Chapter 34

415 10 1
                                    

Rosé POV

Dinala na si Lisa sa kwarto matapos malinis ang sugat nya, at matahi ito.  Mabuti nalang at walang tinamaang  internal organs, ngunit kinailangan nyang salinan ng dugo dahil sa dami ng nawala sa kanya. Mabuti nalang at may nahanap kaagad na blood donor. Kaya hindi na namin kailangan pang tawagan ang mommy at daddy nya.

Nakaupo ako sa tabi ng bed nya habang sina Suelgi, Irene at Jisoo ay nasa sofa at tahimik na nakatingin kay Lisa. Kita sa kanila ang pag aalala lalo na si Suelgi na Best friend ni Lisa.

Hawak ko ang kamay nya habang pinagmamasdan ko syang natutulog.

Ano ba kasing nangyari at nasangkot ka sa gulo? Nagpakahero ka na naman ata e. Paano ba ako papayag magpakasal kung alam kong walang mag aalaga sayo kapag tuluyan na akong nawala sa tabi mo? Kung pwede ko lang talagang hatiin ang sarili ko gagawin ko, kaya lang hindi pwede. Sambit ko sa isip ko, natigil ang pag iisip ko ng mapansin kong unti unting nagmulat ng mata si Lisa. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti din sya pabalik.

Hi. Pabulong nyang sambit.

Hi. Sambit ko, at may tumulong luha sa mata ko. Itinaas nya ang isang kamay nya at pinusan ang luhang pumatak mula sa mata ko.

Diba sabi ko sayo, ayaw kong nakikitang umiiyak ka. Nakangiti nyang sambit. Sandali kaming napabaling kay Suelgi ng magsalita sya.

Labas na muna kami ha. Agaw atensyon nya, hindi na nya kami hinintay na sumagot. Agad na syang tumayo at hinila palabas ng kwarto sina Irene at Jisoo. Narinig ko namang mahinang tumawa si Lisa kaya ibinaling ko muli sa kanya ang atensyon ko.

Anong nakakatawa? Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.

Kahit kailan talaga, napakaistorbo ni Suelgi. Biro nya, naiinis akong nagsalita.

Nagagawa mo pang tumawa dyan! Palagi mo nalang akong pinag aalala. Umiiyak kong sambit habang pinapalo sya, hanggang sa di ko sinasadyang matamaan ang tyan nya.

Aray! Daing nya, nataranta naman ako at akmang tatayo na ako para tumawag ng nurse ng hawakan nya ang pulso ko dahilan para mapatigil ako.

Dito ka lang. Kahit kunting sandali lang hayaan mo akong makasama ka. Pakiusap nya, kaya umupo ako muli sa tabi nya at hinintay ang susunod nyang sasabihin. Pinipilit nyang umupo ngunit pinigilan ko sya.

Lisa wag ka ngang magalaw, baka dumugo ang sugat mo. Baka lalong sumakit yan. Sambit ko.

Wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman nito ngayon Rosé. Malungkot nyang sambit sabay turo sa tapat ng puso nya. Napatungo ako at nagsalita.

Sorry Lisa, sorry kung naging makasarili ako. Hindi ko naisip yung mararamdaman mo nung nagdesisyon akong piliin si Jisoo. Patawarin mo ako Lisa. Paghinge ko sa kanya ng tawad habang umiiyak. Hinawakan nya ang baba ko at itinunghay nya ito upang makita ang mukha ko. Pinusan nya ang luhang nasa pisnge ko.

Shhh. Tahan na baby, wala kang kasalanan. Naging totoo ka lang sa sarili mo, alam kong mahal mo sya at tanggap ko na sa sarili ko na hindi talaga ako. Wag kang mag alala ngayon lang to, darating din ang araw na makakalimutan ko na ang sakit na nararamdaman ko. Wala naman akong magagawa kung hindi talaga ako. Basta hayaan mo munang damhin ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon hanggang sa wala na akong maramdaman. Malungkot nyang sambit.

Parang dinudurog ang puso ko sa mga sinabi nya. Hindi ko kayang nakikitang nasasaktan sya ng dahil sakin. Noon, nangako ako na iingatan at hindi ko sya sasaktan pero ngayon ako mismo ang gumagawa noon sa kanya. Nangako akong hindi ako aalis sa tabi nya pero ngayon ginagawa ko na. Akala ng iba hindi nasasaktan ang mga taong nang iiwan, pero ang totoo doble ang sakit nito para sa kanila.

Lisa maniwala ka minahal kita, at lahat ng pinakita ko sayo lahat yun totoo. Nagkataun lang na una kong nakilala si Jisoo, kung mas nauna lang kitang nakilala hinding hindi ako magdadalawang isip na piliin ka. Umiiyak kong sambit. Ngumiti si Lisa at pilit na umupo upang mayakap ako.

Alam ko, hindi ako manhid para hindi ko maramdaman lahat ng yun. Hindi lang talaga natin kontrolado ang mangyayari sa hinaharap kaya tayo nasasaktan at nahihirapan. Mabilis ka mang kinuha sakin ng tadhana pero masaya parin ako dahil nakilala kita. Sambit nya, tahimik lang kaming magkayakap ng muli syang magsalita.

Baby, pwede bang yakapin pa kita ng kunting oras pa? Pagpapaalam nya, mas hinigpitan ko ang yakap ko bilang tugon sa tanong nya. Pumikit ako na tila ninanamnam ang bawat sandaling yakap namin ang isa't isa. Muling nagsalita si Lisa sa pagitan ng aming yakap.

Mahal na mahal kita Roseanne Park, mas pinili kong bitawan ka kasi alam ko na hindi ako sapat para sayo. Wag mo sanang isiping hindi kita ipinaglaban, gustohin ko mang gawin yun, pero alam kong sa huli ako rin yung talo. Ayaw ko ng mahirapan ka pa kaya kahit Mahal kita pinalaya kita. Hindi man tayo nagkatuloyan. Ang mahalaga, minsan sa buhay ko na naging masaya ako dahil ikaw ang dahilan. Salamat sa mga araw at gabing pinagsaluhan nating dalawa. Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataong mahalin ka. Kahit kailan hindi ko pagsisihan na naging bahagi ka ng buhay ko.

Habang sinasabi ni Lisa ang mga pangungusap na yun. Patuloy lang sa pagpatak ang aking mga luha.

Mahal din kita Lisa, kaya lang mas mahal ko sya. Sambit ko sa isip ko. Naramdaman kong unti unti ng lumuwag ang pagkakayakap ni Lisa kaya kumalas na din ako.

Mag iingat ka palagi ha, kung wala lang akong tiwala kay Jisoo hinding hindi ako papayag na mapunta ka sa kanya. Sapat na saking dahilan na nahintay ka nya ng mahabang panahon para ipagkatiwala kita sa kanya. Mahinahon nyang sambit, nakangiti sya ngunit bakas sa mukha nya ang lungkot. Hinawakan ng dalawang kamay nya ang mukha ko at bahagyang lumapit sakin. Pinaglapat nya ang noo namin, dinampian nya ng maliit na halik ang ilong ko. Napapikit ako, Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng kanyang labi sa noo ko. Mga ilang sandali din kaming nasa ganoong posisyon, maya maya pa'y naramdaman kong lumayo na sya. Minulat ko ang mata ko at tumingin sa mukha nya. May ilang butil ng luha ang pumatak mula sa kanyang mata. Bahagya syang ngumiti, pinahid nya ang luha sa pisnge nya at nilahad ang kamay nya.

Friends? Sambit nya habang nakangiti. Inabot ko naman yun at bahagyang pinisil.

Friends. Nakangiting sambit ko.

Someone POV

Hanggang kailan mo itatago ang pagkatao mo kay Lisa? Tandaan mo, hindi ko alam kung hanggang kailan kita kayang pagtakpan sa kanya. Kaibigan ko din sya.

Nakalimutan mo na ba ang pangako mo samin na babalik ka? Hinihintay ka nya! Minsan ka ng nakagawa ng hindi maganda sa kanya sana sa pagkakataong ito, gawin mo na ang tama.

First love, Last loveWhere stories live. Discover now