Chapter 49 One Day To Forget The Pain

1.5K 45 16
                                    

Sorry for the delay update. Diba sabi ko naman sa inyo sa last Chapter na matatagalan ang update. Sa totoo lang matagal ko ng naumpisahan 'tong Chapter na 'to pero biglang sunod-sunod ang exams kaya hindi ko kaagad matapos. Hope you understand.

And heto na nga ang pinakahihintay niyong update. Long update 'to kaya bawing-bawi naman ako sa inyo. Hintayin ko comments and reactions nyo. J

Don't forget to VOTE, COMMENT, and FOLLOW!

Chapter 49

One Day To Forget The Pain

Karla's P.O.V. (DJ's Mom)

Ako ang nahihirapan para sa anak ko ngayon. Masyado akong nagpadalos-dalos sa kilos ko kaya hindi ko naisip kung ano ang mga consequences ng mga bagay na ginawa ko.

Kung nagkaroon lang sana ako ng panahon para sa mga anak ko, edi sana hindi umabot sa puntong 'to.

Halos madurog ang puso ko ng makita ko si Daniel na umuwi nung nakaraang linggo na basang-basa sa ulan. Sobrang putla niya ng mga oras na 'yun. Gusto ko nga siyang dalhin sa hospital pero nagmatigas siya.

Araw-araw pa din siyang pumupunta sa bahay nung girlfriend niya na Kathryn daw ang pangalan sabi ni Sunshine.

Alam ko na kasalanan ko kung bakit nagkaganun ang relasyon nila. Kung hindi lang sana ako nakinig sa mga kasinungalingan ni Zharm.

Minsan naman hindi na umuuwi sa bahay si Daniel at doon nagpapalipas ng gabi. Hindi ko kinakaya ang nangyayari sa anak ko.

Hindi din siya kumakain at madalas nagkukulong lang sa kwarto niya. Nakakarinig kami ng mga pagkalabog sa kwarto niya pero ayaw niya kaming papasukin. Ayaw din niyang mangialam kami sa kanya. Madalas din siyang nagpapakalasing sa kwarto niya.

Talagang napapabayaan na niya ang sarili niya.

Nandito ako sa harap ng pinto ng kwarto ni Daniel. Oras na kasi para sa tanghalian. Kumatok ako sa pinto niya pero walang sumasagot sa loob. Nag-umpisa na akong mag-alala.

"Anak! Buksan mo 'tong pintuan." tawag ko sa kanya habang sunod-sunod na katok ang ginagawa ko sa pinto

Pero kahit anong gawin ko ay wala pa din akong marinig na sagot mula sa kanya.

"Yaya, pakikuha ang susi bilis!"

Nang makuha na ang susi ay nagkakanda-kumahog kami at pagbukas ko ng pintuan sobrang daming kalat ng nabasag na gamit at puro bote ng alak ang tumambad sa amin.

Nakita ko si Daniel sa kama na nakahiga kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya.

"Anak, okay ka lang ba? Ano bang nangyayari sayo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya

Hinawakan ko ang kamay niya at ganun na lang ang pagkagulat ko dahil sobrang init niya. Ang taas-taas ng lagnat niya.

Idinilat niya ang mga mata niya at pinipilit niyang makatayo pero hindi niya kaya.

"Anak huwag ka ng tumayo. Tatawag na lang ako ng doctor."

"N-No! Hindi ko kailangan ng doctor. Kailangan ko pang puntahan si Kath." nanghihinang sabi niya at pinipilit niya talagang tumayo

Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak ko dahil sa sitwasyon ni Daniel. Ayokong ipakita sa kanya na nahihirapan ako pero hindi ko na kayang pigilin pa. Mas nahihirapan ako dahil sa mga nakikita ko ngayon.

"No, anak. Dito ka lang sa kwarto mo at hindi ka aalis." ma-awtoridad na sabi ko sa kanya pero mukhang wala siyang balak na sumunod sa akin

"Diyan ka lang anak. Magpapa-akyat lang ako ng pagkain para sayo." sabi ko sa kanya at bumaba kaagad ako para ipaghanda siya ng soup

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon