Chapter 42

429 7 0
                                    

Irene POV

Babe alam mo ba kung anong meron kay Jennie at Lisa? Tanong ko kay Suelgi habang kumakain kami ng agahan.

Wala bakit? Sambit nya at tinapunan ako ng tingin pagkatapos pinagpatuloy na muli nya ang pagkain.

Kasi nakita ko silang magkasama kahapon. Sambit ko at inalala ko kung anong nakita ko kahapon sa office ni Jennie.

Flashback

Inaayos ko ang mga papel na kailangan kong dalhin sa office ni Jennie ng makita ko syang naglalakad papunta sa office nya at kasunod nya si Lisa.

Saan naman kaya galing ang babaeng ito, saka bakit sila magkasama? Tanong ko sa isip ko. Nakatingin lang ako sa kanila ng mustrahan ako ni Jennie na mamaya nalang kami mag usap. Tumango nalang ako bilang tugon sa kanya, agad na syang pumasok sa office nya at binaling ko naman ang tingin ko kay Lisa na papasok palang. Napansin naman nyang nakatingin ako kaya bahagya syang ngumiti bago tuluyang pumasok.

Isang oras na ang nakalilipas ngunit hindi parin lumalabas si Lisa sa office ni Jennie. Kaya naman nagdesisyon na akong puntahan sila doon. Kumatok muna ako bago pumasok ngunit walang sumagot. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at ang bumungad sakin ay dalawang taong magkayakap habang hinahaplos ni Lisa ang likod ni Jennie. Napatayo naman si Jennie ng maramdaman nya ang presensya ko.

Anong kailangan mo dito Irene. Sambit nya habang inaayos ang damit nya. Palipat lipat ang tingin ko sa kanila ni Lisa ng mapansin kong parehas pugto ang kanilang mga mata. Mahahalata mong galing lang sila sa pag iyak.

Ano kayang nangyari at mukhang nagkaiyakan pa tong dalawang to. Tanong ko sa isip ko, napatigil ako sa pag iisip ng muling magsalita si Jennie.

Irene. Tawag nya sa pangalan ko. Nagtikhim naman ako at saka nagsalita.

Ito, kailangan mo tong ireview. Sambit ko at naglakad na papalapit sa kanya at inabot ko ang mga folder na dala ko. Agad naman nya yung kinuha yun.

Ito lang ba? Tanong nya sakin habang nakatingin sa folder habang binubuklat nya ito. Tumungay naman sya sakin at tumango nalang ako.

Okay. Seryosong sambit nya at inilapag yun sa table nya. Sandali akong bumaling kay Lisa, at ngumiti naman ito sakin.

Siguro hindi ito ang tamang oras para kausapin ko si Jennie. Sabi ko sa isip ko, at saka bumaling ako kay Jennie na nakatingin sakin.

Alis na ako Jennie, Lisa. Nagbow na ako sa kanila at ngumiti. Bago ako tumalikod ay pinanlikahan ko muna ng mata si Jennie. Senyales na kailangan nya saking magpaliwanag kung ano nangyayari. Bahagya naman syang ngumiti at tumango bilang tugon sakin. Pagkatapos nun ay agad na akong lumabas.

End of flashback

Babe! Tawag sakin ni Suelgi dahilan para mabalik ako sa reyalidad.

Anong iniisip mo? Kanina pa ako salita ng salita dito, hindi mo manlang ako pinapansin. Sambit nya habang sinusubo ang natitirang pagkain nya.

Wala ba talagang sinasabi si Lisa sayo? Pangungulit ko kay Suelgi, uminom muna sya ng tubig saka seryosong tumingin sakin.

Wala nga babe! Saka hindi na kami masyadong nakakapag usap mula ng lumabas sya sa hospital hindi pa sya pumapasok sa office. Bakit may problema ba? Sambit ni Suelgi, umiling naman ako bago nagsalita.

Wala, kalimutan mo na! Naiinis kong sambit, pagkatapos inimpis ko na pinagkainan namin at padabog na tumayo para dalhin yun sa lababo.

Babe! Galit ka ba? Tawag sakin ni Suelgi, hindi ko sya pinansin at binuksan ko ang gripo para magsimulang hugasan ang pinagkainan namin.

Naiinis ako kay Suelgi! Pakiramdam ko pinagtataguan na nya ako. Ilang sandali pa'y naramdaman ko nalang na may yumakap sakin at hinalikan nya ako sa batok.

Ano ba! Tigilan mo nga ako ng nagkakaganyan mo! Inis kong sambit, ngunit mas humigpit pa ang yakap nya saka nagsalita.

Gusto mo ba puntahan natin si Jennie ngayon para mabigyan na din ng kasagutan yang gumugulo sa isip mo. Maniwala ka babe wala talaga akong alam sa nangyayari at kung ano man yun. Alam kong si Lisa at si Jennie lang makakapagsabi. Mahinahong sambit ni Suelgi. Nakunsensya naman ako matapos kong marinig ang sinabi nya.

Tama nga naman si Suelgi. Bakit ba kasi ako sa kanya naiinis e paano nga kung wala syang alam. Sabi ko sa isip ko, unti unting humarap ako sa kanya at ngumiti.

Sorry babe! Sambit ko at mabilis ko syang hinalikan sa labi. Pagkatapos tinanggal ko ang apron at ibinigay ko kay Suelgi.

Ikaw na magtapos nito, mag aayos na ako tapos puntahan na natin si Jennie. Pagkasabi ko nyan ay hindi ko na sya hinintay pang magsalita. Patakbo na akong pumunta sa kwarto para mag ayos.

Suelgi POV

Andito na kami sa parking area ng condo ni Jennie ng mapansin ko ang black na Mercedes Benz Maybach Exelero na nakapark malapit sa kotse ni Jennie.

Teka kay Lisa ba yun? Tanong ko sa isip ko habang sinusuri ang sasakyan. Hindi ko na sinabi pa kay Irene ang nakita ko dahil baka lalo lang syang mag isip ng kung ano.

Mabilis kaming nakarating sa tapat ng unit ni Jennie at nagdoorbell ngunit walang nagbubukas. Kaya napagdesisyonan na ni Irene na sya nalang magbukas dahil alam naman nya ang passcode nun. Pagkapasok namin ay nagtungo ako sa sofa upang umupo at si Irene naman ay kumatok sa kwarto ni Jennie.

Iniikot ikot ko ang tingin sa paligid ng mapansin ko ang dalawang pinagkainan ng ice cream.

Umuwi kaya dito si Jisoo. Pero imposible, dapat tatlo to. Sabi ko sa isip ko, naputol ako sa pag iisip ng marinig kong sumigaw si Irene dahilan para mapatayo ako at patakbong sinundan sya. Pagkarating ko dun ay nakatayo lang si Irene sa tapat ng bukas na pinto ngunit nakatingin lang sya sa loob.

Babe anong nangyari? Nag aalalang tanong ko, ngunit mukhang hindi nya ako narinig. Unti unti akong sumilip sa siwang ng pinto at nanglaki ang mga mata ko ng makita ko si Jennie at si Lisa na nasa kama. Nakaupo silang nakatingin samin, halata sa mga mata nila ang pagkagulat. Nakataklob ng kumot ang sa tingin ko ay hubad na katawan ni Jennie. Muli akong bumaling kay Irene na mukhang hindi parin nakakabawi sa nakita nya. Kaya agad kong tinakpan ang mata nya at hinila palabas ng kwarto ni Jennie. Sumenyas muna ako kina Lisa na ayusin ang sarili at sumunod samin sa living room. Tumango naman sila bilang tugon, sinara ko na ang pinto ng kwarto ni Jennie at inaya na si Irene na ngayo'y tulala pa din sa nasaksihan nya.

Patay ka Lisa! Humanda ka na! Dahil masasaksihan mo na ang bagsik ng isang Irene Bae. Pailing iling akong habang iniisip kung anong maaaring mangyari.

First love, Last loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon