Chapter 5 First Day Of School

5.6K 73 5
                                    

Sorry if natagalan ako sa pag-update nito. Hayaan nyo babawi ako this week. Naging busy kasi masyado dahil finals namin. May exam pa nga ako bukas eh tapos di pa ko nakakapag-review. Nag-update lang lang ako.

Thanks for reading!

VOTE, COMMENT and BE MY FAN.

Chapter 5

Daniel's P.O.V.

*************

Tumatakbo ako may hinahabol akong babae, kahit nakatalikod kitang-kita mo na maganda siya at bagay na bagay sa kanya ang suot nyang gown.

Kahit anong bilis ng takbo ko hindi ko pa rin sya maabutan. Naririnig ko ang pag-iyak nya kahit maayo ako sa kanya.

Sa kaka-habol ko sa kanya napunta kami sa isang park. Teka nga pamilyar sa kin to. 

Sa lugar na to ako unang nagmahal. 

Sa lugar na to unang tumibok ang puso ang puso.

Bakit ganun parang may sakit akong nararamdaman. Hindi ko namalayan na tumutulo na rin pala ang mga luha mula sa mga mata ko.

Pero ang mas nakapagpaluha sa kin ay nung may makita akong humaharurot na sasakyan at ilang sandali na lamang ay maaari na siyang masagasaan nito. 

Konting-konti na lang ----------

***************

Napabangon ako mula sa pagkakahiga sa aking kama

"Shit! Bakit ba lagi kitang napapanaginipan? Sino ka ba na nasa panaginip ko? Bakit lagi mo kong ginugulo?"

Lagi ko iyong napapanaginipan. Di ko alam kung bakit?

Kathryn's P.O.V.

Maaga akong nagising ngayon kasi ngayon na ang start ng class. 4th year high school na ko kaya I'm so much excited. 

Excited na rin ako sa bago kong school na papasukan. Sabi kasi nila maganda daw dun.

Nag-ayos na ko. Basta kuha lang ako ng damit. Pagkatapos nun isinuot ko na yung necklace ko na ibinigay NIYA sa kin.

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora