Chapter 41 Flashback

2.4K 70 20
                                    

Sorry kung delay ang update. Natapat kasi sa Finals week kaya di kaagad ako nakagawa ng update. Di bale babawi ako ngayong summer at mas madalas na ang update ng WHAT IF. :)

BTW, gumawa pala akong fb group ng WHAT IF. Sali kayo para mas masaya. Mag-popost ako ng mga Hint at spoilers about sa mga next chapter. Haha. magha-hire din ako ng mga handlers para sa story ko. Asahan kong mag-join kayo ah. :) Click the external link for the group.

Dedicated this chapter to gwnynlovz. Sya kasi yung unang nakahula kung sino si Mystery Girl. :)

Don’t forget to VOTE, COMMENT and FOLLOW!

 

Chapter 41

Flashback

Kathryn’s P.O.V.

This is it! This is the moment of truth.

Maaga akong nagising ngayong araw na ‘to dahil di na ako makapag-hintay para maka-usap si Daniel at masabi ko na sa kanya ang nalaman kong katotohanan.

Sa totoo nga lang di na ako nakatulog ng maayos sa sobrang pagka-excite ko.

Ano nga kayang magiging reaction nya kapag nalaman na nya? Panigurado matutuwa din yun katulad ko.

Kahapon pa lang gustong-gusto ko ng sabihin sa kanya ang lahat pero hindi ko sya ma-contact. Laging out of reach ang Cellphone nya. Siguro naging busy lang sya kahapon kaya ganun.

Pero iba na ang araw na ‘to. Di na ako makakapayag na hindi maki magkita ni Daniel. Panigurado ko miss na miss na ako nun.

May naisip akong bright idea.

Magtatampo-tampuhan ako sa kanya dahil sa di nya pagsagot sa mga text at tawag ko. Tama! Tama! Hahaha.

Nang maayos ko na kaagad ang lahat ng gamit ko ay dumiretso na kaagad ako sa may table na katabi lang ng kama ko. Binuksan ko yung mini drawer nun at kinuha ko kaagad yung box na pinaglagyan ko ng kwintas.

“Ngayong araw na ‘to magbabago ang lahat.” nakangiting sabi ko habang sinusuot ang kwintas sa akin.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa repleksyon ng salamain at di ko mapigilang mapangiti.

Nakakatuwa lang kasi isipin na sa lahat ng nangyari ay kami parin pala talaga ni Daniel. Napaka-mapaglaro nga talaga ang tadhana.

Kinuha ko na yung bag ko sa ibabaw ng kama at ready na akong umalis ng mapansin kong naiwan ko palang nakabukas yung drawer.

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Where stories live. Discover now