Chapter 17

445 10 0
                                    

Lisa POV

Good morning dad! Bati ko kay daddy ng maabutan ko syang nakaupo sa living room, nagbabasa sya habang nagkakape. Ibinaba naman nya ang hawak nya at bumaling sakin.

Good morning anak.. Nasan ang mapangangasawa mo? Sambit nya habang tinitingnan ang likuran ko..

Dad naman, ako naman yung tunay na anak mo tapos sya hinahanap mo. Sambit ko na kala mo'y nagtagampo. Napatawa naman sya sa inasal ko.

Syempre sya yung wala kaya sya yung hahanapin ko. Natatawa nyang sambit. Napabaling naman kami sa hagdan ng may magsalita.

Good morning tito. Bati ni Rosé, yumakap naman ito kay dad ng makalapit sya.

Good morning din. Daddy nalang din itawag mo sakin anak. Sambit ni daddy habang nakangiti.

Paano naman ako? Wala ba akong good morning at yakap dyan mga anak? Singit ni mommy na kakalabas lang galing kusina. Lumapit naman kami ni Rosé, binati namin sya at niyakap. Nang kumalas na si mommy sa pagkakayakap ay inaaya na kami para kumain. Nagkwentohan lang ng kung ano ano. Pagkatapos ay nagpaalam na kami ni Rosé para umalis.

Nakuha ko na ang driver license ko kaya ako na ang nagdrive papunta sa bahay ng fiancé ko. Nadatnan namin ang mga magulang nya na nag uusap sa sala.

Hi mom, dad. Bati ni Rosé, nagbeso lang sya ay yumakap sa mga magulang nya. Pagkatapos ay ako naman ang lumapit.

Hello po tita, tito. Sambit ko at nagbeso ako sa kanila  at umupo na kami sa sofa dito sa living room.

Ahmm. Lisa kailan nyo ba balak magpakasal? Tanong ni Mr. Park, daddy ng future wife ko.

Napag usapan po namin ni Rosé na 6 months po mula ngayon. Hindi naman po kami nagmamadali saka para mas mahaba ang preparation. Sagot ko. Tumango naman sya bilang pagsang ayon sa desisyon namin.

Mga ilang oras pa kaming nagkwentohan ni Mr. And Mrs Park. At ng napagdesisyonan naming umuwi na ay hinatid kami ni Mr. Park sa may kotse ko. Pinauna ko ng pinapasok si Rosé at papasok na sana ako sa driver sit ng tawagin ako ni Mr. Park.

Lisa ikaw ng bahala sa anak namin ha. May tiwala ako sayo. Sambit nya. Tumango nalang ako at pumasok na sa kotse. Binuhay ko na ang makina at agad ng umalis.

Nakatingin lang ako sa kalsada ng may makita akong Restaurant. Walang imik imik na niliko ko ang kotse at humanap ng parking. Nang makahanap ako, bumaba na ako at pinagbuksan ko ng pinto si Rosé. Taka naman syang bumaba.

Anong ginagawa natin dito baby? Takang tanong nya.

Date tayo. Sambit ko saka hinila ko sya papasok ng resto. Inilibot ko ang paningin ko para humanap ng pwede naming upuan. Napadako ang tingin ko sa  babaeng mag isang nakaupo. Hinila ko si Rosé para puntahan yun.

Hi Jisoo. Tawag ko sa kanya. Napalingon naman sya samin at agad na ngumiti.

Pwede ba dito nalang din kami umupo. Sabay na kami sayo. Tanong ko.

Kasi Lisa may-- Hindi na nya naituloy ng may babaeng magsalita sa likod ko. Dahilan para mapatingin ako.

Jisoo nakaorder-- natigil sya sa pag sasalita ng mapansin nya kami.

Jennie POV

Galing ako ng cr at nakatungo akong naglalakad pabalik sa upuan namin ni Jisoo.

Jisoo nakaorder-- hindi ko na natapos ang pagsasalita ko ng mapansin ko ang dalawang taong nasa harap ko. Napatingin ako sa kamay nila, nakaramdam naman ako ng kunting kirot sa puso ko. Magkahawak lang sila ng kamay pero nasasaktan na ako.

First love, Last loveWhere stories live. Discover now