maya maya pa ay may mga estudyanteng umawat sakin, natigilan naman ako ng makita ko syang unti unting bumagsak. May dugo na ding umagos sa kulay puti nyang uniform.

Anong ginawa ko? Nakatulala lang ako, habang yakap ni Jennie si Lisa na ngayon ay wala ng malay. Lalapitan ko pa sana sila ng tuloyan na akong hilahin ng mga guard palayo.

Sorry Lisa.. nasabi ko nalang

Suelgi POV

Kitang kita ko ang nangyari kay Lisa. Hindi ako nakakilos sa subrang pagkabigla. Napakabilis ng pangyayari. Nakatulala lang ako ng biglang may humila sakin. Si Irene, hinila nya ako patakbo kina Jennie.

Nakahandusay si Lisa habang nakalugmok naman sa lupa si Jennie at yakap nya ito. Agad akong tumawag ng ambulance at kaagad naman itong dumating. Ipinasok si Lisa sa Emergency Room para bigyan ng paunang lunas. Hindi ako mapakali habang hinihintay ang doctor. Maya maya pa ay lumabas na ito.

Anong relasyon nyo sa pasyente? Tanong ng doctor.

Kaibigan po namin sya. Sagot ko.

Kailangan nyang maoperahan dahil may mga dugong namuo sa ulo nya. Kaya kung maaari ay pakitawagan na ang pamilya nya para pumirma sa waiver bago isagawa ang operasyon. Sabi ng doctor at umalis na ito.

Tinawagan ko ang mga magulang ni Lisa. Dumating naman sila agad, pagkarating nila ay agad namin silang sinalubong. Niyakap ko sina Mr. and Mrs. Manoban.

Anong nangyari? Tanong nila sakin. kenwento ko sa kanila ang nangyari. Napatingin naman si Mrs. Manoban kay Jennie na kanina pa umiiyak. Lumapit ito sa kanya at yumakap.

Okay lang Jen. Walang may gusto sa nangyari. Pagpapatahan nya dito. Tumango tango nalang si Jennie .

Ipinasok na si Lisa sa OR. Mga ilang oras din kaming naghihintay na matapos ang operasyon ng dumating si Rosé. Sakto namang labas ng doctor. Lumapit kaming lahat sa kanya at naghintay sa resulta.

Maayos na ngayon ang pasyente ililipat nalang sya sa room nya para mas makapagpahinga na.. Hindi naman matatagalan at magigising din agad sya.  Pagpapaliwanag ng Doctor.

Maraming salamat. Pagpapasalamat ni Mr. Manoban

Sige. Mauna na ako. Sagot ng doctor at umalis na ito.

Nakahinga naman kami ng maluwag . Buti nalang talaga walang nangyaring masama kay Lisa.

First love, Last loveWhere stories live. Discover now