Chapter 39 The Last Note

3.7K 55 21
                                    

After so many years, ngayon pa lang nagkaroon ng trailer ang WHAT IF. Super duper thanks kay EliteGraphics / AmberZelin for the awesome trailer.

Panoorin nyo yung trailer, guys. Nasa multimedia box or just simply click the external link.

 

Short update lang to. Medyo wala kasi ako sa sarili ko habang ginagawa ko ‘tong chapter na ‘to and pagod din at the same time. Kaya pagpasensyahan nyo na lang. :)

Don’t forget to VOTE, COMMENT and FOLLOW!

 

Chapter 39

The Last Note

Kathryn’s P.O.V.

Arrrrggh! Sobrang sakit ng ulo ko. Para kong may hangover. Anong oras na kasi natapos yung reunion kaya madaling araw na din kami nakauwi. Buti na lang talaga at wala kaming pasok ngayon dahil kung meron man panigurado bangag ako neto.

Tumayo na ako sa kama ko at dumiretso sa C.R. para gawin ang morning rituals ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko ay tinignan ko kaagad ang cellphone ko.

Pero wala akong text na nareceived mula sa kanya. Kapag gising ko lagi syang nagtete-text sakin na bumubuo sa umaga ko pero ngayon wala kahit good morning man lang.

Siguro napuyat din sya kagabi kaya hinayaan ko na lang. Ako na lang ang magte-text sa kanya.

To: My Husband Daniel <3

Good morning, bf. Mukhang napapasarap na ang tulog mo ah. Mukhang nag-enjoy ka talaga kagabi. I love you and miss you already.

 

 

Pagkatapos ko syang itext ay bumaba na kaagad ako para mag-almusal. Sakto naman na nag-aayos na sila mama at kuya ng lamesa.

“Good morning anak. Halika ka na dito para makakain na tayo.” sabi ni mama ng makita nya akong pababa na ng hagdan

“Good morning din po mama.” bati ko din kay mama

“Grabe ka, Kath! Akala ko di ka na gigising eh. Tulog mantika ka talaga kahit kailan. Dapat nga bubuhusan na kita ng tibig eh. Whahaha.” pang-aasar ni kuya Neil sakin

Sinumangutan ko lang sya at di ko na lang pinansin. Tinotopak na naman kasi ng pagiging isip bata ang magaling kong kuya. Abnormal kasi yan eh. Hahaha.

Nagsimula na nga kaming kumain ng breakfast. Sobrang sarap talaga magluto ni mama kaya napaparami ako ng kain eh. Buti na lang hindi ako tumataba.

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora