Chapter 23 Jump Then Fall

5K 57 11
                                    

GoodVibes lang ang chapter na 'to. Kilig moments naman tayo. Hahaha.

Please give your feedback regarding this chapter.

VOTE + COMMENT + FOLLOW = Fast Update

Thank you din sa inyong lahat dahil umabot na sa 10k reads ang What If. Sana mas magustuhan nyo pa ang flow ng story.

At dahil nga umabot na sa 10k reads eto kaya naman inagahan ko na ang update. Oha oha. Haha!

 

Chapter 23 

Jump Then Fall

Kathryn's P.O.V.

"Okay Class, our activity for today is all about singing. Mamimili kayo ng partner nyo then ang isa sa inyo ay dapat kakantahan ang partner nya. Bale kailangan nyong mag-act, isipin nyo na lang na para kayong gumagawa ng music video ng isang kanta. Bahala na kayong mag-decide kung sino sa inyong dalawa ang kakanta basta ang importante ma-portray nyo yung message nung kanta. Dapat ma-feel ng mga nanood sa inyo yung emotions. Got that? Sige mamili na kayo ng partners nyo." paliwanag ng Music teacher namin sa activity na gagawin namin ngayon

Hala! Sino naman kaya ang magiging partner ko? Eh parang silang lahat may partner na ako na lang yung wala.

Paano na 'to? Ayoko naman mawalan ng grade dahil lang sa wala akong partner.

Nagtaas ako ng kamay para ipaalam sa teacher ko na wala pa akong partner. Kasi lahat sila meron na talaga.

"Maam excuse me lang po. Pero wala pa po akong partner." medyo nahihiya kong sabi sa music teacher namin.

Magsasalita na sana si Maam ng biglang may pumasok sa Music room.

"Sorry I'm late." sabi nya at tsaka ngumiti sakin.

*Dug Dug Dug Dug*

"Oh andyan na pala ang partner mo Miss Bernardo. Kayo na lang ang partner ni Mr. Padilla." sabi ng teacher ko at ngumiti pa sakin

After 1 week ngayon na lang ulit kami nagkita pero ganun parin yung nararamdaman ko para sa kanya. Di parin nagbabago at habang mas tumatagal ay lumalalim pa.

"Oh so tayo pala ang partner ngayon. Pwede bang partner na lang tayo in real life? Sounds good." sabi nya sakin at inakbayan ako

Di ko alam kung anong dapat kong i-react sa kanya. Parang napunta kaming dalawa sa ibang dimension dahil sya lang talaga yung nakikita ko. Parang nawala yung mga tao sa paligid namin at kami lang ang natira.

"Mas bagay sayo yang ganyang ayos. Lalong kang gumaganda." sabi sabay pinch ng cheeks ko

Nag-blush ako ng dahil sa sinabi nya. Nakakahiya kung makita pa nya, sigurado kong aasarin lang ako nyan.

"Pwede ba tigilan mo ko. May paakbay-akbay ka pang nalalaman. Gusto mo ng sapak?" tinanggal ko yung pagkaka-akbay nya at ipinakita ko sa kanya yung kamao ko.

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя