Chapter 33 Second Chance

3.9K 44 16
                                    

Sorry for the late update! Lagi na lang. Haha. Hope you understand guys. 

And thanks for your patience in waiting. I do really appreciate it.

Don't forget to VOTE, COMMENT and FOLLOW!

Chapter 33 

Second Chance 

Julia's P.O.V.  

Hindi ako mapakali ngayon. Kinakabahan ako na ewan. Basta ang gulo ng isip at puso ko ngayon. Mukhang mali pala ang naging desisyon ko sa pagpayag na kausapin si Diego.

Pero hindi naman na ako pwedeng mag-back out sa nasabi ko sa kanya. Siguro nga panahon na talaga para mag-usap na kami.

Aaminin ko sa sarili ko na hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin si Diego pero...

Palagi namang maraming pero eh...

Sinaktan nya kasi ang puso ko kaya nawalan ako ng tiwala sa kanya.

What if maipaliwanag na nya yung side nya? Anong susunod na mangyayari sa aming dalawa? Handa na nga ba akong patawarin sya after ng lahat ng pananakit na ginawa nya?

"Naguguluhan na talaga ako."

Inis kong sinabunatan ang buhok ko. Hindi ko alam na sobrang nakaka-frustrate pala kapag makikipag-usap ka sa ex mo after ng napaka-habang panahon.

Ayaw ko namang guluhin si Kath para sabihan ng problema ko. Masaya na sya kay Daniel at ayaw kong siraon ang happiness nya kapag ikinuwento ko pa sa kanya ang kadramahan sa buhay ko.

"Bahala na kung anong mangyayari mamaya. Go with na flow na lang muna ako. Kaya mo yan Julia! Aja!" sabi ko sa sarili ko para mapalakas kahit papaano ang loob ko

Tinignan ko yung orasan sa gilid ng kama ko at 5:30pm na pala. Kailangan ko na palang gumayak para sa pagtutuos namin ni Diego mamaya.

Pero ang tanong ko sa sarili ko...

Pupunta ba talaga ako o hindi?

Diego's P.O.V. 

Nagkakandaugaga na ako sa pagpapa-ayos nitong restaurant. Gusto ko maging perfect ang lahat mamaya. Lahat ng details pinagkakatutukan ko ng pansin. Eto na kasi yung hinihintay kong second chance. Ayaw ko namang sayangin lang ang binigay na chance ni Julis sakin.

Eto yung restaurant na lagi naming pinupuntahan. Dito nya ako sinagot at dito namin pinag-usapan ang mga gagawin namin sa future namin.

Pero dahil sa hinayupak na babaeng 'yun nawala sakin si Julia. 'Yung future na plinano namin naglaho na at ngayon ibabalik ko na sa akin si Julia.

Sana lang after nyang mapakinggan yung expalanations ko ay mapatawad nya ako.

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon