Chapter 15

487 9 1
                                    

Rosé POV

Baby papunta na dito si Suel. Tapos ka na ba dyan? Tawag sakin ni Lisa mula sa labas ng pinto ng kwarto namin. Kaya tumayo na ako at hinarap sya.

Tapos na po. Malambing kong sambit kay Lisa. Nakatitig lang sya sakin at hindi nagsasalita.

Baby! Tawag ko sa kanya. Mukha namang nagulat sya kaya napatawa nalang ako.

Ang ganda naman kasi ng future wife ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong magday dream. Sambit nya.

Sus bola! Sabi ko at mahina ko syang pinalo sa braso. Inaaya ko na syang bumaba sa sala para dun na hintayin si Suelgi. Hindi naman nagtagal at dumating na din sya.

Dumaan muna kami sa flower shop para bumili ng bulaklak. Pagkarating namin sa lugar na matagal kong di napuntahan ay bumaba na kami.

Anong ginagawa natin dito? Tanong ni Lisa habang palinga linga sa paligid.

May gusto lang akong ipakilala sayo. Sagot ko sa tanong nya.

Dito ko nalang kayo hihintayin. Sabat ni Suelgi. Tumango naman ako bilang pagsang ayon.  Hinila ko na si Lisa papunta sa taong ipapakilala ko sa kanya. Tumigil kami sa isang puntod. Umupo ako at tinanggal ang tuyong bulaklak.

Bigla akong napaisip ng makita ko ang tuyong bulaklak na tinanggal ko. Sino kayang ibang dumadalaw dito. Ang alam ko naman ulila na sya. Kung sino man yun sigurado akong malapit sa kanya ito. Gusto ko syang makilala at nang makapagpasalamat dahil habang wala ako sya ang dumadalaw dito.

Winaksi ko sa aking isipan ang pag iisip sa taong yun. Ibinalik ko ang atensyon ko sa totoong pakay ko dito. Inilagay ko na ang bulaklak na binili ko.

Honey bumalik na ako. Nakangiti kong sambit. Tumayo naman ako at hinawakan ang kamay ni Lisa. Nakatayo lang sya at nakatingin sa puntod na nasa harapan namin. Tumingin muna ako kay Lisa at saka bumaling sa puntod kung saan nakahimlay ang aking dating kasintahan.

Bumalik ako pero hindi na ako mag isa. Honey sya si Lisa, sya yung kinekwento ko sayo bago ako umalis. Ikakasal na kami, pero wag mong iisipin na kakalimutan na kita. Mananatili ka parin dito. Turo ko sa puso ko.

Salamat sa lahat ng magagandang ala alang iniwan mo. Umiiyak na ako habang sinasabi ko ang mga salitang yun. Binitawan ni Lisa ang kamay ko at pinahid ang luha ko. Bumaling sya sa puntod  na nasa harapan namin.

Wag kang mag alala. Aalagaan ko ang babaeng to. Salamat sa pag aalaga sa kanya noong wala pa ako. Sambit nya. Ilang sandali pa ay inaya ko na si Lisa na umalis.

Pumunta na kaming mall para bumili ng kakailanganin namin. Mabilis naman naming nabili ang lahat ng kailangan kaya agad na kaming umalis.

Tahimik lang kami habang binabaybay ang daan papunta sa condo ni Jennie. Magkasama daw si Irene at si Jennie kaya doon na kami tumuloy. Hiniling ko kay Suelgi na wag ng ipaalam kina Irene na kasama kami ni Lisa. Gusto kasi naming isurprise sila. Tumingin ako kay Lisa ng pag aalala. Nakapikit sya at nakasandal ang ulo sa balikat ko.

Ano kayang mangyayari kapag nagkita na kayo ulit ni Jennie. Tama ba tong ginagawa ko? Tama bang hiniling ko to kay Lisa? Natigil ang pag iisip ko ng magsalita si Suelgi.

Andito na tayo. Sambit nya at pinatay na ang makina ng kanyang kotse. Tinapik ko naman si Lisa, agad naman syang nagising.

Andito na tayo. Tara na. Pag aaya ko kay Lisa . Bumaba na kami, nakasunod lang kami kay Suelgi. Habang naglalakad kami ay ramdam kong hindi mapakali si Lisa kaya hinawakan ko ang kamay nya. Tumingin naman sya sakin, kita ko sa mga mata nya ang takot at pag aalinlangan. Ngumiti naman ako upang gumaan ang loob nya.

First love, Last loveWhere stories live. Discover now