Chapter 44 Win Your Heart

2.4K 62 50
                                    

Natuwa ako sa mga comment nyo last chapter. Dedicated this chapter to her. I-push mo 'yung ship na #TeamXaniel. Hahaha!

This chapter serves as my birthday gift to you guys. Tama kayo ng pagkakabasa. Birthday ko nga ngayon at heto na lang ang maireregalo ko sa inyong lahat. Talagang pinaghirapan kong tapusin 'to ngayon para lang sa inyo. Kaya gift nyo na lang sakin ay VOTE and COMMENT huh? Asahan ko 'yan. J

Special ang chapter na 'to and take note long update 'to kaya enjoy sa pagbabasa.

Chapter 44

Win Your Heart

Kathryn's P.O.V.

Hindi din nagtagal ay bumalik na si Xander dito sa cafeteria. Hihingal-hingal pa sya at mukhang tumakbo pa para lang makabalik kaagad dito.

"S-sorry kung pinaghintay kita." sabi nya at hinahabol pa ang paghinga

"Okay lang. So anong sabi sayo?" tanong ko sa kanya

Inabutan ko muna sya ng tubig at pinaupo sa upuan kasi mukhang napagod talaga sya. Sobrang layo din ng office and to think na tinakbo nya 'yun.

"Ewan ko ba dun. Nung pagpunta ko hindi naman daw nila ako pinapatawag. Baka namali lang ng tawag 'yung estudyante kanina. Pero hayaan mo na 'yun." sabi nya habang kinakamot ang ulo nya

Ibang klase talaga sya. Siguro kung ibang tao 'yun ay magagalit 'yun kasi napagtripan sya. Pero kakaiba si Xander at tinatawanan lang ang nangyari sa kanya.

"So tara na?" tanong nya sa akin at kinuha kaagad ang mga dala kong books

"Ako na lang bahala dyan. Kaya ko naman, hindi naman gaano kabigat." sabi ko sa kanya at pilit na inaagaw sa kanya ang mga libro ko

"Hindi na. Ako na." sabi nya at nginitian ako at tsaka ginulo ang buhok ko

"Tara na at baka ma-late pa tayo neto." sabi nya at umalis na nga kami

Hinatid nya muna ako sa classroom ko at tsaka sya pumunta sa room nya. Talagang maalaga si Xander at hindi nya talaga ako pinapabayaan.

Ilang araw pa ang lumipas at ganun pa din naman ang nangyayari. Palagi pa ding nasa tabi ko si Xander. Gabi-gabi pa din akong umiiyak pero medyo okay naman na ako kahit papaano.

Iniisip ko na lang na eto ang mas makakabuti sa aming dalawa ni Daniel. Kung saan sya Masaya ay susuportahan ko sya kahit na sakit ang maramdaman ko. Iniisip ko kung ano ang mga posibleng dahilan kung bakit nanghingi ng space sa akin si Daniel. Pero kahit anong gawin kong pag-iisip ay wala akong makuhang sagot.

Okay naman kasi kami at alam ko namang mahal na mahal naming ang isa't-isa pero di ko nga lang alam kung bakit dumating pa sa punto ng hiwalayan.

Isa lang naman ang kinakatakot ko eh.

Paano kung 'yung pagmamahal sa akin ni Daniel ay nawala na? Hindi ko alam kung kakayanin ko kung mangyari man 'yun. Para kasi sa akin si Daniel na ang mundo ko.

"Oh ang lalim na naman ng iniisip mo." nagulat ako ng biglang may nagsalita mula sa likuran ko

Si Xander pala. Andito kami ngayon sa school garden. Wala kasing klase ngayon dahil nagkaroon ng biglaang meeting ang buong faculty kaya vacant ng lahat ng estudyante. Medyo konti lang 'yung tao dito kasi yung iba ay nagsi-alisan na at babalik na lang mamaya pagkatapos ng vacant.

Mas minabuti ko na lang na mag-stay ng muna dito kasi wala namang akong pupuntahan.

"Bakit mo pa kasi ako iniisip eh katabi mo lang naman ako?" sabi nya at nagpa-cute pa sya sa harapan ko

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Where stories live. Discover now