Chapter 29 I'm Yours

4.7K 69 9
                                    

Sorry kung medyo natagalan ang update. Naging busy lang talaga this past few days.

Pero sigurado akong makakabawi ako sa inyo dahil sa update ko ngayon. Siguradong magugustuhan nyo 'to.

Maraming salamat pala sa lahat ng nagbabasa neto. Malapit ng umabot sa 20k reads kaya natutuwa talaga ako. Mas pagbubutihan ko pa ang pagsusulat para sa inyo.

Don't forget to VOTE, COMMENT and FOLLOW!

 

Chapter 29 

I'm Yours

Kathryn's P.O.V. 

Ilang linggo na 'kong nililigawan ni Daniel. Sa mga panahon na 'yun ay lagi nya akong sinusundo para sabay kaming pumasok sa school. Lagi din syang may dalang bulaklak araw-araw. Lagi pa rin syang may surprises para sa akin at iniiwasan na nya yung mga fangirls nya. Hindi na sya nakikipag-usap sa mga kung sino-sinong babae at madalas na din syang pumasok sa school. Ang laki ng pinagbago ni Daniel magmula ng ligawan nya ako at natutuwa ako sa mga pinagbago nya.

Talagang pinapatunayan nya na karapat-dapat sya para sakin.

Tapos na akong mag-ayos ng mga gamit ko para sa school. Pagbaba ko sa sala ay inaasahan ko andun na si Daniel kagaya ng nakasanayan ko pero wala sya doon ngayon.

Anong nangyari at wala sya ngayon?

Aaminin ko sa sarili ko na nakaramdam ako ng lungkot kahit papaano. Siguro na-late lang sya ng dating ngayon kaya hihintayin ko na lang syang dumating tutal maaga pa naman eh.

"Aaaah kawawa naman sya. Hindi na sya sinundo ni Daniel. Nagsawa na sa pagmumukha mong panget. Hahahaha!" ang aga-aga nangaasar na naman si Kuya Neil

"Che! Manahimik ka nga dyan kuya." pagtataray ko sa kanya

"Whahaha! Ang init ng ulo mo ngayon ahh. Menopause ka na noh? Hahaha."

Binato ko ng unan si kuya at saktong tumama sa mukha nya. Ibabato na nya sana sakin yung unan pabalik pero may biglang tumawag sa phone nya kaya di na natuloy. Sinagot nya na yung tawag at dali-daling umakyat sa kwarto nya sa taas.

Sino naman kaya yun? Hmmmm! I smell something fishy here. Hahaha.

Nilibang ko muna yung sarili ko sa pagbabasa ng mga lectures ko habang hinihintay ko ang pagdating ni Daniel.

Ang akala ko dadating sya pero malapit ng mag-time ay wala parin sya hanggang ngayon.

Pumasok na lang ako sa school ng mag-isa.

Nang makarating ako sa school ay para kong zombie dahil walang kabuhay-buhay ang mga kilos ko.

"Bessy!" tili ni Julia pero tinignan ko lang sya

"Oh anong problema mo ngayon? Para kang namatayan dyan." sabi nya sakin

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant