Chapter 7

524 12 0
                                    

Lisa POV

Andito ako ngayon sa rooftop ng school namin para magpahangin. Naiinis ako kapag na aalala yung nasaksihan ko kaninang umaga. Maghahanap na nga lang sya ng boyfriend yung gago pa! Inis kong sambit.

Sinong gago? Nagulat ako ng may magsalita. Humarap naman ako sa taong yun. At nakahinga naman ako ng maluwag ng mapagtanto kong si Suelgi yun.

Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi mo kasama girlfriend mo? Magkakasunod kong tanong sa kanya. Pero sa halip na sumagot ay lumakad sya papalapit sakin, nakatanaw lang din sya sa mga taong nakikita namin mula dito sa taas ng rooftop. Huminga muna sya at nagsalita.

Nakapag usap na ba kayo ni Jennie? Tanong nya, pero hindi ako sumagot kaya nagpatuloy sya sa pagsasalita.

Alam mo hanggang ngayon nageguilty parin ako. Isa ako sa mga naging dahilan kung bakit nawala sayo si Jennie. Sana hindi ko nalang sinabi sayo yung mga naririnig kong kwento na di naman pala totoo.Sambit nya. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa kanya at tinapik sya sa balikat.

Ano ka ba naman Suel. Napakatagal na panahon na noon saka matagal na kitang napatawad. Aaminin ko galit na galit ako sayo noong malaman ko ang totoo. Kaya lang naisip ko na siguro kaya mo nasabi yun e dahil kaibigan mo ako. Ayaw mo lang na masaktan ako. Sinubukan mo lang akong protektahan. Kaya wag mong isiping kasalanan mo kung bakit kami nagkahiwalay. Sambit ko.

Nagtagal pa kami ng 30 minutes sa rooftop at napagpasyahan naming bumaba na. Nag uusap kami ni Suelgi habang naglalakad sa hallway ng makita namin si Irene na nakatayo habang nakatingin sa dalawang taong nag uusap sa di kalayuan.

Babe. Tawag ni Suelgi kay Irene.. Anong nangyari? Tanong pa nya dito.

Nanlaki naman ang mga mata nya habang nakatingin sa dalawang taong nag uusap.. Kaya naman napatingin din ako doon. Biglang nakaramdam ako ng galit ng makita kong hawak ni Jennie ang pisnge nya at umiiyak itong nakatingin kay Kai. Akmang aambahan ulit sya ng sampal ni Kai. Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa.. tumakbo na ako papunta sa kinaruruonan nila.

Jennie POV

Naglalakad kami ni Irene papunta sa kubo sa likod ng school. Maganda daw kasi doong tumambay. Doon pala sila pumunta ni Suelgi noong Monday ng mauna silang umalis sakin. Kaya sabi ni Irene doon nalang daw namin hintayin si Suelgi. Nagpaalam kasi si Suelgi na may pupuntahan lang daw sya saglit.

Nag uusap kami ni Irene habang naglalakad ng biglang sumulpot si Kai kung saan. Nakiusap sya sakin na mag usap kami kaya pumayag na din ako dahil mapilit sya.  Medyo lumayo kami ni Kai kay Irene para mag usap.

Ano pa bang gusto mong pag usapan Kai? Inis kong tanong sa kanya. Lumapit naman sya sakin, amoy alak sya.

Babe hayaan mo namang bumawi ako sayo. Hindi ko sinasadyang saktan ka. Masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko.. Panimula nya.

Kai hindi mo kailangang bumawi sakin. Kung talagang mahal mo ako sana noon palang pinahalagahan mo na ang pagkakataong binigay ko sayo. Pero anong ginawa mo? Sinayang mo lang yun, kaya please. Tigilan na natin to.. sagot ko sa kanya.

Hindi mo na ba ako mahal? Tanong nya sakin at hinawakan nya ako sa dalawang balikat.

Hindi mo na ba ako mahal Jennie? Ulit nyang tanong. Nakaramdam naman ako ng takot ng tumingin ako sa mga mata nya. Kaya hindi ko na nagawang magsalita. Humigpit naman ang kapit nya sa balikat ko.

Hindi mo na ba ako mahal?!! Sigaw nya sakin at nang wala syang makuhang sagot ay bigla nalang nya akong sinampal. Naiyak nalang ako ng maramdaman ko ang sakit ng sampal na ginawad nya sakin. Hawak ko ang pisnge ko habang umiiyak. Tumingin ako sa kanya.

Alam mo sa ginawa mo. Mas napatunayan kong hindi talaga kita dapat bigyan ng pagkakataon.. Napakalaking pagkakamali na hinayaan kitang pumasok sa buhay ko. Sinabi ko yun habang nakatingin sa mata nya. Nakita ko namang itinaas na nya ulit ang kamay nya, dahilan para mapapikit ako. Hinintay ko nalang na tumama muli ang palad nya sa pisnge ko ngunit isang yakap ang aking naramdaman. Pamilyar ang amoy na yun sakin. Kaya napamulat ako nakita ko naman si Kai na may hawak na kahoy at agad nya itong inihampas sa taong nakayakap sakin ngayon. Ilang ulit nya itong pinalo.  Naramdaman kong mas humigpit ang yakap nya sakin. Maya maya pa ay may mga nagsidatingan ng mga estudyante at inilayo samin si Kai na nakatulala na ngayon. Lumuwag na ang pagkakayakap sakin ng taong nagligtas sakin at nagulat ako ng makita ko ang mukha nya. May dugong umagos mula sa ulo nya. Ngumiti muna sya sakin bago sya tuloyang nawalan ng malay..

Lisa..tawag ko sa pangalan nya.

First love, Last loveWhere stories live. Discover now