Chapter 6

544 10 0
                                    

Lisa POV

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Kinapa ko ito para patayin. Bumangon na ako at nagsimula ng mag ayos para sa pagpasok.

7:00am ng matapos ako, dadaan nalang ako sa madadaanan kong restaurant para kumain maaga pa naman. Kinuha ko na ang mga gamit ko at umalis. Habang binabaybay ko ang daan papunta sa malapit na Restaurant ay may napansin akong babaeng nakatayo sa tabi ng kotseng nasa gilid ng kalsada. Nakilala ko naman ito kaya binababa ko ang bintana ng kotse ko at tumigil sa tapat nya.

Jennie POV

Jennie! Tawag sakin ng pamilyar na boses kaya inangat ko ang mukha ko. Nakatingin sya sakin ng may pag aalala. Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa magsalita sya ulit.

Jennie anong nangyari? Nasiraan ka ba? Tara sabay ka na sakin.. itatawag ko nalang yan sa shop ng kilala kong mikaniko, ipapahila ko nalang. Baka malate ka kapag naghintay ka pa dyan. Sabi nya, kaya kinuha ko nalang ang gamit ko sa kotse ko at sumakay na sa kotse ni Lisa. Tahimik lang ako habang nakatingin sa kalsada. Nagsalita ulit sya.

Ok ka lang ba? Mukhang puyat ka tapos namamaga pa yang mata mo. Kumain ka na ba? Tara kain muna tayo bago pumasok hindi parin kasi ako kumakain e. Magkakasunod nyang sambit.

Ok. Nasabi ko nalang, maya maya pa ay itinigil nya ang kotse nya sa isang Resto. Bumababa sya at umikot, pinagbuksan nya ako at inaayang bumaba.

Tara. Nakangiti nyang sambit. Bumaba naman ako. Pagkasara nya ng pinto ay hinila nya ako sa loob ng resto at iginala nya ang kanyang mata para humanap ng bakanteng mesa. Nung makahanap kami ay hinila nya ang isang bangko at dun ako pinaupo pagkatapos umupo naman sya sa upuang nasa harap ko.

Order ka na ng gusto mo, akong bahala. Nakangiting sabi niya.. nakaorder na kami at maya maya lang ay dumating na ang pagkain namin. Tahimik lang kami habang kumakain kaya madali kaming natapos. Nagbayad na sya at inaaya na akong umalis. Mabilis lang kaming nakarating sa school. Sabay na kaming pumuntang room. Habang naglalakad ay biglang lumapit samin si Kai.

Babe mag usap naman tayo. Ayusin natin to. Sabi nya habang nakasunod sya samin ni Lisa. Kaya tumigil ako para harapin sya.

Kai, pwede tigilan mo na to. Wala na tayong aayusin dahil tapos na tayo. At tumalikod na ako para maglakad ulit ngunit naramdaman kong may humawak sa braso ko.

Babe isa pang pagkakataon. Pagmamakaawa nya. Tatanggalin ko na sana ang pagkakahawak nya sa braso ko ng mas hinigpitan pa nya ito. Dahilan para makaramdam ako ng sakit.

Ano ba Kai! Nasasaktan ako. Daing ko pero parang wala syang naririnig nakatingin lang sya sakin ng matalim.

Hindi Jennie, mag uusap tayo sa ayaw at sa gusto mo. Hihilahin na sana nya ako ng pigilan sya ng isang kamay. Hinawakan ni Lisa ang kamay ni Kai na nakahawak sakin.

Kai. Bitawan mo na si Jennie. Hindi mo ba nakikitang nasasaktan na sya. Saka may klase pa kami. Maawtoridad nyang sambit, napatingin ako sa kanya pero wala akong mabasang kahit anong emosyon sa mukha nya. Binitawan ako ni Kai at tumingin sya ng matalim kay Lisa pagkatapos tumingin din sya sakin bago tuluyang umalis. Nang umalis na si Kai ay naglakad na din ako, hindi ko na inintay si Lisa. Pero bago pa ako makahakbang palayo sa kanya ay narinig ko syang nagsalita.

Sa susunod na magboboyfriend ka pumili ka naman ng matino! May halong galit ang boses nya. Pagkatapos ay nilagpasan nya na ako.

Rosé POV

Maaga akong pumasok, feeling ko excited ako sa hindi ko malamang dahilan. Pagpasok ko ng room ay wala pa si lisa kaya umupo nalang ako sa pwesto ko habang hinihintay sya. Hindi naman nagtagal at dumating na din ang babaeng gusto kong makita. Kaya lang mukhang bad mood sya ngayon, lumapit sya sakin ng nakasimangut ang mukha..

Anong nangyari sayo? Bat ganyan mukha mo? Tanong ko sa kanya.

Wala. May nakita lang akong nakakagalit ngayong umaga. Sagot nya habang nakatingin ng deretso sa pintuan. Napatingin naman ako doon ng saktong pumasok si Jennie na seryosong seryoso ang mukha . Tumingin muna sya kay Lisa bago nagpatuloy sa paglakad papunta sa upuan nya.. Napatingin naman ako ulit kay Lisa na ngayon ay nakatingin parin kay Jennie. Pagkatapos ay huminga sya ng malalim at naglagay ng inPonds sa tenga. Ano kayang meron sa kanilang dalawa. Nagugulohan kong tanong sa isip ko.

Mabilis natapos ang oras at natapos na ang klase namin. Agad namang tumayo si Lisa at lumabas ng room. Tinawag ko pa sya pero para syang walang narinig. Nagpatuloy lang sya sa paglalakad. Kaya agad akong nagpaalam kina Irene at patakbo akong lumabas para mahabol ko pa si Lisa. Kaya lang hindi ko na sya naabutan.

Saan naman kaya pumunta yun ang bilis naman nyang maglakad. Nasabi ko nalang.

Kinuha ko nalang ang phone ko at tinawagan ang driver ko para sunduin ako. Balak ko pa sanang gumala kaya lang wala naman si Lisa. Kaya napagdesisyonan ko nalang na umuwi.

First love, Last loveWhere stories live. Discover now