Chapter 45 After the Fight

2K 45 13
                                    

Dedicated this Chapter to @babaenganime. Sobrang ganda ng story nyo na Danger's Style. Idol ko na kayo. Hahaha! Bentang-benta sakin 'yung mga banat ni Panganib. Whahaha!

Long update here! Magmula ngayon laging long update na bawat chapter para masaya. Hahahaha!

Don't forget to VOTE, COMMENT and FOLLOW!

Chapter 45

After The Fight

Kathryn's P.O.V.

Lumipas pa ang mga araw na okay na ang lahat.

Masasabi ko na nakatulong sa amin ng malaki ni Daniel ang nangyaring space sa pagitan namin. Nag-mature na kaming dalawa at mas napatunayan pa namin na mahal talaga namin ang isa't-isa. In fact, parang wala ngang nangyaring hiwalayan sa pagitan naming dalawa kasi kung ano kami bago maghiwalay ay ganun na ganun pa din kami hanggang ngayon.

Though mas nadoble na ang sweetness ngayon ni Daniel. Everyday akong nakakatanggap ng flowers and some stuff, even letters. Itinatabi ko lahat ng letter na ibinibigay nya at napapangiti na lang ako kapag binabalik-balikan kong basahin ang mga 'yun.

Close na close pa din naman kami ni Xander ngayon. Though hindi na kami parating sabay pumasok dahil lagi akong sinusundo ni Daniel. I think okay naman si Daniel kay Xander at buti na lang ay hindi sya gaanong nagseselos sa tuwing kasama ko si Xander. I'm really thankful dahil understanding ang boyfriend ko at hindi inuuna ang selos. Pero at some point, lumalabas ang pagka-seloso nya. Ewan ko ba dun, ang moody din minsan. Hahaha!

Sabado ngayon at walang pasok. Andito lang ako sa bahay dahil wala naman akong ibang pagkaka-abalahan. Si Daniel naman ay may inaasikaso daw kaya wala sya dito.

This fast few days palagi syang nandito sa bahay namin. Kulang na nga lang ay dito sya tumira dahil sa tuwing free time nya ay dito kaagad ang deretso nya.

Okay lang naman kila mama at papa na nandito si Daniel kaya walang problema.

"May bisita ka sa baba?" sabi ni kuya Neil at lumabas din kaagad sya sa room ko

Sino namang bibisita sa akin ngayon eh hindi naman daw makakapunta si Daniel ngayon kasi may inaasikaso nga daw. Hindi din naman si Julia kasi ang alam ko may date sila ni Diego mamayang hapon. Pero pwedeng sya din tutal hapon pa naman date nila.

"Sino nga kaya?" tanong ko sa sarili ko

Para masagot ko ang tanong ko ay dali-dali akong bumangon sa kama at lumabas ng kwarto.

Pagkabukas ko ng pinto ay halos mapatalon ako sa sobrang gulat dahil nasa harapan ko ngayon si Daniel.

"A-akala ko ba----?" naguguluhan kong tanong sa kanya

"Surprise!" sabi nya at ngumisi sa akin

Di pa ako nakaka-get over sa biglaan nyang pagsulpot nang hilahin nya ako papasok sa loob ng kwarto ko at isinara nya ang pinto.

"Akala ko ba hindi ka makakapunta ngayon?" naguguluhan ko pa ding tanong sa kanya

"Eh sa na-miss kita kaagad eh." sabi nya at nagtaas-baba pa ng kilay

"Bolero ka talaga." sabi ko sabay hampas ng mahina sa balikat nya

"Totoo kaya 'yun noh. Na-miss talaga kita. Palagi naman kitang nami-miss eh." sabi nya at nagulat ako ng bigla nya akong itulak pahiga sa kama at tsaka pumaibabaw sa akin

Sobrang lapit ng katawan at mukha nya sa akin na konting-konti na lang ay mahahalikan na nya ako. Magkalapat na ang noo naming dalawa at nakatingin sya ng diretso sa mga mata ko.

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Where stories live. Discover now