Chapter 16 The Big Changes On Her

5.3K 67 11
                                    

Ang tagal ko din palang nawala. Almost one month na. Hihihi...

Sorry sa paghihintay ng matagal. Di po kasi biro maging college student at ang course pa ay Accountancy. Kaya sobrang hectic ng schedule. Pero kahit ganun naman syempre pipilitin kong magka-time para sa mga next update.

Eto na yung CHANGES na mangyayari. Gusto nyo na bang malaman? Go, basa na. Hahahaha.

Enjoy Reading!!! 

Chapter 16

Kathryn's P.O.V.

Haaaaaaaaayyyy!!!

Pang-ilang buntong hininga ko na ba yon? Di ko na mabilang.

Para kong baliw dito. Nababaliw na talaga ko dito. Masisiraan na ko ng bait.

Di ko na talaga alam kung anong nangyayari sakin these past few days.Bakit ko ba laging iniisip yung Mr. Yabang na yon. Hindi ko naman dapat isipin yung isang yon eh.

"Hay nako! Baliw ka talaga Kathryn. Syempre iisipin mo yung isang yon kasi mahal mo yon. Kaya nga laging nasa isip mo eh." sabi ng mabuti kong konsensya.

"Anong mahal mahal pinagsasabi mo dyan. Di yun LOVE. Naiisip mo lang yung kumag na yon kasi lagi kang inaasar non. Iniisip mo sya lagi kung pano ka makakaganti sa kanya. Yun na yon. Wala ng iba pang meaning yun." sabi naman ng isa ko pang konsensya.

Oh hindi!!! Tignan nyo. Nababaliw na talaga ko.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaah!" napasigaw ako ng biglang may humatak sakin. Hindi pala hatak ang ginagawa nya, kinakaladkad nya pala ako, iyon yung right term sa ginagawa nya.

"Magnanakaw! Magnanakaw! Magnanakaw! Waaaaaaaahhhh!!! Tulong mga kapit-bahay" sigaw ko para makatawag ng atensyon ng mga kapit-bahay namin para tulungan nila kami.

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon