Chapter 43 Something Fishy

2.2K 47 42
                                    

Sorry kung ngayon lang nai-post ang chapter na 'to. Dapat last week pa 'to eh. Kaya lang nagloloko yung wattpad sa laptop na gamit ko kaya kinailangan ko pang manghiram sa iba para lang mapublish 'tong Chapter na 'to.


Salamat pala sa mga nag-give ng feedbacks sa last chapter. :)


Sana mag-comment ulit kayo dito sa chapter na 'to.


P.S. Bare with the typo's. Tsaka ko na 'to i-eedit kapag tapos na.

 

Chapter 43

Something Fishy

Kathryn's P.O.V.

Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal umiiyak dito. Pero kahit na ganun hindi pa din ako iniiwan ni Xander. Andito lang sya sa tabi ko. Kahit hindi sya nagsasalita ay sinasamahan nya pa din ako at hinahayaan nya lang akong umiyak ng umiyak.


Dahil doon kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko.


Nang mapagod na ako kakaiyak ay pinunasan ko na ang mga luha kong naiwan sa mga mata ko.


Di ko akalain na nakaka-pagod din palang umiyak. Kasi yung katawan mo nanghihina din dahil sa emotional breakdown mo.


"Tapos ka ng umiyak?" sabi nya at nang tumingin ako sa kanya ay naka-ngiti lang sya sakin


"A-akala ko umuwi ka na?" sabi ko sa kanya


"Hindi kasi kita matiis. Kaya mas pinili ko na lang mag-stay dito para samahan ka." sabi nya at kinuha nya sa kamay ko yung panyo at pinunasan nya ang mga luha kong nagbabadya na naman sa pagbagsak.


Akala ko naubos ko na lahat sila pero heto na naman. Hindi ko na naman sila mapigilian.


"Huwag ka ng umiyak. Alam ko na may rason si Daniel kung bakit siya nanghingi ng space. Bigyan mo muna sya ng time. Tignan mo, sya pa mismo ang babalik sayo." sabi nya at ngumiti na naman sya sakin


Alam ko na kaya nya 'yun sinasabi ay para mapagaan ang kalooban ko.


Pero sana nga tama sya. Sana totoo nga 'yung mga sinabi nya sakin.


"Tsaka wag ka na ngang umiyak. Baka mamaya biglang bumaha dito. Summer na summer tapos biglang babaha. Hahahaha." pang-aasar nya sakin


"Sira ka talaga!" napangiti ako dahil sa sinabi nya


"Iyan! Dapat ngumingiti ka. Mas maganda ka kapag naka-ngiti. Kaya wag ka ng iiyak huh." sabi nya sakin sabay gulo sa buhok ko


"Puro ka talaga pambobola." pagbibiro ko sa kanya


"Ganto na lang! Sa tuwing makikitakitang iiyak bibigyan mo ko ng 500. Deal yan ah, wala ng bawian. Hahahaha." sabi nya sabay takbo palayo sa akin

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Where stories live. Discover now