Chapter 24

412 9 0
                                    

Jennie POV

Anong nangyayari? Alam na kaya ni Rosé ang nakaraan nya? Bakit nya hinahanap si Jisoo ng ganitong oras. Si Lisa kaya, kumusta na kaya sya?  Mga tanong na gumugulo sa isipan ko ngayon. Simula ng pumunta dito si Rosé hindi na ako nakatulog.  4:00am na pero pabalibalikwas parin ako saking higaan.

Ahhh!! Sigaw ko, pagkatapos umupo ako at ginulo gulo ko ang buhok ko. Bumangon na ako at nag ayos ng sarili. Maaga nalang akong pupuntang office.

6:30am akong nakarating sa office, wala pang katao tao sa loob ng building namin maliban sa mga guard. Daretso lang akong naglakad patungo sa office ko. Pagkarating ko agad kong sinimulang magtrabaho ng mga natirang gawain ko kahapon. Ngunit hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari kaninang madaling araw.

Ano ba kasing nangyayari? Tanong ko sa isip ko. Umiling naman ako upang iwaksi ang gumulo sa isip ko. Nagfocus ako sa trabaho hanggang sa hindi ko namalayan ang oras. Nagulat nalang ako ng may kumatok sa pinto.

Irene POV

8am ng makarating ako ng company. Patuloy lang ako sa paglalakad ng madaan ko ang office ni Jennie. Mukhang may tao kaya sinilip ko at nakita ko si Jennie na abalang abala sa pagtingin sa mga papel na nasa table nya.

Dito ba sya natulog? Bakit ang aga naman ata nya. Sabi ko sa isip ko, kumuha muna akong coffee bago ako kumatok sa office nya.

Pasok ka. Sambit ni Jennie. Kaya pumasok na ako. Pinagmasdan ko sya habang naglalakad papalapit sa kanya at nang makalapit na ako ibinaba ko na sa table nya ang dala kong coffee.

Thank you Irene. Sabi nya pero hindi manlang ako tinapunan ng tingin, nakatutuk lang sya sa ginagawa nya.

Bakit mukhang wala kang tulog? May nangyari na naman ba? Tanong ko sa kanya, napatigil naman sya sa ginagawa nya at ibinaling ang tingin sakin.

May na kwento ba sayo si Suelgi tungkol kay Lisa? Tanong nya. Naalala ko naman yung sinabi ni Suelgi pagkarating nya sa condo namin kahapon.

Flashback

Nanunuod ako ng TV sa living room habang hinihintay ko si Suelgi. 8:00pm na pero wala parin sya, tiningnan ko ang phone ko kung may text pero wala parin. Maya maya ay naramdaman kong bumukas ang pinto. Napatingin naman ako doon at nakita ko si Suelgi na mukhang pagod na pagod. Humalik muna sya sa labi ko bago pabagsak syang umupo sa tabi ko, pumikit sya na parang nirerelax ang isip.

Anong nangyari? Bakit mukhang pagod na pagod ka. Tanong ko, dumilat naman sya at tumingin sakin.

Nag aalala kasi ako kay Lisa. Kanina nagpatulong sya sakin para surpresahin si Rosé tapos nung pinatawagan nya sakin si Rosé sabi nya ang sabihin ko may nangyari sa kanyang di maganda. Nagtataka ako bakit kailangan pa naming magsinungaling at pag alalahin yung tao kung pwede naman naming papuntahin sya dun ng di ginagawa yun. Sambit ni Suelgi na parang malalim ang iniisip.

Baka naman kasama yun sa paraan ng pagsurpesa nya kay Rosé. Sagot ko.

Hindi babe. May iba akong nararamdaman, lalo na nung tanungin ko si Lisa kung may problema ba sila. Pero ang sagot nya "Diba kapag mahal mo ang isang tao lahat gagawin mo para sa kanya. Kahit sariling kaligayahan mo pa ang kapalit nito?"

Ibig sabihin may pinagdadaanan sya ngayon. Malungkot na sambit ni Suelgi.

End of Flashback

Sinabi ko lahat kay Jennie ang napag usapan namin ni Suelgi. Habang nakikinig sya sa kwento ko ay nakatulala lang sya na tila ba malalim ang iniisip. Maya maya pa'y tumayo sya at kinuha ang bag nya.

Irene icancel mo lahat ng schedule ko ngayong araw. May importante lang akong gagawin. Pagkasabi nya nun ay dali dali na syang lumabas ng office nya.

Naiwan nalang akong nakamaang na nakatayo at sinundan ko nalang sya ng tingin.

Ano bang nangyayari? Nasabi ko nalang..

First love, Last loveWhere stories live. Discover now