Chapter 24 Another Story

5.1K 57 5
                                    

Hey you! Thank you sa pagbabasa.... Hehehe. :D

Dedicated this chapter to AEGraphics. Thank you pos a napaka-gandang book cover ng What If. Sa uulitin po ulit. :D

Ang aga ng update ko ngayon kumpara sa mga nakaraan. Love you guys.

Vote, Comment and Follow = Fast Update

 

Chapter 24 

Another Story

Kathryn's P.O.V.

Pagkatapos ng nangyari sa music room ay umuwi na lang kaagad ako. Last subject ko naman kasi yun para sa araw na 'to kaya naisipan ko na lang na umuwi na lang ako.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nakita ko si Julia na nakaupo sa kama ko.

Nang makita nya ako agad syang tumakbo sa akin at niyakap ako bigla.

Naramdaman ko na lang na may tumutulong luha sa balikat ko.

Umiiyak pala sya.

"Ssssshhh. It's ok Julia. Sige iiyak mo lang lahat yan. Handa akong making." hinihimas ko ang likod nya para patahanin na sya.

"K-kath b-bakit ganun *sniff* ang tagal na nung nangyari yun pero affected pa rin *sniff*. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon." iyak lang sya ng iyak sa balikat ko

"Nasasaktan ka kasi hanggang ngayon mahal mo pa rin sya. Na kahit 1 taon na ang nakalipas ay mahal mo pa rin sya sa kabila ng pananakit nya sayo."

Alam ko na kung ano ang iniiyakan ni bessy. Isa lang naman kasi ang maaaring dahilan kung bakit sya nagkaka-ganyan eh. At sigurado ko ay dahil na naman 'to sa ex-boyfriend nya.

Eto yung sinasabi kong malaking problema. Dahil alam ko na magkakaganto na naman si bessy once na makita nya ulit ang ex nya.

"Makikinig ako sa kwento mo bessy. Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ko sa kanya.

Kasi sa loob ng isang taon na yun ay di na namin nakita pa ang ex-boyfriend nya at bigla na lang 'tong sumulpot.

Pinatahan ko muna sya para makapag-kwento sya sakin ng maayos.

Julia's P.O.V. 

******Flashback******

Maagang natapos ang klase namin kaya naisipan ko na munang maggala sa mall. May klase pa kasi Kathryn kaya di ko pa sya pwedeng ayain sumama.

Magsho-shopping na lang ako para mawala kahit papano yung problema ko.

Pumunta na ako sa favorite boutique ko. Lagi ako ditong bumibili kaya kilala na lahat ako ng staff dito.

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Where stories live. Discover now