Chapter 2 First Meeting

6.7K 101 8
                                    

‘Yan ah! nag-update ako para sa inyo. Para makarami agad at makarating agad sa mga Kilig Moments ng ating mga bida.

Enjoy Reading. Please FOLLOW me and leave you comments. Thank you!!!

--------------------------

Chapter 2

First Meeting

Kathryn's P.O.V.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan? Ah, alam ko na nagwa-gwapuhan ka sakin kaya ganyan ka kung makatingin," sabi nung lalaki habang naka-ngisi pa.

Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa’kin at inilapit ang kanyang mukha. Ilang inch lang pagitan namin. Konting galaw lang ay pwede ng magdikit ang labi namin.

 

*Dug Dug Dug Dug*

Grabe bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Ano ba ‘tong nararamdaman ko at parang pamilyar siya sakin di ko lang matandaan. Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Bahala na kung anong mangyayari.

"Whahahahaha! Grabe ka, miss. Akala mo hahalikan kita? In your dreams, baka magasgasan lang tong kissable lips ko. Whahaha." Sabi niya habang tawa pa rin ng tawa.

"Ang kapal mo din noh? Kung akala mo ay gwapo ka pwes nagkakamali ka! Ikaw ang asa" sigaw ko sa kanya. Pigilan niyo ko masasaktan ko tong isang to.

"Sus! Kunwari ka pa dyan. Kaya nga kung makatitig ka wagas." sabi nya at hagalpak padin ang tawa

"Ikaw iniinis mo talaga ko ahh! Eto ang sayo...."

Tumakbo kaagad ako para di niya ako mahabol.

"Araaaaaay!”

Narinig ko ang pagsigaw nya. Alam nyo ba kung anong ginawa ko sa kanya? Inapakan ko lang naman ng madiin ‘yung paa nya sabay sipa sa tiyan nya. Whahahaha. Kala mo uubra ka sa kin. Dyan ka nagkakamali.

Bumalik na kaagad ako sa restaurant kung nasan sila mama. Hingal na hingal ako sa kakatakbo kasi baka mahabol ako nung kumag na ‘yon. Mahirap na.

"Oh, para kang hinahabol ng multo dyan.. Ano bang nangyari sa'yo?" tanong sakin ni mama dahil hinahabol ko ang hininga ko

"W-wala naman po," yun na lang sinabi ko. Ayoko naman sabihin sa kanila yung nangyari kanina at sigurado akong pagtatawanan na naman ako ni kuya.

"Anong wala ka dyan, tignan mo nga sarili mo hingal na hingal ka dyan. Teka nga lang asan na pala yung binili mo?" singit ni kuya Neil sa usapan namin ni mama

"Ah- eh-, u-ubos na d-daw yung stock nila." Nauutal ko pang sabi dahil nga diba ayaw kong sabihin sa kanila ‘yung nangyrai kanina

"Ubos na nga ba o di ka la---" di na natapos ni kuya yung sasabihin niya

"Tara na, anong oras na. Umuwi na tayo." putol ni mama sa sasabihin ni kuya. Buti naman at di kasi titigil sa kakatanong ‘tong si kuya.

------------------------

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko at hanggang ngayon badtrip na badtrip pa rin ako. Kasi naman kundi dahil sa lalaking yun eh di sana nabili ko na yung watch na yun. Iyon pa naman yung gustong-gusto kong watch tapos di ko mabibili! Limited Edition pa naman ‘yun. Huhuhu! BADTRIP!

Sa sobrang inis at pagod di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Daniel's P.O.V.

Papunta kami ngayon sa tambayan ng barkada. Inis na inis pa rin ako dun sa babaeng nerd na ‘yun. Nakita pa naman nang mga barkada ko kaya iyon hanggang ngayon di parin sila tumitigil sa kakatawa.

"Whahaha. Grabe ‘yung babae na ‘yun, DJ" sabi ni Katsumi

"Nakita mo na rin sa wakas ang babaeng katapat mo ngayon! Hahaha." sabi naman ni JC

"Kawawang Daniel Padilla, yun lang pala ang gagawa nun sayo. Whahaha. Araaay naman!" sabi naman ni Lester. Binatukan ko nga.

Wala pang nakagawa sa'kin ng ganun. Humanda sa akin ‘yung babae na ‘yun. Oras na magtagpo muli an gating landas ay pagsisisihan mo ang ginawa mo.

*evil smile*

---------------------

Ano kayang gagawin niya kay Kath? Anong klaseng paghihiganti kaya iyon?

Abangan na lang natin sa mga susunod na chapter...

Pasensya na kayo wala pang masyadong Kilig Moments kasi umpisa pa lang.. Pag tumagal na mamamatay kayo sa sobrang kilig (di joke lang)...

Baka sa Tuesday na po ulit yung next update..

VOTE and COMMENT kayo...

Kung aabot sa 10 yung votes nyo mag-uupdate ako ng 2 chapters bukas. I Promise...

Once again THANK YOU!!!!

johncris14

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora